Kabanata 32

14 4 2
                                    

Paulo is staying in our house until the wedding day. We are now organizing our wedding, ilang araw na lang magiging Mrs. Medina na ako. I can’t wait to be his wife. Yssa and Charles came by to help organize the wedding, kasama rin nila sila Twixx at Ryker.

Konting tao lang naman ang gusto ko na nasa kasal namin ni Paulo, mga close friend lang namin at pamilya.

“You invited Khallie and Ady on your wedding day?”Ryker asked Paulo while holding the guest list.

Paulo nodded. “Yvaine invited Khallie,”

“Bestfriend pa rin naman sila ni Paulo.”I replied.

“Pero siya kaya iyong babaeng minahal ni Paulo bago ikaw...”binato siya ni Paulo dahil sa sinabi niya.

“I loved her. Past tense, okay? Nakamove-on na kaming lahat, ikaw na lang ang hindi!”sagot ni Paulo habang tinatawanan lang siya ng kaibigan niya na si Ryker.

Mukhang hanggang ngayon ay bitter pa rin si Ryker kay Adyson.

“I don’t care who came to his life first. Ako naman iyong ikakasal kay Paulo hindi siya.”I answered and Paulo wrapped his arms on my wait.

“That’s my girl!”he said.

“And Rina? Seriously? Gusto mo ba talaga na mawitness ng mga ex ni Paulo ang kasal niyong dalawa?”Paulo and I both laughed, hindi kasi alam ni Ryker na si Rina ang girlfriend ng kuya ko.

“Are you talking about my girlfriend?”and kuya came while arching his brows.

“Girlfriend mo si Rina?”Ryker asked and my kuya nodded.

“Bagay talaga kayong dalawa ni Paulo, parehas niyong pinapasakit ang ulo ko!”umupo si Ryker sa sofa habang pinagmamasdan pa rin ang mga tao na nakalagay sa guest list.

“I can’t believe that I am the best man!”hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong natatawa kay Ryker. Para kasi siyang bata na sobrang inosente.

“Napilitan lang si Paulo na ilagay ka dyan, wala ka namang ambag sa lovestory nilang dalawa...”sabi ni Twixx na busy kumain ng dumplings.

Hanggang dito sa Pangasinan ay may dala pa rin siya na paborito niyang pagkain.

“Talaga ba? Bakit ikaw? Ano’ng inambag mo? Binigyan mo ba sila ng dumplings, ha, shoti?”lahat kami ay natawa dahil kay Ryker.

“Ako naman talaga ang bestfriend ni Paulo, hindi ikaw. Mas matagal niya kaya akong kasama. Bata pa palang kami sinabihan niya ako na kapag kinasal daw siya ako ang bestman!”

“Bata pa lang malandi na talaga fiancé mo, Yve!”natatawang sabi sa akin ni Charles.

"At least ikakasal na ako sa babaeng mahal na mahal ko!”sabi sa kanila ni Paulo habang nakayakap sa akin at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

“Mga walang love life…”

“May lovelife kaya ako!”at talagang hindi nagpaawat si Charles at niyakap niya si Yssa na busy magsend ng invitation sa email.

Nagtinginan sina Ryker at Twixx habang pinipigilan namin na huwag matawa.

“Gago ka ba? Ano sa tingin mo yayakapin din kita?”sabi ni Ryker sa kaibigan niya na si Twixx.

Hawak niya rin ang unan na parang gusto niya itong ihampas sa ulo ng kaibigan niya.

“Yakap lang, Ryker. Parang hindi mo ako niyakap noong lasing ka!”natatawang sabi ni Twixx at tuluyan na siyang hinampas ni Ryker ng unan sa mukha.

“Lasing ako no’n, hindi ko alam ang ginagawa ko!”inirapan siya ni Ryker at tuluyan na itong tumahimik.

“Sa La Union, walang nangyari?”ang lahat ay napatingin sa amin ni Paulo.

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon