“Tara na, bilis! Ang ganda ng view do’n!”hinila ko ang kamay ni Paulo papunta sa peak kung saan kita mo talaga ang buong Baguio mula. Pagkatapos namin sa La Union kanina ay dito na kami dumiretcho sa Baguio, ilang oras lang din naman.
Ang lamig dito ngayon sa Baguio, mabuti na lang at may dalang extrang hoodie si Paulo.
“Ang ganda, ‘di ba?”sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa view.
“Sobrang ganda,”paglingon ko kay Paulo ay nakatingin siya sa akin at nakangiti. Mukhang hindi iyong view ang sinasabi niyang maganda kung ‘di ako. Kahit kailan talaga pafall ang lalaking ito.
“Alam mo, Paulo? Puro ka talaga kalokohan!”kinurot ko siya sa tagiliran niya pero tinawanan niya lang ako. Ang harot.
“Meron akong nakitang taho do’n, tara?”tumango siya.
Bumili kami ng Strawberry flavor na taho, pero noong magbabayad na kami ay pagkapa ko sa bulsa ko wala iyong wallet ko kaya napatingin agad ako kay Paulo.
“Naiwan ko iyong wallet ko sa kotse mo…” kinuha niya sa bulsa niya iyong wallet niya at inabutan niya iyong nagtitinda ng Taho ng 1000.
“Sir, wala po akong panukli.”nag-aalalang sagot sa kanya no’ng nagtitinda ng taho.
“Kahit huwag niyo na po ako suklian,”nakatingin at nakangiti lang ako kay Paulo habang hawak at kinakagat niya iyong plastic cup. Para talagang bata.
“Maraming salamat, sir!”
“Why?”he asked me, I’m still looking at him.
“Masaya lang ako,”
“Kain na tayo?”masaya akong nakikita si Paulo na nakangiti. Heto iyong bagay na hindi kayang tumbasan ng kahit anong pera.
Hinawakan niya ang kamay ko at wala na akong nagawa kung ‘di ang hawakan na lang din ang kamay niya. May nakita si Paulo na restaurant malapit dito sa park kaya doon kami kumain ng lunch.
Ano pa bang bago bukod sa palagi kaming madami kung umorder, mauubos naman namin iyong mga inoorder namin. Sayang naman ang work-out ni Paulo, palagi kasi kami kain ng kain.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretcho kami sa Mall para bumili ng milktea, namiss na raw kasi iyon ni Paulo. Ang tagal na rin daw kasi simula noong huli siyang uminom ng milktea. Paano naman kasi, palagi na lang alak ang iniinom niya. Nababalot na iyong mall ng makakapal na hamog, sobrang lamig kasi talaga dito ngayon.
“Alam ko na kung bakit hindi p'wedeng maging tayo,”
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama. “Huhusgahan mo na naman ba ako, Paulo?”
“No, I have this feeling that you’re afraid to fall in love again...”I gave him an eyeroll.
Baka naman kasi nagkataon lang?
Baka madali lang na malaman kasi hindi naman ako sanay na magsinungaling?
“Am I right, Yvaine?”he said while his arms were crossed. “Tell me why are you afraid to fall?”
He smirked, his eyes are still on me. “Hindi ba’t nakakatakot naman talaga ang magmahal?”
“How irony that you’re taking Business Management but you’re afraid to take risk... Business is about risking, right?”ang dami talagang alam netong si Paulo.
“Ikaw nga Medtech, mahilig tumusok. May natusok ka na ba?”namula bigla si Paulo sa sinabi ko.
Parang ang dumi pakinggan ng sinabi ko. Ang kalat ko talaga. Ang dumi ko talaga.

BINABASA MO ANG
What If It's Not?
General Fiction(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...