The saddest part of an adventure is returning back home. Sobrang nag-enjoy ako ngayong weekend dahil bukod sa magkasama kami ni Paulo ay mas nakilala ko pa siya.
Hindi na ako naniniwala sa mga masasamang sinasabi ng mga kaibigan niya sa kanya kasi hindi naman pala iyon totoo. Kung titignan mukha talagang sasaktan ka lang niya, pero kapag nakasama mo siya marerealize mo na mali sila.
“Did you enjoyed our roadtrip?”Paulo asked me while I'm busy eating my favorite strawberries fresh from the farm.
"Sobra,"
“Mauulit ba 'to?”tumingin ako sa kanya at tumango. Kung may isang bagay akong gustong gawin, iyon ang makasama si Paulo.
“Saan mo gusto pumunta sa susunod?”napaisip tuloy ako ng lugar kung saan ko gusto pumunta, pero mukhang matatagalan pa iyon kasi malapit na ang Final exam namin.
Ayoko naman na maging dahilan para bumaba ang grades ni Paulo. Palagi kaya siyang nakakakuha ng uno kahit wala siyang ginagawa, sobrang talino talag ng lalaking ito.
Pero noong naging sila ni Rina ay napabayaan niya ang pagaaral niya. Iyon siguro ang isa sa mga dahian kung bakit nagalit sa kanya ang mga kaibigan niya, bukod kasi sa sinasaktan niya iyong puso ni Khallie ay pinapabayaan niya rin ang sarili niya.
“Gusto ko doon sa lugar kung saan ko talaga makikita na masaya ka,”nakangiting sabi ko sa kanya.
“Damn, you’re so selfless.”he sighed as I continued to smile.
“After exam,"I replied.
“I know that you’re full, but do you wanna grab some snacks?”I nodded.
Nagstop over kami dito sa mga restaurant sa expressway para bumili ng snacks. Nakikita ko rin sa mata niya na pagod na siya, bahala na kung mag-away kaming dalawa.
“I’ll drive,"tumingin siya sa akin at tinignan ako ng masama. Kung makatingin naman siya sa akin parang wala siyang tiwala sa akin.
“I know how to drive...”parang ayaw niya pa maniwala sa akin.
“Inaantok ka na, tignan mo iyang mga mata mo...”
“No,"
“Punta tayo sa Laguna sa Saturday? Hot spring, libre ko...”I know that he can’t say no to me this time. “Just let me drive para makapagpahinga ka.”
He sighed. “Fine, but first bibili lang ako ng pagkain.”
Sumang-ayon din sa akin si Paulo. Bumaba siya ng kotse niya at bumili ng mga pagkain. Ang sabi ko magpapahinga siya, pero parang balak niya pang magmukbang habang pauwi kaming dalawa. Ayos lang naman sa akin, hindi naman ako inaantok dahil sa sobrang dami kong kinain na strawberries.
“Don’t crash my car, okay?”he said while I’m holding the steering wheel. Mahal na mahal ba talaga niya 'yung kotse niya.
“I won’t,”I chuckled.
I drove his car and I am happy that he trust me. Wala naman akong balak sirain o gasgasan ang sasakyan niya. Alam ko naman kasi na mahalaga ito sa kanya. Bakit ako gagawa ng bagay na ikakalungkot niya?
I turned on the radio and when I looked at Paulo, I saw him sleeping like an angel. Sayang tinutugtog pa naman ngayon iyong kanta ng Ben & Ben na Pagtingin.
I remember the first time I said I love you to Paulo, ito ang tumutugtog na kanta noon. Mukhang parte yata ng istorya ang bandang ito.
“I love you,”I heard Paulo sleep talking. Parang bata talaga.
“I love you too, Paulo.”I replied.
Kahit hindi naman niya iyon naririnig, hindi ako magsasawang sabihin iyon sa kanya. Hindi na ako natatakot. Hindi na ako natatakot na masaktan o maiwan dahil pinaparamdam sa akin ni Paulo na kailangan kong maging matapang.
Maybe he’s right, loving someone is like a business where you need to risk. Walang kasiguraduhan kung worth irisk, pero kahit matalo kailangan mo pa rin gawin ang lahat para ilaban hanggang dulo.
****
Hindi ko alam kung saan kami didiretcho kaya dito na lang ako dumiretcho sa condo, inabutan na nga kami ng pagsikat ng araw. Sakto naman na nagising si Paulo, lumingon siya sa paligid na para bang hindi niya alam kung na saan siya.
“Sa taas ka na magpahinga, magluluto ako ng lunch natin mamaya...”sabi ko sa kanya tapos tumango siya.
Siya ang nagdala ng gamit ko habang bitbit ko naman iyong mga pagkain na binili niya kanina sa express way. Pag-akyat naman sa unit ay nakangiti sa akin si Yssa noong nakita niya na kasama ko pa rin si Paulo ngayon.
“Paulo!”parang mas gusto niya pa makita si Paulo kaysa sa akin na bestfriend niya.
“You can sleep on my room.”binuksan ko iyong pinto ng kwarto ko at dumiretcho naman siya doon ng higa, mukhang pagod na pagod siya.
“Ano’ng nangyari? Bakit antok na antok siya?”tanong sa akin ni Yssa at saka ko naman sinara iyong pinto ng kwarto ko.
“Buong araw kasi siya nagdrive,"sagot ko habang naghahanap ako ng pagkain sa ref. “Noong pauwi na kami dito ako na ang nagdrive.”
“Kamusta ang La Union slash Baguio niyo? Mukhang nagenjoy ka, ha, Yve!”ngumiti ako at parang nawala ang pagod ko.
“Sobrang saya ko, Yssa.”hindi ko mapigilan ang ngumiti kapag naaalala ko iyong nangyari sa La Union at Baguio. Parang bitin ang araw, parang gusto ko pa ulit na makasama si Paulo.
"Mukha nga... May red thing ka dyan sa leeg mo, e."kinabahan ako dahil baka marinig ni Paulo iyong mga sinasabi ni Yssa. Nakakahiya.
"Nakagat ako ng lamok sa Baguio,"palusot ko.
"Ay? Ang laki ng lamok, ha! Natutulog ba ngayon sa kwarto mo iyong lamok na kumagat sa leeg mo?"inirapan ko siya at hindi na ako nagsalita.
“Walang nakalimutan inumin?”
“Wala,”
She hugged me tight and I can’t breathe, namiss niya ba talaga ako? Tatlong araw lang naman kaming nawala ni Paulo. Kung makayakap naman siya sa akin parang ilang taon akong nawala sa tabi niya.
“Sobrang saya ko na masaya ka...”sabi pa niya sa akin.
“Masaya rin ako na masaya ako,”tumayo ako at kumuha ng pwede namin lutuin para sa tanghalian.
Mamaya na lang ako babawi ng tulog kapag umalis na si Paulo, kaya ko pa naman at saka hindi pa rin naman ako tinatamaan ng antok.
“Pumunta ba dito si kuya?”tanong ko sa kanya kasi napansin ko na wala na iyong susi ng kotse ko sa lalagyan.
“Babalik niya raw mamaya iyong sasakyan mo…”
Konti na lang ay malapit ko nang bigyan ng sasakyan ang kuya ko para hindi na siya palaging naghihiram sa akin. Kahit alam ko naman na barya lang sa kanya iyong pambili ng kotse, hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin siya bumibili.
Hihintayin niya pa yata na kusa kong ibigay sa kanya iyong kotse ko, which is hinding-hindi mangyayari.
“Oh my god, Yvaine!”lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Pinakita niya sa akin iyong Instagram post ni Paulo at nakita ko iyong kaisa-isang picture na pinost niya doon. Picture naming dalawa noong nasa La Union kami tapos ang caption Favorite place with my favorite person. Nakita ko rin na madami ang nagcomment, kasama na do’n ang mga kaibigan ni Paulo.
Pero sa lahat ng iyon ay natuwa ako sa comment ni Ryker, 17 years na tayong magkaibigan, hindi mo man lang ako pinatapak sa La Union.
“Ikaw lang ang dinala niya do’n!”mahina pero madiin na sabi ni Yssa. Hindi pa rin tama na lagyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay, pero kinikilig ako.
“Knowing Paulo? Hindi kaya siya mahilig magpost ng mga pictures sa Instagram account niya.”basta ang gusto ko lang, makita siyang masaya kapag ako ang kasama niya.
“Kaya kailangan mong lumaban, ha, Yve? Kasi may isa na namang tao ang hindi kakayanin kapag nawala ka sa buhay niya.”
“Hindi na ako mawawala, hindi na."

BINABASA MO ANG
What If It's Not?
General Fiction(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...