Kabanata 22

14 5 3
                                    

I woke up inside my room. I saw kuya sleeping on the couch, mukhang kanina pa niya ako binabantayan. Yssa checked my blood pressure ealier, lowblood ako kaya ako nawalan ng malay kanina sa kotse niya.

Nagpanic siya kkaya tinawagan niya agad si kuya, muntik pa nga nila akong dalahin sa hospital. Mabuti na lang at hindi. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko kung pagkagising ko ay nasa hospital na ako.

“Hey, are you okay? Ano’ng masakit sa ’yo?”napatigil ako sa paglabas ng kwarto ng magising si kuya at nilunod ako ng mga tanong.

“I’m starving”I replied.

Nakasunod sa akin si kuya habang nagsasandok ako ng pagkain dito sa lamesa. Alam ko na si kuya ang nagluto ng mga pagkain na ito kasi wala si Yssa.

Kailangan niya kasing magtake ng exam at kakausapin niya rin iyong mga prof namin para sabihin nabukas na ako mageexam dahil sa nangyari sa akin.

“Gusto mo ba na dalhin na kita sa hospital?”tanong pa sa akin ni kuya.

Sobrang OA talaga ng kuya ko.

“This is just a hypotension, Kuya...”

He rolled his eyes as he sat on the chair. “Kontektado pa rin sa puso, Yve.”

I chuckled while eating my food. Dinaig niya pa si mommy kung mag-alala sa akin.

“Magaling na nga ako. Wala na iyong tumor sa puso ko.”ilang beses ko nang inulit sa kanya na magaling na ako, pero hindi siya naniniwala sa akin.

Nagsasabi naman ako ng totoo.

Hindi naman ako nagsisinungaling, hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya. At isa pa magiging doktor siya, paano ko matatago ang kalagayan ko kung bawat kilos ko ay alam na niya?

“I just wanna make sure… We almost lose you before.”

I smiled at him and grabbed a glass of juice. “Thank you for your concern, I really appreciate it.”

“Nasa kwarto mo na iyong medical certificate mo, bumili na rin ako ng gamot mo. Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, okay?”ngumiti ako at tumango. Dinaig niya pa talaga si mommy kung mag-alala at mag-alaga sa akin.

“Hihiramin mo ba iyong sasakyan ko?”tanong ko sa kanya.

“Can I?”he asked and grinned.

“You can take it, basta huwag mo lang ibabangga!”I know that he’s responsible enough now lalo pa’t malapit na ang board exam ni kuya. Konting buwan na lang ay meron na siyang lisensya bilang doktor.

“Thank god, gising ka na!”napalingon ako nang dumating na si Yssa.

I saw Paulo standing behind Yssa.

“What are you doing here?”

“Hay naku, Yve! Kanina pa ako kinukulit ni Paulo kaya sinama ko na siya dito...”reklamo ni Yssa.

“I need to go, Yve.”kuya stood up and hugged me. “Call me if you need anything, okay?”

“I will.”I replied.

Sinundan ko ng tingin si kuya palabas ng unit habang nakatayo pa rin si Paulo at tinitignan ako ng masama. Sa mga tingin niya ay parang meron akong ginawang masama.

“Ano naman ang ibig sabihin ng mga tingin na iyan, Paulo?”tanong ko sa kanya.

“Pinagpalit mo na agad ako?”natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya pala alam na kuya ko iyong kasama ko kanina.

I leaned on the table while grinning on him. “Paano kung pinagpalit na nga talaga kita?”

He sat on the chair beside me and leaned forward. He’s still looking at me. “Really?”

What If It's Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon