Having a normal life isn’t easy. Being normal is the worst thing you could do for yourself. I sighed the moment I saw myself in the mirror.
“You’re gonna be okay.”I told to myself then I took my medicine.
Paulo Nicolaj Medina: I’m here.
Napangiti ako noong nagmessage sa akin si Paulo. Pupunta kasi ngayon sa Intramuros, hindi ko alam kung bakit doon pa ang lugar na naisipan ko.
Siguro kasi ang ganda ng lugar na iyon, sobrang underrated. Paglabas ko ng kwarto ay tinignan ako ni Yssa ng masama, hindi ko rin kasi nasabi sa kanya kung saan kami pupunta ni Paulo.
“Saan ka naman pupunta?”
“Intramuros.”
She continued to look at me like she didn’t want me to go.
“Stop looking at me like that, I’m with Paulo.”I said and those look turns into a grin.
“Umalis ka na! Baka hinihintay ka na niya!”hinawakan niya ang kamay ko at hinatid ako sa pinto. Para niya naman akong pinapalayas.
“Basta, Yve…”huminga siya ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “Ingatan mo ang puso mo.”
I smiled at her. “Oo naman.”
Pagdating ko sa lobby ng condo ay naghihintay na doon si Paulo, busy siya sa cellphone niya at parang ang sarap ng upo niya sa couch. Lumapit ako sa kanya at sinalubong siya ng ngiti.
“You’re smiling…”napansin ko kasi iyong mga ngiti niya na bihira ko makita dati.
“Because I’m happy.”he replied.
“And why are you happy?”I arched my brow.
Nakakapagtaka lang kasi na masaya si Paulo.
“Ang dami mo na namang tanong.”natatawang sagot niya.
Nauna siyang lumabas at dumiretcho sa sasakyan niya, nakasunod naman ako sa kanya.
“Nagtatanong lang naman.”
“Kasi kasama kita...”napatigil ako sa pagsasalita ng sabihin niya iyon sa akin. “Sasakay ka ba o maglalakad ka papuntang Intramuros?”
Sumakay ako sa sasakyan niya at nanatiling tahimik. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Dapat ba akong matuwa kasi finally nakamove-on na siya kay Khallie?
Dapat ba akong matakot kasi baka ginagawa niya lang akong rebound? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon.
Basta ang alam ko lang, masaya ako.
“Tell me what’s bothering you.”he said.
“Ikaw…”
“Ano’ng ginawa ko sa ’yo?”he chuckled, but not looking at me.
Umiwas na rin ako ng tingin sa kanya.“May gusto ka ba sa akin?”
“Are you using drugs?”he laughed at me.
Nakadrugs agad? Sobrang judgmental talaga.
“Mukha ba akong adik, ha, Paulo?”
“Paano mo nagagawa iyon?”mukhang hindi siya nauubusan ng mga tanong na gusto niyang itanong sa akin.
Hindi naman ako nasabihan na kapag pala sumakay dito sa kotse niya ay kailangan mo na sagutin iyong mga gusto niyang itanong.
“Alin?”
“Paano mo nagagawang itanong kung may gusto ako sa ’yo?”ngumiti lang ako pero hindi ko siya tinitignan.
“Saan ka kumukuha ng lakas ng loob, Yvaine?”

BINABASA MO ANG
What If It's Not?
General Fiction(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...