"What's your favorite place nga ulit, Pau?"I asked Paulo while we're on our way home.
Ihahatid niya raw kasi ako sa Condo since nasa kuya ko na naman ang kotse ko at hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang kaibigan ko kanina.
"La Union"he replied.
"What's with that place? Bakit mo siya favorite?"
"Sunset, waves, surfing, calm of the sea and that's a perfect place to be free."gusto ko tanungin kung dinala niya ba si Rina sa La Union, pero ayoko naman na ibring-up pa ang nakaraan lalo pa't ngayon na konektado kami ni Rina.
"Wala akong gagawin sa sabado at linggo, La Union tayo?"
"Wow! Yvaine is asking me to go to my favorite place."he chuckled.
Ayaw niya ba? Baka ayaw niya lang akong kasama sa favorite place niya.
"Sabagay, mas masarap kasama ang favorite person mo sa favorite place mo..."naiintindihan ko naman kung hindi ako iyong gusto niyang kasama sa favorite place niya.
Una sa lahat, hindi naman ako si Khallie.
"Saturday, set."napalingon ako sa kanya noong sinabi niya iyon.
Pumayag ba siya na isama ako sa favorite place niya?
"Ano?"
"Gusto kita dalhin sa favorite place ko."napangiti ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman talaga inaasahan iyon mula sa kanya.
"Okay,"wala na akong ibang nasabi kung 'di okay. Hindi rin kasi ako makapaniwala, akala ko kasi tatanggi siya.
"Ikaw ba? What's your favorite place?"he asked and I didn't say anything. It's my favorite place. So, it's meant to be secret.
"Ang daya mo..."
"I just want you to be happy."I replied instead of answering his question.
"What about you and your happiness?"he asked another question so I looked at him.
"Seeing you happy and getting pissed makes me happy."
"Is it Singapore?"
Umiling ako. "Singapore talaga?"
"Kasi doon ka nagkaroon ng pangalawang buhay."kahit naman sabihin natin na doon ako nagkaroon ng pangalawang buhay ay doon ko rin tinapos ang relasyon namin ni Kale.
Ayaw ko kasi na ipakulong siya ni kuya.
"Hindi rin,"
"Ang daya mo..."natawa ako sa sinabi niya. "Ang dami mong alam tungkol sa akin, pero wala akong alam tungkol sa'yo bukod sa hobby mo ang pagiging pilosopo at pagiging masungit."
Tinignan ko siya ng masama pero patuloy lang ang pangngiti niya.
"Madami talaga akong alam tungkol sa'yo, kasama na do'n ang pagiging judgmental mo."inalis ko sa kanya ang tingin, pero naririnig ko pa rin siyang tumatawa.
"Alam mo rin ba kung bakit kami naghiwalay ng first girlfriend ko?"tanong pa niya.
Kung alam niya lang na kilala ko si Rina. Kung alam niya lang na girlfriend siya ng kuya. Kung alam niya lang.
"Bukod siguro do'n."I lied.
He chuckled. "Gusto mo malaman kung paano?"
"Sige, paano?"gusto ko lang din malaman kung nagsasabi pa ng totoo sa akin si Rina kung paano sila naghiwalay na dalawa ni Paulo.
Sakto naman na mahaba ang traffic, hindi umuusad kaya parang ang sarap makinig sa kwento niya.
"Kasi pinipilit niya na mas mahalaga sa akin si Khallie kesa sa kanya."
BINABASA MO ANG
What If It's Not?
Ficción General(What If Series #2) Yvaine Dominique Fontanilla, have ever loved someone so much that it seemed like she couldn't live a life without his ex-boyfriend, Kale Elijah Madrona. And for Paulo Nicolaj Medina, being with someone for a long time is comforta...