Kabanata 06

109 31 56
                                    

“Are you still drunk? Okay ka na ba?”tanong sa akin ni Yssa habang nagdadrive ako papunta sa iswelahan.

Coding din kasi ang sasakyan niya ngayong araw kaya wala akong choice. Ako ang magdadrive. Namiss ko na rin kasi ang magdrive, palaging na kay kuya Basti 'tong kotse ko kaya wala pa rin akong magagawa.

“Don’t worry about me, worry about yourself.”I chuckled while my eyes are still on the road.

“Huh?”

“Kung sakali man na may masamang mangyari, insured kaming dalawa ng sasakyan ko, ikaw?”I said as he held on tight onto the seatbelt.

I speed up a little bit and Yssa started to pray.

“Hail Mary full of grace…”hindi ko mapigilan ang tawa ko noong nagsimula na siyang magdasal, hindi ko alam na madasalin pala itong si Yssa.

Nagdadasal lang siya hanggang sa makarating kami sa iskwelahan. Gusto ko siyang tawanan, pero baka hindi ako makapasok sa langit kapag ginawa ko 'yon.

“Hindi na ulit ako sasakay ulit sa kotse mo!”sabi niya sa akin noong makababa na kami ng sasakyan.

“Wala namang nangyaring masama sa 'yo.”I chuckled while we’re heading to our classroom.

“What if meron? Hindi mo man lang pina-experience sa akin ang magmanage ng business namin.”Yssa made my day right now. Hindi ko alam pero tawang tawa talaga ako sa kanya.

“Stop being OA, Yssa.”

“Huwag mo na ulit gagawin iyon, ha, Yve? Ako iyong kinakabahan sa ’yo, e."inayos niya iyong buhok niya bago kami pumasok sa loob ng classroom.

“I got myself, don’t worry.”I said as I walked inside the classroom.

I saw Paulo reading his notes, magkaklase nga pala kami sa subject na ito. Umupo kami sa kabilang dulo pero kapag tinitignan ko si Paulo sa kabilang dulo ay nakafocus talaga siya sa pagbabasa ng notes niya.

Parang ibang tao talaga si Paulo sa loob at sa labas ng classroom.

“Uuwi pala ako pagkatapos ng subject na ito, ha?”napatingin ako kay Yssa dahil sa sinabi niya. “Kailangan ko umuwi sa Laguna ngayon, e.”

“Okay ka lang ba? Gusto mo samahan kita?”umiling siya at ngumiti.

“Susunduin ako ni Ate.”

Pagkatapos ng subject na ito ay nagmadaling lumabas si Yssa, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa Laguna kasi hindi niya rin naman sinabi sa akin kung ano ang nangyayari.

Dumiretcho naman ako para sa second subject ko which is Major subject. Walang pagbabago, nakaka-antok pa rin ang subject na ito pero wala akong choice kung ‘di ang makinig lalo na ngayon na wala si Yssa. Walang gigising sa akin kapag nakatulog ako.

We just had a little discussion about the lesson. Kampante naman ako na naintindihan ko ito. After that, lumabas na iyong prof namin kaya inayos ko na rin ang gamit ko.

“I heard that Yssa is not around.”paglabas ko ng classroom ay nakita ko si Paulo na nagaantay sa akin. Ano naman ang ginagawa niya dito at bakit niya ba ako hinihintay?

“Bakit ka nandito?”tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at humakbang palapit sa akin. “Magkatapat lang classroom natin.”

Tama si Yssa, hindi dapat ako nagassume ng mga bagay-bagay, pero sa pagkakaalam ko sa first floor ang mga rooms ng mga Allied Courses. Weird naman na napunta sila dito sa floor namin.

“Eat lunch with me...”

“Hindi mo manlang tinanong kung gusto ko kumain kasama mo.”inirapan ko siya pagkatapos kong sabihin iyon.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon