Kabanata 13

41 20 103
                                    

I woke up beside Paulo and I can't fucking remember what happened yesterday! I can’t move, his arms were still wrapped around my waist like he didn’t want to let me go. I closed my eyes, pretending than I’m still sleeping even my heart is pounding so fast.

Maybe this is the morning I need. Maybe I want to wake up with this kind of view.

“What?”he asked while arching his brows.

I stood up and took a bath. Alam ko na bukod sa beach ay masarap daw ang pagkain nila dito sa La Union. I was wearing an oversized shirt and shorts, malapit lang naman kasi dito iyong restaurant.

Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko pa rin si Paulo na nakahiga at natutulog, ayaw ko naman istorbohin iyong pagtulog niya pero nagugutom naman ako.

Isasama ko ba siya o iiwan na lang?

“Bakit kasi ang hirap mo iwanan, Pau?”

Nasanay na tuloy ako na palagi na siyang nandyan at parang sa pagiging sanay ko na palagi siyang nandyan ay parang ayaw ko na umalis sa tabi niya. Parang gusto ko dito lang ako.  Gusto ko na nasa paningin ko lang si Paulo. Masyadong mahalaga ang oras para sayangin ko.

Umupo ako sa may sofa habang pinagmamasdan siyang matulog, para siyang anghel. Tumawag ako sa lobby at umorder ng pagkain naming dalawa ni Paulo. Sa akin na mismo nang-galing na gusto ko siyang maging masaya, at sa bawat ngiti na ibibigay niya ay susuklian ko ng walang hanggang pagmamahal.

“Akala ko umalis ka...”at gising na nga si Paulo. Nakaupo pa rin siya sa kama habang nakatingin sa akin.

Nakakalat din iyong buhok niya sa mukha niya, para siyang bata kapag bagong gising.

“I stayed. Nag-order na rin ako ng pagkain natin, dadalhin na lang dito.”I smiled at him and he stood up and entered the washroom.

Mas suplado pala siya kapag bagong gising.

“Ano palang gusto mong gawin mamaya? Surfing ulit tayo? Inom? Foodtrip?”hinihintay ko siyang sumagot, pero hindi niya man lang ako pinansin.

Masama yata talagang kulitin si Paulo kapag bagong gising.

"Nag-alarm 'yung cellphone mo kagabi, inom ka na raw ng gamot..."napahinto ako sa sinabi ni Paulo. "You're drinking alcohol while taking meds?"

Mabuti na lang at dumating na iyong pagkain. Nilagay ko sa table sa may balcony iyong pagkain namin, sakto ang ganda ng view dito. Patagal ng patagal ay parang nagugustuhan ko na rin ang lugar na ito.

“Let’s eat,”umupo siya sa harap ko at patago ko siyang kinuhanan ng litrato.

Alam ko naman kasi na ayaw niya na nagpapakuha ng picture kaya ko ito ginagawa. “Bakit hindi na lang tayong dalawa ang magpicture? Hindi iyong ako lang?”

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. “Imamyday kita, e.”

Natawa siya sa sinabi ko at kinuha iyong cellphone ko. Nagpicture kaming dalawa ni Paulo at saka niya binalik sa akin iyong cellphone ko.

“Myday mo na iyong picture natin...”

“Repost mo rin, ha?”sabi ko sa kanya habang inaayos ko iyong picture namin, nilalagyan ko ng konting filter.

“Ayoko nga,”

Tinignan ko siya ng masama. “Hindi naman kita pinipilit...”

“You’re not just my day, you’re my everything.”he replied, chuckling. Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko na lang iyong tingin ko sa pagkain ko. Hindi pa rin pwedeng maging kami.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon