After two months
Have you ever loved someone so much that it seemed like you couldn’t live a life without them? Have you also ever been with someone that no matter how much you loved them it never seemed like it was enough for them?
Well, being with someone for a long time is comfortable. So, why would you want to give that up and start over with someone else?
“Yve, I saw Kale with another girl.”Yssa entered my room. I closed the book that I was reading.
I faked a smiled. “We broke up, Yssa. Two months na...”
I saw how his eyes dilated the moment I say those words. Alam ko na masaya siya sa narinig niya. Kakauwi lang namin last week from Singapore. And I am alive and free. Magaling na ako.
“Na naman?! Sure na ba yan?"
I laughed. “Don’t worry I won’t run back to him again.”
Ayaw ko na sirain ang buhay ni Kale.
“Narinig ko na iyan dati! Baka mamaya kayo na naman, ha, Yve?!”umiling ako sa sinabi niya.
Kahit ang marupok, napapagod din.“Promise hindi ka na babalik sa kanya?”tanong pa niya sa akin.
“Hindi na.”
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. “Hindi mo siya deserve, Yve…”
“I know.”I laughed.
Alam ko naman na hindi ko siya deserve, pero paulit-ulit pa rin akong bumabalik sa kanya. Wala mahal ko, e.
“Bilisin mo na dyan kasi malelate na naman tayo.”chineck ko iyong oras sa cellphone ko, masyado pang maaga para sa first class naming dalawa ni Yssa.
“Maaga pa.”
“Dadaan tayo ng basketball court, ‘di ba?”inirapan ko siya. May kaibigan talaga tayo na masyadong mahilig sa basketball player.
“Meron ng girlfriend si Adrian, tigilan mo na iyon." alam ko naman kasi na crush niya talaga iyong Adrian. Ang hilig talaga ni Yssa sa mga sporty at brainy.
“E, 'di sa Volleyball court na lang. May training din naman sila. At saka balita ko gwapo rin daw mga players doon.”napangiti ako sa sinabi niya.
May point naman siya, gwapo talaga ang mga varsity ng volleyball sa ISU.
Especially number 21, kinda snob pero gwapo. Setter. Paulo ang pangalan. We met at Singapore, pinagkamalan niya lang naman ako na secretary ng tita niya at ako pa talaga ang pinagbayad niya sa ininom niya.I also saved his heart, noong nakita niya iyong babaeng gusto niya na masaya sa taong mahal niya talaga.
When I did that, narealize ko na pwede kang maging parte ng buhay ng taong gusto mo. Minsan kailan mo gumalaw para makilala ka niya. Sana lang natatandaan pa rin niya ako.
“Alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiting ganyan, Yve!”nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa niya.
“Issue…”inirapan ko siya at kinuha na ang bag ko. Nauna akong lumabas habang nakasunod naman siya sa akin.
“May crush ka siguro sa isa sa mga varsity ng Volleyball team.”at hindi pa rin ako tinitigilan ni Yssa.
Hindi niya alam na magkaibigan kaming dalawa ni Paulo. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya na may gusto ako kay Paulo. Hindi ko rin naman kasi alam kung kaibigan ba talaga ang tingin niya sa akin o schoolmate lang. Baka nga hindi niya ako natatandaan.

BINABASA MO ANG
What If It's Not?
General Fiction(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...