Chapter 17

961 30 3
                                    

Chapter 17

Nagising ako kinabukasang katabi si Muse at Ai, I was in between them. Hindi ko maalala kung anong nangyari at paano ako napunta sa kwartong ito, ang huli kong naalala ay magkausap kami ni Fheris, pagkatapos ay nakatulog na ako.


Bumangon ako saka nanghilamos saka lumabas sa kwarto. Namangha ulit ako ng makita ang kalakihan ng mansyon nila Braxten. Grabe kahit na nakita ko na ito kahapon ay di parin nagsasawa ang mga mata ko.


I am wearing a pink sando and White pajama, hindi naman mainit pero di rin malamig kaya ito ang suot ko, I combed my hair as well into a messy bun. Hindi naman ako sanay maglagay ng kolorete sa mukha pero naglagay ako ng pulbo kanina.


Sinalubong ako ng mga kasambahay, sinabi nila sa aking may nakahanda ng agahan sa hapag at hininhintay na ako nila Tita Mes. Pagkatapos nilang sabihin iyon ay umakyat sila sa itaas, siguro'y gigisingin nila sila Muse.


Nadatnan ko si Tita Mes, Tito Grey, Fheris at Braxten sa Hapag na nag-uusap, seryoso sila lahat at mukhang hindi biro ang pinag-uusapan.


"They attacked us, yesterday, mabuti nalang at tulog pa siya. Muse and the others fought them, may nahuli kami, nasa bodega ng mansyon ni Lola Purple." Malamig na usal ni Fheris.

Tumango si Tito Grey. "You should keep your eyes on her, Braxten. She's the target."

Braxten's jaw clamped. "Of course dad, even if you won't tell me, I'll do the same." Madiin niyang sabi na tila ba nanggigil.


"Maam, ano pong ginagawa niyo rito?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsalita ng isa sa mga katulong nila Braxten.


Kinakabahang sinilip kong muli sila Braxten, mukhang di naman nila ako napansin. Hinarap ko ang katulong at nginitian.


"Ahm, bigla kasing sumakit ang tyan ko kaya huminto ako saglit." Alibay ko at tumawa ng hilaw. "Sige, di na masakit tyan ko eh."

Agad akong naglakad patungo sa hapag, si Braxten ang unang nakakita sa akin, tumikhim siya kung kayat napalingon na silang lahat sa akin.



"Good morning, Lalaine." Bati ni Tita Mes.

Ngumiti ako at binati siya pabalik. I took the seat next to Fheris, ramdam ko ang paninitig ni Braxten pero di ko ito pinansin.


"Good morning." Nakangiting bati sa akin ni Fheris.


"Magandang Umaga din." Bati ko pabalik. Braxten cleared his throat.



"Bat dyan ka nakaupo?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Braxten sa akin.

Braxten is wearing a plain white tshirt, his cross earing on his left ear is slightly moving, siguro dahil sa pagtikhim niya kanina. His neck is red as well as his ears, bakit siya namumula?



Napatingin ako saglit kay Tita Mes na ngayoy nangisi na sa anak saka sinagot si Braxten.




"San ba ako dapat?" Maingat kong tanong.



He's looking at me intently, his facial expression were cold but his eyes are serious. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero di ko magawa, my eyes just don't do what I want. Hindi ko maalis-alis ang aking mga mata sa gwapo niyang mukha.


"Sa akin." Buong boses niyang sabi.

My heart immediately flipped, halos mabingi ako sa sariling pintig ng aking puso, Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Fheris chuckled beside me, I even saw Tito Grey grinned at his son while Tita Mes is smiling widely at me. Damn.



Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon