Kabanata 26

10 5 0
                                    

“Close talaga kayo ni Ryker?”tanong ko kay Paulo habang naglalakad kami sa beachside.

Wala kasi kaming klase ngayong araw dahil tapos na ang exams namin kaya napagdesisyonan namin na pumunta ng Batangas. Hindi namin kasama sina Yssa at Charles dahil meron din daw silang lakad na dalawa.

Hindi nga lang sinabi kung saan sila magdedate pero may tiwala naman ako kay Charles. Sobrang bait kasi ng lalaking iyon, hindi mo maiisipan na may gagawin na masama.

Tumango siya. “Bata palang kaming dalawa magkaibigan na kami..."

“Pati si Khallie?”

Tumango ulit siya. “That why it sucks being best friend to the person you really love..."

Silence.

“Mabuti na lang hindi mo ako sinaktan."dugtong pa niya. I sat on the sand while eatching the sunset and he also sat beside me.

“I love watching the sunset,”I said while watching how the sunset and how the moon shines.

“I love watching the sunset too…”I looked at him and smiled. “Especially when I’m with you.”

“Let’s take a picture,”kinuha ko iyong cellphone ko at nagpicture kaming dalawa ni Paulo.

Nilagay ko rin ito sa Instagram ko at tinag siya. Gusto ko lang gumawa ng madaming memories kasama si Paulo. Hindi nagtagal ay nagreact na si Paulo dahil nabasa niya yata iyong caption ng picture namin.

“Seriously? Iyon talaga ang caption?”tanong niya sa akin.

Tumango ako.

“Future ex?”natawa na lang ako sa sinabi niya. Iyon kasi ang caption ng picture na inupload ko sa Instagram.

“Weeks pa lang nagiging tayo, ex na agad?”napaka-demanding talaga ng lalaking ito.

“Uunahan ko na,”sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan pa rin niya iyong litrato naming dalawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag ngumiti lalo na ngayon na pinagmamasdan ko siya.

“Meron ka bang gagawin bukas?”bigla siyang tumingin sa akin kaya umiwas na ako ng tingin.

“Bakit ano meron?”

“Busy ka bukas?”lumingon ako at tumingin kay Paulo, kanina pa kasi siya nakatingin sa akin.

“Hindi,”

“So, pwede tayo kumain ng chicken wings kasi hindi ka busy?”

“Hindi ako busy at ayaw kita kasama,”I laughed. Asar talo na naman sa akin si Paulo.

“You’re so mean!”he complained.

And here I am still laughing at him.
Like what I’ve said before, I am enjoying Paulo getting mad, sobrang nakakasatisfy sa pakiramdam.

“Whateve---“napatigil ako nang biglang sumakit ang dibdib ko.

“Are you okay?”he asked me while I’m still holding my chest.

I nodded. “Yeah,”

“I’ll take you home...”inalalayan niya ako para makatayo habang iniinda ko pa rin ang nararamdam ko.

“Are you sure you’re okay? Anong masakit sa’yo? Kailangan ba kitang dalhin sa hospital, ha?”at nagpapakadoctor na naman siya sa akin pagsakay namin ng sasakyan niya.

“Pay, I’m good.”I cupped his face and smiled. “Napagod lang ako. Ang dami kaya nating pinuntahan ngayong araw.”

Bago kasi kami dumiretcho dito sa Batangas ay dumaan kami ng Laguna at Tagaytay. I guess that I’m starting to love road trips, especially now that I’m with him. At dahil doon napagod ako.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon