Chapter 9

998 25 2
                                    

Chapter 9

Fheris and I has been chatting for awhile now. Wala namang malisya, masasabi kong dahil sa pagcha-chat ay naging magkaibigan kami. Hindi naman kami masyadong nakapag-usap nung nandito sila ni Braxten kaya sa tingin ko ay dahil talaga sa pagcha-chat kaya kami naging magkaibigan.

Fheris Lovemir Ashley

Braxten is out again with his new fling.


At dahil din kay Fheris ay marami na akong  nalalaman kay Braxten. He is a Playboy-- larong lalaki, tsk. Sa loob ng isang buwan ay halos apat na babae ang nagiging kafling niya. Naiinis ako sa kaniya, pero bakit naman diba? Dapat wala akong pakialam eh!

Eh ano naman? Hehe.


Just saying, selos ka?

Di ah? Bat naman ako magseselos

Don't know, bakit nga ba?
Haha.

Di ka ba busy? Kanina ka pa chat
Ng chat, ah? Haha

Di naman, ikaw ba, busy?
Haha.



"Hoy! Kanina ka pa nakatutok dyan sa cellphone mo! May jowa ka na nuh?" Panunukso sa akin ni Sassy at sinubukan pang basahin ang convo namin ni Fheris kaya mabilis ko itong tingo sa bulsa ng aking suot na palda.


"W-wala ah! Kaibigan ko lang itong kachat ko!" Depensa ko.

Natawa naman si Sassy sa inasta ko at tinukso akong muli, at dahil malakas ang boses ni Sassy ay naagaw namin ang atensyon ng halos lahat sa aming mga kaklase. Even Doydoy took a glance at us, and when our eyes met he immediately look away, I just shrug.


Hindi parin bumibisita si Braxten, actually isang taon na simula nung huli ko siyang nakita at nakausap. I must admit it, I missed him. Mas malala keysa nung una siyang umalis. Hindi ko alam bakit, pero sigurado akong mas malala ang pangungulilang nararamdaman ko para sa kaniya ngayon. Grade Eleven na ako ngayon at kung di ako nagkakamali ay college na ngayon sila Braxten at Fheris.

"Lalaine, mag-usap tayo." Biglang sabi ni Doydoy habang seryosong nakatingin sa akin.



Nagkatinginan kami ni Sassy na ngayoy katabi ko sa pag-upo. Hinarap Kong muli si Doydoy at tatanggi na sana pero bigla nalang niyang hinablot ang braso ko at hinila palabas ng classroom. I can't move, I don't know how to react.

This is my first time. First time na nakita ang pagiging ganito ni Doydoy. Fist time niya akong hinawakan ng ganito. First time na ganito siya kaseryoso.

Nakaramdam ako ng kaba lalo na't ang daang tinatahak namin ay papunta sa likod ng building ng mga senior high. Sa likod kasi ng building madalas may nahuhuling gumagawa ng milagro, though I'm not expecting for us to do the same, I felt like this isn't right.

"Sinong ka-chat mo?" Malamig niyang tanong habang hawak hawak padin ang braso ko.

Huminto siya sa paglalakad ganoon din ako, saglit ko pang inobserbahan ang paligid. Walang ibang tao kundi kami lang. Mas lalo akong kinabahan.

"B-bakit mo naman tinatanong? Ano naman sayo kung sino ang ka-chat ko?" Pilit kong tinatago ang kaba ko pero sadyang nauutal ako. Siguro dahil narin sa presensya niya at dahil sa sobrang lapit namin sa isat-isa kaya ako nagkakaganito.


Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Nagseselos ako."


Napaliyad ako dahil sa sinabi niya. N-nagseselos siya? B-bakit?

Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon