Kabanata 24

13 5 1
                                    

“So, it’s official? Kayo na talaga ni Paulo?”tanong sa akin ni Yssa habang parehas sila ni kuya na nagaantay ng sagot ko.

“Yes,”I answered.

“I’m not surprised...”sabi pa ni Yssa.

“We only live once."

“Whatever makes Yve happy, Yssa.”hindi ko alam kung bakit ang swerte ko sa kuya ko.

“Edi sana all may boyfriend...”Yssa frowned while tying his shoe lace. Kinuha ko iyong cellphone ko dahil may nagmessage sa akin, sino pa ba kung 'di si Paulo.

Paulo Nicolaj Medina: Good morning! Bought something for you, don’t worry hindi sama ng loob ang ibibigay ko sa ’yo haha

Paulo Nicolaj Medina: See you later.

That message really made me smile. Sinilip ni kuya iyong message ni Paulo at niyakap ako ng mahigpit.

“I hope he knows how to handle your fragile heart,”he said.

“Tara na, kuya!”natatawa akong lumabas ng unit. Sabay-sabay kaming papasok ngayon at ihahatid kami ni kuya bago siya pumasok sa hospital.

“Ang sweet ni Paulo, tignan mo!”habang nasa loob kami ng elevator ay nakita ko na nagpost si Paulo ng picture naming dalawa sa Instagram niya.

“He didn’t did that to Rina…”kuya was surprised.

“Hindi na siya gago?”tinignan ko ng masama si Yssa sa sinabi niya sa akin.

“Si kuya Basti kaya iyong kinakausap ko hindi naman ikaw,"

“Girlfriend niya kaya ako…”

“People change,”kuya Basti said. “Maybe Paulo already found his match.”

Pinag-uusapan namin si Paulo habang papasok kami ng iskwelahan. Kinukwento ko sa kanila kung gaano kasungit iyong boyfriend ko. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na kami na talaga ni Paulo.

Parang kahapon lang kasi parang nasasaktan ako dahil hindi ko maaalis si Khallie sa buhay niya tapos ngayon kami na. Ang bilis. Ang saya.

“Who’s that?”tanong sa akin ni Paulo pagbaba namin ng sasakyan, nakatingin pa rin siya sa kotse ko.

“First love niya,”sagot ni Yssa at nagtatakbo siya palayo sa amin.  Hindi nakita ni Paulo ang kuya ko kaya ganito na lang ang reaction niya. Heavy tinted kasi iyong kotse ko kaya hindi niya makita. 

“Ilang oras pa lang simula nang maging tayo pinaltan mo na agad ako?”he mimicked.

I held his hand, intertwined. Then I smiled at him. “You’re being so dramatic,”

“Because you’re making me jealous, Yvaine.”I just laughed. And now I love watching him getting jealous.

“I thought Kale was your first love?”he asked and I’m not answering his question. I’m just smiling and not leaving clues.

“Yve!”sinalubong kami ni Ryker ng nakangiti.

“You wanna join lunch with us later?”Ryker asked me.

“Yeah, sure!”

“Ako kaya ang kaibigan mo, Ryker!”Ryker patted Paulo's shoulder and walked away.

“I know that you will refuse it, kaya kay Yve na ako nagsabi ”Paulo looked back at Ryker. Sa mga tingin ni Paulo ay parang gusto niyang saktan ang kaibigan niya.

“He’s so annoying!"Paulo sighed. Pagpasok namin ng classroom ay nakangiti sa akin si Yssa na parang ang saya-saya niya. Iyong mga ngiti niya ay parang may binabalak na masama.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon