Chapter 8

982 31 3
                                    

Chapter 8

Umasa ako. Di ko alam bakit pero umasa talaga akong babalik siya sa sabado gaya ng sinabi niya. Pero Sinungaling siya, di siya bumalik. Pang limang sabado na ngayon simula nung una akong umasang babalik siya, pero wala parin.

"Pa! Punta lang ako kina Sassy! Makikiwifi ako!"


"Sige!" Sigaw sa akin pabalik ni Papa, nasa banyo kasi siya samantalang ako ay nandito sa sala.



Umalis na ako ng bahay bitbit ang cellphone kong bagong bili lang ni Papa para sa akin. Android phone ito na touch screen, first time kong magkacellphone kaya naman naging ignorante ako buti nalang at tinuruan ako ni Sassy, ginawan niya rin ako ng Facebook account kaya nga ako pupunta sa kanila dahil kailangan ko daw'ng kumuha ng magandang litrato para i-profile picture ko at isa pa sila lang ang may wifi dito sa amin.


"Ano na? Ito lang magandang litrato mo?" Di makapaniwalang sabi ni Sassy habang nakatingin sa mga Litratong nasa cellphone ko.


Nahihiyang tumango ako. Maganda kasi si Sassy kahit na di ayusan kaya naman bigla akong nakaramdam ng pagka-insecure, ako kasi ay kahit pa make-apan ay wala ring magbabago.


Nakagat ko ang sariling labi ng huminto siya sa pasco-scroll at pinindot ang litrato ko kung saan nakasuot ako ng school uniform, nakanguso at nakawaki.


"A-alam mo namang hindi ako mahilig mag-picture! Wag nalang kaya Sassy!"


Bahagya siyang natawa saka pumalakpak. "Wag kang mag-alala, bes! Akong bahala!"


Bigla naman akong kinabahan.

Hinila niya ako papasok sa kwarto niya, pumili siya ng damit sa cabinet niya at inilabas pa niya ang mga make-up niyang imported, padala ng nga tita at tita niyang nag-tra-trabaho sa abroad. Dito sa amin, sila Sassy ang maituturi naming pinaka may kaya, halos lima kasi sa myembro ng pamilya nila ang nagtratrabaho sa abroad.


Hindi nalang ako umimik ng plantyahin niya ang buhok ko, mahaba at straight ang buhok ko pero ngayon ay medyo wavy na dahil sa ginawa niya gamit ang curling iron daw. Nilagyan niya rin ng kolorete ang mukha ko, she even force me to wear a feather earings!

"Ayan! Bongga!" Masayang sabi niya sabay palakpak.


Kinakabahang tiningnan ko naman ang sarili sa salamin nilang kasing taas at lapad ng isang tao. Napalunok ako. I can't even recognize myself. Naka-pink-crop-top ako na may sulat na 'drool over, but you can't have me', nakaputing high waist na shorts, at nakahigh-heels na kulay pink. Para akong barbie!


"Halika na! Picture picture time!" Excited niyang sabi sabay hila sa akin palabas ng bahay nila.


Maganda kasi ang view ng likuran ng bahay nila, may bundok kasi rito at magagandang bulaklak, kung di ako nagkakamali ay dito rin niya kinuha ang larawan niya na ginamit niyang profile picture. Siya ang kumuha ng litrato ko habang ako naman ay ginagawa nalang ang mga inuutos niyang gagawin ko. Medyo hindi ako kumportable lalo nat sa tuwing itinataas ko ang aking kamay ay naangat ang suot kong damit dahilan ng pag-expose ng tyan ko, pero normal lang naman daw iyon sabi pa ni Sassy kaya ok nalang.

"Ilagay mo ang isang kamay mo sa sintido mo at ipatong mo ang siko mo sa isa mo pang kamay." Utos niya pa. Di ko naintindihan ang sinabi niya basta nalang akong kumilos para magpose ng kahit na ano.


Nag-thumbs up naman siya. Nilagay ko ang mga daliri ng kanang kamay ko sa iilang hibla ng aking buhok habang ang isa kong kamay ay nasa beywang ko, hindi ako nakangiti sa camera, iyon kasi ang sabi sa akin ni Sassy, Fierce daw.


Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon