Kabanata 1

17 0 0
                                    

Sabi nila lahat daw ng tao ay may purpose. Lahat may patutunguhan.
Iyong iba ipinanganak para maglingkod sa Diyos, sa kapwa o kaya ay sa bayan. May iilan din namang kinuha agad ni kamatayan.

"Magne-nurse ako! Gusto kong magtrabaho sa ospital at tulungan ang doktor na alagaan ang mga may sakit." saad ni Eli kasabay ng pagsawsaw ng kinakain sa asin.

"Talaga? Ako naman, gusto kong maging guro. Nais kong salinan ng kaalaman ang susunod na henerasyon. Gabay upang tuparin ang kanilang mga pangarap" makabagbag damdamin namang dugtong ni Ria.

"Ako'y magiging inhenyera! Sabi sa akin ng aking tiyo ay malaki raw ang sweldo kapag ganoon. Isapa'y nangako ako sa aking itay na ako ang magpapaganda ng aming bahay" may ngiti sa labi at nakataas ang kanang kamay na may hawak pang kutsilyong hayag ni Mavi. Kanina lang ay tahimik itong nagbabalat ng prutas ngunit nabuhay ang loob dahil sa pinag-uusapan.

"Hindi ba't architect ang gumagawa ng disenyo? Iyon din ang kunin mo. Sa Maynila ka rin pumasok para magkasama parin tayo at malay mo maging magkaklase. " pangungumbinsi namang tinig ni Ruby sa kaibigan habang kasalukuyang may hawak na kahoy upang pambato sa punong nasa kanilang harapan.

"Electrical Engineering ang akin! Kumbaga magpapayaman ako para may pambayad sa arkitekto at inhenyero sibil. Atsaka ba't pa ako lalayo kung may unibersidad naman sa kabilang bayan? Masyadong magastos sa Maynila, malayo ka na nga sa pamilya mo aba'y hindi pa presko ang hangin" sagot ng kabila na pinagpapatuloy na ang pagtatalop.

"Alam niyo namang walang architecture sa nais niyong pasukan diba? Nagbabakasakali lang naman akong kahit isa sa inyo ay makakasama ko roon." malungkot na saad ng dalaga matapos ibato ang huling kahoy na hawak.

"Alam mo kahit mag-isa ka roon ay hindi naman nangangahulugan na kakalimutan ka na namin. Kapag umuwi ka rito ay pwede naman tayong magbonding. Maari ka ring tumawag, magtext o kaya ay magchat sa amin. Ano pang silbi nitong mga cellphone kung hindi tayo makakapagkamustahan? Isa pa, sabi nga nila parte ito ng pagtanda. May mga bagay na kailangan nating harapin higit lalo kung ito ay ang iyong pangarap. Gusto mo naman talagang maging arkitekto hindi ba?Kaya mo iyan, kaya natin ito" litanya ni Eli na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ikaw Nika? Kanina pa kami nagkukwentuhan pero puro santol iyang inaatupag mo. Anong kukunin mong kurso? May naiisip ka na ba?" biglang tanong ni Ria sa kanya.

"Hindi ko pa alam siguro ay mamimili nalang ako sa mga kursong binanggit niyo. Ang importante lang naman ay ang may matapos upang magkaroon ng maayos na trabaho diba?" maingat niyang sagot habang pinupulot ang mga prutas na nahulog sa puno dulot ng pagbato ni Ruby.

Ang totoo ay kanina pa siya nakikinig sa pinag-uusapan nilang magkakaibigan. Natutuwa rin siya sapagkat sigurado na ang mga ito sa landas na tatahakin maliban sa akin na hanggang ngayon ay hindi parin alam ang gusto. May pangarap siya, iyon ang sigurado hindi niya pa nga lang natutukoy kung ano ito.

"Tange! Mas maganda kung masaya ka sa kursong kukuhanin mo para kahit mahirapan ka ay hindi ka kaagad susuko. Sabi kasi nila ate magkaiba raw ang high school at college, mas masakit daw sa ulo" panenermon naman ni Mavi.

"Pag-iisipan ko" sagot niya pagkatapos ay kiming ngumiti.

--------

Kelan lang ay  pinag-uusapan nila ito ng kanyang mga kaibigan habang  nasa damuhan at nanunungkit ng santol. Dahil nga sa probinsya lumaki ay ganun na ang kanilang nakasanayan na bonding. Ang mall na karaniwang tambayan ng kasing edad namin ay nasa kabilang bayan pa. Maaari naman silang magpunta doon ngunit mas nanghihinayang sila sa pamasahe at magagastos kaya't mas pinipili nilang tumambay sa malapit kung saan lahat ay libre. Isa pa'y hindi naman ito nangangahulugang wala silang alam sa modernong panahon dahil hindi sila umaalis ng sariling bayan sapagkat para sa kanila, ang preskong hangin sa paligid, malinis na kaparangan, puno ng santol na hitik sa matatamis na bunga, isang kutsilyo, asin, toyo at samahan na pinagtibay na ng panahon ay hindi na matatawaran.

Napangiti siya.

Parang kelan lang...

"Okay Good Morning! I am Engr. Nirro Mendez and I will be your instructor in Civil Engineering Drawing and Planning" masiglang bati ng lalaking bigla nalang umulpot sa kung saan. Marahil ay nagspace-out ako kaya't hindi ko napansin ang pagpasok nito.

May katamtamang tangkad, maputi, makintab na buhok at magandang tindig ang nagpakilalang instructor. Mukha rin itong mabait, simple ang porma ngunit kung maalam kang tumingin ay masasabing mamahalin o branded ang suot nito. Magmula sa damit, relos, pantalon hanggang sapatos ay sumisigaw ng karangyaan.

"First, congratulations! Sapagkat sa napakaraming nagtake ng entrance exam ay kayo ang mga nakapasa at nagawang makapasok sa College of Engineering. Aware naman siguro kayo kung gaano kadami ang bumagsak. Heto na kayo kaya do your best. Ang Engineering uubusin ka talaga niyan, mapapagod ka sa mga subjects ngunit patatatagin naman nito ang iyong pagpupursige, paniniwala sa sarili maging pananampalataya sa Diyos at gayun din sa ibang kurso dahil ganito ang college basta laban lang para sa pangarap!" nakangiti pa nitong dagdag na ikinatuwa ko naman pero may halong lungkot.

Totoo ang mga sinabi nito, marami kaming nagtake ng entrance exam at ninais ang kurso ng engineering ngunit iilan lang ang nakapasa. May ilan kasi akong kaklase sa Senior High School ang kasabay na nag-exam ngunit bumagsak. Kaya ngayon palang ay kinakabahan na ako. Hindi ako sigurado sa kursong tinatahak. Nagpadala lang ako sa agos ng alon, marami kasi akong kakilala na pinili ang kursong ito kaya ako nakigaya ngunit nang lumabas na ang resulta sa exam ay ako nalang ang natira. Hindi rin naman ako nag-entrance exam sa ibang school kaya pinanindigan ko nalang ang kursong pinasok. Bali-balita ay nagpapataas ng rating ang school pagdating sa board exam kung kaya't pinipili talaga nila ang mga estudyanteng tatanggapin bagay na dapat ay ikatuwa ko kasi nasisiguro kong hindi masasayang ang oras at panahon ko sa pag-aaral ngunit mas pinili kong kainisan sapagkat kung hindi ito naghigpit edi sana ay marami akong kakilala na kasama. Hindi sana ako nag-iisa. Oo nga't Engineering din si Mavi na kasama kong pumasa ngunit EE ang kinuha nito at malabong maging kaklase.

"Basta dapat positive sa life!Goodluck at God bless sa'tin" naalala kong banggit ni Mavi bago kami maghiwalay kanina.

First day sa college at mabait pa ang instructor ko sa first subject. Lihim akong napangiti.

Ayos!

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon