Chapter 5

1.1K 28 1
                                    

Chapter 5

Parang kahapon lang May biglang bugbog saradong lalaking dinala si Papa sa bahay, tapos ngayon...


"Lalaine! Nakikinig ka ba?" Iritableng sabi ni Sassy sa akin.


Bumuntong hininga nalang ako saka siya tiningnan, tinaasan niya ako ng kilay at ng lumipas ang ilang segundo na hindi ako nagsalita ay umirap na siya.


"Ano nanaman ba ang nasa isip mo? May reporting tayo! Ikaw ang na-assign-"


"Oo na, alam ko naman kasi, kaya ko naman wag kang mag-alala."


Ngumiwi siya. "Correction, kaya ninyo."


"Pwede namang ako lang."


Humalukipkip siya. "Di ka parin nakakamove on? Grade ten na tayo oi! Move on na! Kaya di umuusad love life mo eh!"


Dahil sa lakas ng boses ni Sassy ay napatingin narin sa amin ang iba naming mga kaklase. Sinamaan ko ng tingin si Sassy pero wala lang ito para sa kaniya. Ilang sandali lang ay nagbell na, agad akong pumunta sa harap at idinikit na ang manila paper kung saan nakasulat ang report namin ng mga kagrupo ko, may naramdaman akong tumabi sa akin at amoy palang ay alam ko na kung sino ito. Gaya ko ay nakaharap din siya sa blackboard habang dinidikit ang manila paper, halos sabay kaming umikot paharap, umani iyon ng panunukso ng mga kaklase namin. Alam kasi ng lahat na may gusto ako sa kaniya.



"Oh, ready na pala kayo! Very Good, guys dapat gayahin niyo ang grupo nila Javier, handang handa."


Javier ang tunay na pangalan ni Doydoy. Pabirong tumikhim ang iilan sa mga kaklase ko, namumula na ako pero di ko hinayaang makita nila na apektado ako. I cleared my throat and nod at ma'am Kat, nginitian at tinanguan niya naman ako.


"Good afternoon Classmates, Good afternoon ma'am Kat we are the reporters of Group One-" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang hawiin ni Doydoy ang iilang hibla ng buhok kong nakatakip sa halos kalahati ng aking mukha.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, at nagpapasalamat ako sa maingay kong mga kaklase, baka kasi marinig ni Doydoy ang pintig ng puso ko eh.


"Nakaharang kasi." Pigil ngiting sabi ni Doydoy at bumalik na sa dating pwesto. Mukhang nahalata naman niyang hindi ko na kayang magsalita dahil sa kaba kaya siya na ang nagsalita. "Our task is... we need to demonstrate the life of a bullied student in a creative way. My groupmates and I came up with an idea of making a poem, so..."



Nagkatinginan kami pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Tinukso nanaman kami. Napapikit nalang ako dahil sa hiya, lalo na nung nakitawa sa kanila si Doydoy. Napatitig ako sa kaniya, pero habang tumatagal, nag-iiba ang mukha niya... hindi na siya ang nakikita ko kundi si Braxten, ang tumatawang mukha ni Braxten, hindi narin ang tawa niya ang naririnig ko, kundi ang tawa ni Braxten...


"Mukha kang tanga kanina! Natulala ka nung tumawa si Doydoy!" Pang-aasar sa akin ni Sassy.


Hindi ko siya kinibo, bagkus ay nanatili akong nakatulala, nakatingin sa kung saan habang hawak hawak ang suot kong kwentas, kwentas niya.


Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ito ang kanuna-unahang pagkakataon na imbes na ang mukha ni Doydoy ang nakikita ko ay naging sa kaniya. Ang dami kong tanong... at alam kong masasagot lang iyon kapag nagpakita na siya ulit sa akin.


"Tulala agern! Jusko, malala na yan ha? Inlababo ka na talaga, bes!"


Hindi ko siya ulit pinansin. Sa di ko malamang dahilan ay panay ang ngiti sa akin ni Doydoy, at mas di ko maintindihan ang sarili ko dapat kiligin ako diba? Pero bakit... wala? I mean may kilig naman pero parang wala? Ewan.



Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon