Chapter 3
Ilang linggo ng nananatili si Braxten sa amin, medyo nasasanay na ako sa kaniya, pero hindi parin ako komportable.
"I'll drive na kita, Laine." Nakangiting sabi pa ni Braxten habang nakahiling siya sa pintuan ng kaniyang kotse.
"Wag mo ngang ipaghalo ang tagalog ay english mo!" Ang aga-aga eh!
Ngumisi lang siya at pinagbuksan na ako ng pinto. "Get in."
Inirapan ko siya, kinirot naman niya ang magkabilang pisnge ko, tinampal ko ang mga kamay niya at tumawa lang siya. Pumasok nalang ako sa kotse niya at nagsuot na ng seatbelt. Napangiti naman ako. Aaminin ko nung mawala ang mga pasa niya sa mukha ay totoong namangha ako, may itsura naman pala ang mokong! At itong kotse niya ay nasira ang makina, tinulungan siya ni Papa na ayusin ito, at simula ng maging maayos siya ay hatid-sundo na niya ako sa school, ayaw ko sana pero si Papa na mismo ang nagsabi eh.
"Seatbel-"
"Tapos na." Putol ko sa kaniya. Kapag kasi makakalimutan kong magsuot ng seatbelt ay siya na mismo ang nagsusuot sa akin.
Mukhang di niya nagustuhan ang sinabi ko dahil ngumiwi siya saka sinuot ang kaniyang seatbelt. Tahimik lang kami buong byahe. Wala naman kasi akong sasabihin eh.
"Sunduin kita ulit mamaya, ha?"
"Opo." Nang-aasar kong sabi, sabay baba sa sasakyan.
"Una na ako-"
"Bye!" Putol ko sa kaniya at sinara na ang pinto. Pairap ko siyang tinalikuran at pumasok na sa gate.
Naaninag ko naman kaagad si Sassy sa tapat ng Senior high Building na kausap ang bago niyang boyfriend si Fj na isang grade eleven. Napa-iling nalang ako at nag-iba na ng rota para di ko na sila makasalubong. Sa lahat ng naging boyfriend ni Sassy, si Fj ang pinaka-ayaw ko, kasi ang tanda niya para sa kaibigan ko.
Alam kong ang judgemental ko, at sobrang sama ko kasi hindi ko siya gusto dahil sa edad niya, pero kasi diba mas maganda naman kung hindi ganoon kalaki ang age gap?
"Lalaine."
Napakagat labi ako saka umikot para harapin si Doydoy. Ilang linggo narin kasing hindi kami nagpapansinan. Hindi naman sa close kami dati pero may kakaiba lang kasi..
"Ano iyon? May ipapagawa ka ba?"
Lumunok siya saka tumango. "P-pwede ba kitang maka-usap, m-mamaya? Kasi may sasabihin sana ako."
Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisnge. Ito na ba? "S-sige ba."
Bigla siyang ngumiti dahilan ng pagwawala ng puso ko. Ngumiti siya! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti! Ngumiti siya sa akin!
Buong araw nakaplaster ang ngiti sa labi ko, panay asar sa akin ni Sassy dahil sinabi ko sa kaniya ang nangyari kaninang umaga, mas nadadagdagan pa ang saya ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Doydoy at ginagawaran niya ako ng matamis na ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko, ganito ba talaga kapag nararamdaman mong crush ka din ng crush mo?
Pero paano kung manligaw siya? Grade seven palang kami. At isa pa paano kung di pa ako pwede magpaligaw? Anong gagawin ko? Nabahala ako sa mga naiisip pero mas nabahala ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Braxten.
"Kani-kanina lang para kang baliw na nakangiti mag-isa tapos ngayon nakasimangot ka na? Anong trip yan, laine?" Sabi pa ni Sassy na katabi ko ngayong naka-upo sa waiting shed.
BINABASA MO ANG
Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑
RomanceDump me now... chase me forever. Read at your own Risk! Braxten Nyx Ashley •Ashley 6 (Third Generation) Date Started: 10/10/20 Date Ended: 12/12/20 Status: Completed. Editing.