Kabanata 03

131 31 78
                                    

"I guess that you're in trouble again, Yve."paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si Kale na may dalang mga bulaklak.

Mukhang hindi sila nagtagal ng pinalit niya sa akin at bumabalik na naman siya.

"Yve..."inabot niya sa akin iyong mga bulaklak at kinuha ko naman ito. Sa mga tingin ni Yssa alam ko na gusto niyang kunin sa akin iyong bouquet at ihampas sa mukha ni Kale.

"What do you want, Kale?"

"Can we talk?"lumingon ako kay Yssa at umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Sunod ako sa library, Yssa."tumango siya at umalis.

Alam ko na magtatampo na naman iyon sa akin kasi kinausap ko na naman ang pinakamabait kong ex-boyfriend. Hindi ko naman kasi alam kay Kale kung bakit pinipilit niya pa ang bagay na hindi na naman talaga pwede pa. Gusto niya bang makulong? Gusto niya ba masira ang buhay niya?

"Do you want to eat? Tell me what do you want to do? Vacant ko naman, pwede kita samahan..."I took a deep breath and smiled at him.

"If you'll gonna ask me if we can still fix our relationship, it's too late."I held his hands tight, still smiling at him.

"Hindi na talaga, Kale."sana maintindihan niya na ginagawa ko lang 'to para sa kanya. "I won't come back to you."

Alam ko naman kasi na kapag nalaman ni kuya na nakipagbalikan na naman ako kay Kale ay ipapakulong niya ito dahil sa ginagawa sa akin na pananakit ni Kale noon.

"I'm so sorry, Yve."

I need to be strong.

"Humihingi ka lang naman ng sorry kasi nahuli ka ni Yssa."I replied. "Pero kung hindi ka naman niya nakita, hindi ka magsosorry, 'di ba?"

Silence.

"Alam mo, sana marealize mo kung paano kita pinili ng paulit-ulit huwag ka lang mawala."and here we go again. My heart hurts. Pero kailangan ko 'to gawin para sa kanya.

Akala ko okay na ako, pero bakit ang sakit pa rin? Bakit kapag nakikita ko si Kale ay naaalala ko lang kung paano niya ako sinaktan noon.

"One more chance, Yve. I just need one more chance."umiling ako.

"Alam ko naman na bumabalik ka lang sa akin kasi walang may gustong pumulot sa'yo."I faked a smile while holding back my tears. "At bumabalik ka lang kasi alam mo na tatanggapin kita."

"Yve..."ayaw ko na kapag nalaman ni kuya na kami na naman ay ipakulong na niya si Kale.

"Tama na, Kale."

Binalik ko sa kanya iyong flowers na binigay niya sa akin at naglakad palayo sa kanya, and I'm being such a cry baby right now. Hinayaan ko lang ang mga luha na pumatak habang lalakad ako hanggang sa wala na akong makita.

Tumigil ako at pinunasan ang mata ko dahil ayokong makita ng ibang tao na apektado pa rin ako. Ilang buwan na ang nakalipas. Dapat nga magpasalamat pa siya sa akin kasi kung hindi ako umalis noon ay nasa kulungan na siya ngayon.

"Excuse me..."sabi ko sa isang lalaki na nakaharang sa dinadaanan ko.

"You're not okay..."I heard a familiar voice so I looked up and then I saw Paulo.

"I know..."

Umiwas ako sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "You're always saving me. I wanna return the favor."

Tumango ako at sinundan siya maglakad, tinext ko rin si Yssa na mauuna na ako umuwi at pinaliwanag ko rin sa kanya na hindi ko binalikan si Kale. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang sakit pa rin kahit alam ko hindi na, hindi na kami mababalik sa dati.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon