Chapter 12

1K 23 1
                                    

Chapter 12

Nagising ako kinabukasan na wala na si Braxten sa tabi ko. Nanlulumong tumayo ako galing sa aking kama at nagpunta na sa banyo para manghilamos. What happened last night is so clear to me, at di ko maiwasang magalit sa sarili, what am I thinking?! Bakit hinayaan kong magkaganoon? Tsk.

Lunes ngayon kaya naman naligo ako kaagad bago lumabas ng tuluyan sa aking kwarto. Napakunot noo ako ng makita si Braxten na naghahanda ng mga pagkain sa mesa.

He is wearing a grey sweatpants, white v-neck shirt and a balenciaga shoes. He looked like in his casual attire, effortless yet so handsome. His tattoos on his right arm are also a distraction, lalo nat may muscles siyang naninigas sa bawat galaw niya, damn.

"Your awake! Morning, Lalaine." Bati ni Fheris na kakalabas lang sa kwarto ni Papa kung saan siya natulog kagabi.

"Good morning." Bati ko din pabalik.

Ng tingnan kong muli si Braxten ay nakatingin na siya sa akin, agad akong nag-iwas ng tingin lalo pat muli kong naalala ang mga nangyari kagabi. It is so embarrassing!

"Lika na nak! Kain na tayo!" Yaya ni Papa sa akin, medyo nahiya pa ako dahil ako nalang pala ang nanatiling nakatayo samantalang silang tatlo ay nakaupo na sa hapag.

I saw Braxten smirk and gave me a knowing look, na tila ba alam niya kung bakit ako nakatulala kanina at kung bakit ako namumula ngayon!


Umupo ako sa tabi ni Braxten dahil iyon lang naman ang bakante. Braxten immediately put some rice on my plate, ramdam ko ang paninitig ni Papa sa kilos ni Braxten at ganoon din si Fheris. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang yumuko. I want to stop Braxten from what he is doing but I how? Eh gusto ko rin ang ginagawa niya.

Tumikhim si Papa saka nagsalita. "Nak, sembreak ninyo sa susunod na linggo diba?"

Tumango ako kay Papa. "Opo, one week kaming walang pasok."

"Kung ganoon ay sumama ka nalang kila Braxten sa Maynila para di ka na masyadong maging ignorante sa pasukan."

Saglit pa akong natigilan. "Di pa aalis sila Braxten ngayon?"

"You want to get rid of us that fast?" Sabat pa ni Braxten.


Napalunok ako saka mabilis na umiling. "H-hindi naman, nasanay lang talaga akong uma-alis kayo kaagad." Nahihiya kong sabi.

"We won't this time." Matigas na saad ni Braxten at nilagyan ng tubig ang baso ko.

After the breakfast, Braxten offered to drive me to school, pumayag naman si Papa, haist kailan ba di pumayag si Papa sa mga gusto ni Braxten?


"Don't you want to ask me?" Biglang basag ni Braxten sa katahimikan.

Takang nilingon ko naman siya. "Ano naman ang itatanong ko?"

Ngumuwi siya. "Like, how old am I? My full name? Where school do I study? You know some personal information."


"Bakit naman kita tatanungin?" Taka ko paring tanong.

He sigh, like he is starting to lose his temper. "And why wouldn't you?"

"Wala naman sigurong quiz at points akong makukuha kapag nalaman ko ang mga iyon." I honestly said.

"Tsk, Whatever. " naiinis niyang sabi.

Di ko mapigilang matawa dahil sa reaksyon niya, sinamaan naman niya ako ng tingin.

Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon