Kabanata 08

91 31 50
                                    

“Yssa!”nagmamadali akong pumasok ako sa loob ng kwarto ni Yssa kung saan naabutan ko pa siyang natutulog.

Hapon na pero tulog pa rin siya.

“Nasaan na iyong pinabili ko sa ’yo?”

“Nandoon sa loob ng bag ko.”kinuha ko iyong envelope sa loob ng bag niya nang nakangiti.

Finally, makikita ko na naman na maging masaya si Paulo.

“Alis na ako, ha? May pagkain na sa lamesa, kain ka na lang."pinatong ko iyong bayad ko sa pinabili ko sa kanya sa ibabaw ng study table niya at nagmadaling lumabas ng unit.

Nakita ko iyong kotse ni Paulo sa labas ng condo, he’s just on time. Nakangiti akong sumakay sa kotse niya pero hindi pa rin niya alam kung saan kami pupunta na dalawa. I swear that this is gonna be the best day of his life. I love seeing him happy, so I’ll make him happy.

“Saan ba talaga tayo pupunta?”tanong niya sa akin.

Kinuha ko iyong cellphone niya at tinype ko sa Waze iyong exact location ng pupuntahan namin ngayong araw.

“Just follow the Waze, Paulo.”I replied and he gave me an eyeroll, attitude talaga. “And don’t forget to thank me later…”

He drove to the place and he have no clue kung ano ang gagawin namin sa lugar na iyon. Basta ang alam ko lang ay magiging masaya si Paulo kapag dumating na kami sa lugar na iyon. Gusto ko lang suklian iyong pagiging mabait niya sa akin kahit palagi siyang masungit at antipatiko.

“Nandito na yata tayo...”

“What are we doing here?”tanong niya sa akin at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya na malaking poster ng concert ng Ben & Ben.

“Ano bang ginagawa dyan? Kakain ng chicken wings?”I chuckled.

I showed him the tickets inside the white envelope. Makikita mo talaga sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. Sold-out na kasi iyong tickets sa concert ng Ben & Ben ngayon, mabuti na lang at madaling araw pa lang ay nakapila na si Yssa sa labas para kumuha ng ticket.

“Paano?”

“Sasama ka ba sa akin manood o magugulat ka na lang dito sa loob ng kotse mo?”nakangiting tanong ko sa kanya. Nauna akong bumaba ng kotse niya at alam ko na nakasunod lang siya sa akin.

“Yvaine…”lumingon ako noong tinawag niya ang pangalan ko, pero bigla akong nagulat nang yakapin niya ako ng mahigpit.

“Thank you.”he whispered.

“Anything for you, Pau.”

“Papasok na ba tayo sa loob o magdadrama ka pa?” tanong ko sa kanya.

At nakita ko na ulit iyong ngiti sa mga mata niya kaya hinila ko na siya papasok sa loob ng venue. Maganda ang pwesto na nabili ni Yssa kasi sa tapat mismo ng stage, nakipagsiksikan talaga ako para madala ko si Paulo sa harap.

Hindi ako makapaniwala na hawak ko pa rin ang kamay ni Paulo at hindi ko ito mabitawan dahil parang ayaw niya rin bumitaw. At sakto lang ang dating namin dahil magsisimula na nga iyong concert, isa-isa nang umaakyat ang mga members ng banda sa stage at sobrang ingay na ng crowd.

Noong lumingon ako kay Paulo ay nakita ko sa mukha niya na sobrang saya niya, kaya hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Ang sarap pala makapagpasaya ng isang tao.

Dami pang gustong sabihin,
Ngumit huwag na lang muna.
Hintayin na lang ang hangin,
Tangayin ang salita.

I was enjoying the show when I felt his arm on my waist. I bit my lower lip, trying not to smile. Baka kasi isipin ni Paulo na kinikilig ako dahil sa ginawa niya. Medyo sumisikip na kaya mas napalapit pa ako kay Paulo.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon