Kabanata 09

82 30 60
                                    

“How was the concert?”tanong sa akin ni Yssa pagpasok ko ng unit.

“It was good... We both enjoyed it”I smiled at laid on the couch. Gusto ko na lang matulog kasi parang hindi ko na maramdaman iyong mga binti ko dahil ilang oras kaming nakatayo kanina ni Paulo sa concert.

“Did you already drink your medicine, ha?”she asked me then I nodded.

“So, how was the concert? Masaya ba si Paulo sa surprise mo sa kanya?”tumabi siya sa akin at umupo naman ako nang nakangiti.

“Kung nakita mo lang iyong ngiti ni Paulo, sobrang priceless!”hindi mawala sa utak ko iyong mga ngiti niya kanina.

Hindi naman siya singkit pero nawawala iyong mata niya kapag tumatawa. Ang saya lang. Ang saya lang makita siya na masaya. Sana palagi siyang masaya.

“Ngayon na lang ulit kita nakita na naging masaya ng ganyan, Yve.”napangiti ako sa sinabi ni Yssa sa akin.

Mukhang tama nga siya. Ngayon na ulit ako naging masaya ng ganito at si Paulo na ang dahilan. I guess that I already accept that the stars aren’t meant for the moon.

“I guess that you like him…”ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar.

“Paulo and I are just friends.”

“Let’s see…”she chuckled. Parang hindi siya naniniwala sa akin. Hindi naman ibig sabihin na crush ko siya ay magiging kami na. Alam ko naman hanggang ngayon na Khallie pa rin ang gusto niya.

“Hindi niya ako pwedeng magustuhan."

“At bakit naman Yvaine Dominique Fontanilla, ha?”she arched her brows while her arms are crossed.

I looked at her. “Alam mo naman kung bakit…”

“Pero hindi naman tayo sigurado."

“What if gano’n nga ang mangyari? Hindi ko siya kayang iwan...”huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya.

Kinuha ko iyong cellphone ko dahil nakita ko na tumatawag sa akin si mama, here we go again.

“Hi, ma...”

“Kamusta ang pakiramdam mo?”she asked me.

I sighed. “Question and answer ba ‘to, ma?”

“Yvaine…”

“I’m good... I’m fine... I feel better than before.”I replied. "Don't worry, ma... Nandito naman si Yssa, e."

“Pumunta ka raw sa concert?”gusto ko magsinungaling dahil alam ko na papagalitan na naman ako ni mama.

“Sabi naman sa ’yo na bawal ka pa gumalaw ng gumalaw, ‘di ba?”

“I just want to be normal again, ma…”I replied and Yssa went inside her room. “I just want to enjoy and have fun..."

“I care about you, Yvaine.”

“I know, ma. And I also know how to take care of myself.”kumuha ako ng tubig sa ref. “Okay lang ako, ma.”

I heard that she exhaled deeply.

“Nandito naman si Yssa, hindi naman niya ako pinapabayaan.”

“Iiwas sa---”

“Yes, ma… Iiwas po ako sa stress...”huminga ako ng malalim at uminom ng tubig. “Sige na, ma, matutulog na ako.”

“I love you, nak.”I bit my lower lip to hold back my tears.

“I love you too, ma.”agad kong inend iyong tawag at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

“Yve…”lumabas ng kwarto si Yssa at niyakap ako ng mahigpit.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon