Paulo’s POV
“Sir Paulo…”papasok na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ng body guard ni tita Stellina.
Nandito kami ngayon ni Khallie sa Singapore, tinutulungan ko siyang magmove-on kay Adyson. Pero mukhang kahit anong dikit ko sa kanya ay si Adyson pa rin ang gusto niya.
“Pinapatawag po kayo ni ma’am Stellina sa restaurant sa lobby ng hotel.”tumango ako at nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa restaurant.
“Tita,”I hugged her.
“Have a seat, Pau.”she said, still smiling at me.
“Nacancel ang business meeting ko dito sa Singapore… Uuwi na ako sa Pilipinas...”hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa sinabi ni tita.
Saglit pa lang kami naging masaya ni Khallie. Ayoko pa umuwi.
“I’ll book a flight later.”dugtong pa niya.
“Tita,”bago pa siya magsalita ay nagsalita na ako.
Her brows arched. “Yes, Pau?”
I sighed. “Can Khallie and I stay here for a while?”
She smiled. “You have your tourist visa, of course.”
“Bumalik kayo bago mag finals, okay?”I nodded.
Finally. I can spend more time with her and I don’t want to waste this opportunity to make her happy.
“I’m still hoping that in the end, it’s you and Khallie.”I looked at her the moment she said those words.
Ako rin naman.
Umaasa pa rin ako na kami talaga ni Khallie ang para sa isa’t-isa.
“Sana nga kami na lang…”I replied.
“Kung saan masaya si Khallie, susuportahan ko siya...”tumango lnag ako sa sinabi ni tita Stellina sa akin.
“Don’t push the door that says pull.”I replied then she smiled.
“Magpapahinga na ako sa taas, umorder ka lang dito at ang secretary ko na ang magbabayad sa bill mo.”tinapik niya ang balikat ko bago siya lumabas.
Naiwan naman sa kabilang table ‘yung secretary ni tita Stellina na kanina pa nakatingin sa akin.
“Why are you looking at me like that?”I asked her.
“Kasi dati sa Volleyball court lang kita nakikita eh...”sagot niya sa akin. Kilala niya ako?
Inirapan niya ako at lumipat siya ng upuan, sa tapat ko kung saan nakaupo si tita Stellina kanina.
“Classmate mo ako dati sa isang minor subject.”she smiled at me, I don’t even know her.
“Ahhh”
“Yvaine Dominique Fontanilla, Yve for short.”she offered her hand.
Nakipagshake hands ako sa kanya kasi baka kapag sinungitan ko siya ay magsumbong siya kay tita Stellina. I need to be kind to the people around me.
“Classmates tayo, but I forgot your name…”umiwas siya ng tingin sa akin at pilit inaalala ‘yung pangalan ko.
Hindi ko alam kung magkaklase ba talaga kaming dalawa o gawa-gawa niya lang ‘yon para matanong ‘yung pangalan ko.
BINABASA MO ANG
What If It's Not?
General Fiction(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...