Kabanata 12

58 29 108
                                    

Kung pinapayagan lang sana ako ni Paulo na magdrive ay sana hindi siya ganito ngayon. Siya kasi ang nagdrive simula Manila hanggang sa makarating kami dito sa La Union. Ayan tuloy, ang sarap ng tulog niya dito sa loob ng sasakyan niya.

2 PM pa kami pwedeng magcheck-in sa hotel, meron pa kaming isang oras at mukhang isang oras ko rin siyang pagmamasdan habang natutulog.

Kinuha ko iyong cellphone ko at pinicturan siya habang natutulog, nagselfie rin ako kasama siya. Ang cute niya kasi. Parang gusto ko tuloy gumawa ng bagong Instagram account tapos puro picture lang namin ni Paulo ang nakalagay doon.

“Are you starving?”muntik na akong atakihin sa puso dahil bigla siyang nagsalita.

“Hindi pa naman.”

"Baka p'wede na magcheck-in, tara na.”siya na ang nagdala ng gamit ko na nasa likod ng ssakyan niya papasok ng hotel.

“Two suite rooms.”si Paulo ang kumakausap sa staff habang tinitignan ko iyong view ng beach mula dito.

"Isang room na lang po ang available, sir.”

“Two beds?”Paulo asked.

Busy pa rin ako tignan iyong view. Hindi na ako magtataka kung paano naging favorite place ito ni Paulo, sobrang ganda kasi pala talaga dito sa La Union.

“One king sized-bed, sir.”

“We’ll take it.”napalingon ako bigla kay Paulo dahil sa sinabi niya. Don’t tell me magkatabi kami matulog? No way. Never in his wildest dreams.

Kahit pa sabihin na natin na gusto ko siya, hindi ako tatabi sa kanya. Pero minsan ko na rin namang pinangarap 'to, tatanggi pa ba ako? Urgh. Bakit ba kasi ganito?

“Hold on, sir.”umalis iyong staff at saka ko kinurot iyong tagiliran ni Paulo.

“Bakit mo kinuha?!”

“You can take the bed, doon na lang ako sa couch matutulog.”he replied while smiling. “Asa ka naman na gusto kita katabi.”

Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Noong inabot na iyong susi ng kwarto na tutulugan namin ay agad ko iyong kinuha sa kamay ni Paulo at nauna na akong umakyat sa kwarto.

Pagpasok ko ay kita rin sa balcony ng kwarto iyong view ng beach, parang mas gusto ko na lang makatulog habang pinagmamasdan ang view.

“How is it? Are you falling in love with the place?”he asked while standing beside me.

“Tara, surfing tayo!”nagtinginan kaming dalawa ni Paulo na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

“Marunong ako!”

“Talaga?”inirapan ko siya at kinuha ko iyong swim suit ko sa loob ng nag ko.

Ready yata ako. Nakapagsearch din kasi ako ng pwedeng gawin dito sa La Union habang nasa byahe kami. At saka isa rin naman 'to sa gusto niyang gawin, so I wanna do it with him.

Nagpalit ako ng dala kong two piece sa loob ng banyo. Parang iyong huli kong suot ng two piece na ito ay noong nagpunta kami sa Sagada ni Kale. Nakakamiss din pala mag-out of town, pero hindi kasama si Kale.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Paulo na nakatopless habang inaayos iyong gamit niya, my best view. Ang ganda ng katawan niya, hindi nakakasawang tignan.

“Ano, tara na?”tanong ko sa kanya habang nagiipit ako ng buhok ko.

“Yvaine,”I looked at him when he called my name.

“Bakit? Panget ba iyong suot ko?”tanong ko sa kanya, pero umiling siya at ngumiti.

“You look so fucking good,"

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon