Kabanata 17

17 8 13
                                    

"Hindi talaga kayo nag-uusap ni Paulo? Nag-iiwasan talaga kayo?"tanong sa akin ni Yssa habang kumakain kami sa paborito naming restaurant.

Tumango ako. "Sino ba ako para suyuin niya, 'di ba?"

Nakita ko na makakasalubong namin sina Paulo kasama ng mga kaibigan niya at malayo pa lang kami ni Yssa ay nakita ko na tinuro na ako ni Twixx kay Paulo. Nagkunwari akong walang nakita at hinila si Yssa papasok sa Cafeteria.

"Gutom ka na naman ba?"tanong sa akin ni Yssa. Hindi niya kasi nakita sila Paulo, pero sigurado ako na kung nakita niya ay siya pa mismo ang hihila sa akin papunta sa kanila.

I nodded. "Parang gusto ko ng..."

Nakita ko na lumagpas na sila ng cafeteria. "Busog pa pala ako..."

Dumiretcho kami papunta as may library dahil meron kaming kailangan isearch tungkol sa report naming dalawa ni Yssa sa major subject. Naguiguilty ako na iniiwasan ko si Paulo, pero wala naman siyang ginagawa para pabalikin ako sa buhay ko. Maybe this is one of his flaws, he loves ignoring people or maybe he loves watching the people walking away from him.

Siguro nga tama si Ryker, gago si Paulo.

"Report ba ang iniisip o si Paulo?"tanong sa akin ni Yssa habang naghahanap kami ng libro.

"Si Paulo..."I'm not good at hiding things especially to my bestfriend. At saka bakit ako magsisinungaling kung siya naman kasi talaga ang iniisip ko?

"Yve,"paglingon ko ay nakita ko si Khallie na nakatayo sa gilid ko at nakangiti sa akin. How did she know my name?

"Hi, Khallie!"

"I heard that you and Paulo had a fight..."and I didn't expect that he cares for Paulo, kahit boyfriend na niya si Ady.

I nodded. "He's good at hurting people's feelings pala talaga noh?"

"Yeah..."she chuckled. "But I know that you both love each other. I can see it through his eyes."

And I don't know why she's talking to me about Paulo. Huwag naman sana sumagi sa isip niya na iwan si Ady para kay Paulo kasi kung gano'n ang mangyari? Wala na. Talo na naman ako. Mas matagal nakasama ni Paulo si Khallie, doon pa lang ay talo na talaga ako.

"Go put your upmost effort into mending what has been bent out of shape, Yve."she said while smiling at me.

"The best relationship are the ones who get through those fights,"halata kay Khallie na may pakialam pa rin siya para kay Paulo.

"Mahal ka ni Paulo and I know that he can fix what he did. You know what, Yve? Paulo is matured enough to handle relationships."damn, Khallie. She's full of words like Charles. Sigurado ba talaga siya na kuya niya si Ryker? Para kasing magkaiba silang dalawa ng ugali magkapatid.

Khallie walked away from me and when I looked at Yssa, kulang na lang malaglag iyong panga niya sa mga narinig niyang mga salita mula kay Khallie.

"Ang bait niya pala talaga, Yve..."

"I know, hindi katulad ng kuya niyang parang pamangkin ng demonyo."nauna akong bumalik sa table habang hawak ko iyong libro na hinahanap namin.

"Para siyang si Charles!"

"Bakit nakausap mo na ba si Charles? Paano mo nalaman?"tanong ko sa kanya dahil parang nakausap na niya iyong tao. Once ko lang din naman nakausap si Charles, noong nakita niya ako sa labas ng classroom namin.

"Palagi kaya silang pinaguusapan sa Cafeteria..."sabay may point naman si Yssa. Sobrang galing kasi ng magkakaibigan na iyon na maglaro ng Volleyball, hindi ko nga alam kung paano nila nagagawang pagsabayin ang pag-aaral at ang paglalaro.

Nakita ko si Paulo na pumasok ng library. Nagkatinginan kaming dalawa at hinihintay ko na lapitan niya ako, pero hindi niya ginawa. Pakiramdam ko tuloy ay galit pa rin siya dahil sa sinabi ko sa kanya.

Hindi ko naman kasi sinasadya iyong sinabi ko sa kanya noon. Nadala lang ako kasi ang sabi niya gusto niya ako, pero mukhang ginagamit niya lang ako para kalimutan si Khallie. Baka mahirap talagang palitan si Khallie sa buhay niya.

Baka talagang pangalawa lang ako sa kanya. Option lang.

"Uwi na tayo,"sinara ko iyong libro pagkatapos kong isulat sa notebook ko iyong hinahanap ko na mga topics.

"Teka lang, hindi pa kaya ako tapos!"reklamo niya, tinignan ko siya ng masama at huminga ng malalim. Gusto kong lapitan si Paulo, pero hindi ko magawa. Baka kasi ayaw niya akong makita o marinig iyong sasabihin ko. Hindi ko rin kasi alam kung ako ba iyong may kasalanan o siya. Gusto ko rin naman humingi ng tawad, pero bakit natatakot ako na baka mas lalo lang siyang mawala?

"Bibili lang ako ng pagkain sa Cafeteria."tumango siya at saka ako lumabas ng library.

Bahala na. Bumili ako ng paboritong kainin ni Paulo dito sa cafeteria na waffles.

Hindi ko siya kayang tiisin kaya hihingi na ako sa kanya ng tawad. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan at saka gagawin ko ito para hindi siya mawala sa akin, ayaw kong mawala sa akin si Paulo kaya ako na ang hihingi ng tawad.

Habang naglalakad ako sa hallway pabalik sa Library ay nakita ko si Paulo sa labas ng Volleyball Court.

Huminga ako ng malalim at saka pinagpatuloy ay paglalakad. Napatigil ako bigla ng makita ko na nilapitan siya ni Khallie at inabutan ng bottled water, habang tinitignan ko sila ay nasasaktan lang ako.

Sana ay hindi ko na lang nakita.

Tumalikod ako at naglakad na lang palayo. Ang galing niya pala talaga manakit ng nararamdaman ng isang tao.

"Yve!"may tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako, it's Twixx.

"Saan ka pupunta? Nag-usap na kayo ni Paulo?"tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Kasama niya si Khallie."

"Totoo ba?"kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ko.

Binigay ko sa kanya iyong waffles na binili ko para kay Twixx, busog pa kasi ako at saka hindi ko kayang kainin iyon lalo pa't nakita ko na kasama ni Paulo si Khallie. Kasama niya iyong tao na gusto niya talagang kasama.

"Break na ba sila ulit ni Ady?"tanong ko kay Twixx habang nakaupo kami ngayon dito sa may garden ng school, pinagmamasdan ko iyong malaking puno sa gitna habang may mga istudyante na dumadaan.

"Si Khallie at Ady maghihiwalay? Imposible yan, Yve."natatawang sagot niya.

"Friends lang kaya si Paulo at Khallie"

"Friends din naman kami ni Paulo..."pero alam ko na mas may lugar si Khallie sa puso ni Paulo.

"Nagseselos ka ba kasi kasama niya si Khallie?"bakit ba kasi ang kulit ng lalaking ito? Ang dami rin na tanong, para siyang si Paulo.

"Paano ako magseselos? Hindi naman naging kami."iyon naman kasi talaga ang totoo.

Hindi sa akin kaya wala akong karapatan. Hindi siya sa akin kaya hindi ko siya pwedeng pagbawalan. Nakakatuwa isipin na gusto ko siyang nakikita na masaya, pero nasasaktan ako kapag nakikita ko na masaya siya sa piling ng iba. Ano ba kasi talaga?

"Kapag sinabi ni Paulo na gusto ka niya? Gusto ka talaga niya..."tumingin ako kay Twixx at tinignan siya ng masama.

"Gusto niya lang ako kapag wala si Khallie sa paligid, pero kapag nandyan na si Khallie? Nakakalimutan niya na ako ang gusto niya."sagot ko.

"Sorry ha?"napangiti ako dahil hindi ko alam kung bakt siya nagsosorry sa akin. "Sorry kung gago iyong kaibigan namin..."

"Si Khalllie kasi 'yon e. Kung alam mo lang kung paano nagmakaawa si Paulo kay Khallie na piliin siya."

"What if it's you and Paulo?"he asked.

"What if it's not?"

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon