Kabanata 21

18 8 6
                                    

Today is not my day. Ang daming nangyayari na hindi maganda. Isa na nga ang nangyayari ngayon na tumatakbo kami ni Yssa dahil late na kami sa first subject namin, hindi namin pwedeng mamissed iyong exam.

Hindi ko alam kung bakit hindi tumunog ang alarm namin kaninang umaga, iyon ang dahilan kung bakit kami nalate.

“Damn!”we’re still catching our breath when we enter the classroom.

“Both late.”akala ko hindi na kami bibigyan ng exam, mabuti na lang at may natitira pang bait sa prof namin.
Sab inga nila, it’s better than late than absent.

I felt dizzy while answering the exam. Epekto ito ng pagtakbo namin kanina ni Yssa. I grabbed my tumbler to drink some water until I feel better.

“Ms. Fontanilla are you okay?”our professor came closer to me.

I nodded.

“You look pale, are you sick?”I always look pale, hindi lang ako nakapagayos kasi late na kami ni Yssa.

“I’m good. Thank you for your concern, Sir."I faked a smile and continued answering the exam.

Minutes passed, tapos ko nang sagutan iyong exam. Naghihintay na lang ako ng maunang tatayo para maipasa ko na rin ang exam ko. Nang tumayo si Yssa ay sumunod na ako sa kanya. Sinakbat ko ang bag ko pagkatapos at nauna na sa kanya lumabas ng classroom.

“What are you doing here?”I asked Paulo because I saw him standing on the front of our classroom.

“Palagi mo na lang iyan sinasabi sa akin kapag nakikita mo ako.”inirapan ko siya at naglakad palayo sa kanya.

“Saan ka punta? Tapos na klase mo?”tanong niya habang sinusundan ako.

“Yve!”napatigil ako ng hawakan ni Yssa ang braso ko.

“Bakit?”

“Are you okay?”nagaalalang tanong sa akin ni Yssa.

“Ano’ng meron?”binalik ko sa kanya ang tanong dahil hindi ko siya maintindihan.

“We ran remember? And you look pale.”hinila ako ni Yssa palayo kay Paulo, pero sinusundan pa rin kami ni Paulo. “Do we need to go to the hospital?”

I chuckled. “I’m good. OA ka lang.”

“Are you sure?”she’s still asking about my health.

“Hey, what’s happening?”Paulo asked.

I smiled at him. “I’m starving, do you want to go with us?”

Nagugutom na kasi talaga ako kasi hindi ako kumain ng breakfast tapos nakakagutom din iyong pagsasagot ng exam na iyon. Pero confident naman ako na pasado ako kasi nag-aral ako ng mabuti para sa exam na iyon.

“Kayo na lang dalawa, may ichecheck kasi ako na libro sa library.”tinignan ko si Yssa ng masama.

Hindi siya mahilig magbasa ng libro, ano’ng gagawin niya sa libro?

“Tawagan mo ako kapag may masamang nangyari, okay?”

She ran away from us. I looked at Paulo and smiled at him. “Tara,”

Nakumbinsi ko si Paulo na maglakad na lang kaysa gumamit pa kami ng kotse. Malapit lang din naman kasi dito iyong kinakainan namin ni Yssa. Sa sobrang arte ng kasama ko ay hindi ko inakala na may dala pa siyang payong, dinaig niya pa ako.

Pagdating naman namin sa restaurant ay umorder na agad kami.

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!”paglingon ko ay nakita ko si Ryker na naglalakad palapit sa amin.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon