Kabanata 19

4 0 0
                                    

“Unang tanong!” masigla niyang sabi matapos makatatlong subo.

Kauumpisa pa lang ay halatang lugi na talaga ako.

“Bakit ka nag-engineering?” tanong niya at tinaas baba pa ang kilay.

Bakit?

“Kasi marami akong kakilala na nag-engineering” ani ko at sumubo. Kailangan kong makatatlo pero ayoko namang mabulunan kaya nginunguya ko talaga ng maayos ang pagkain. Hindi tulad nitong kaharap ko.

“Masaya ka naman ba kahit parang go with the flow ka nalang palagi?” tanong ulit niya matapos ang panibagong tatlong subo.

Tss nakakadalawang subo palang ako.

Tumango ako at sumubo ulit.

“Ikaw? Bakit ka nag-engineering?” sa pagkakataong ito ay siya naman ang tinanong ko.

Nilaro niya muna ang kutsara bago tumingin sa’kin at ngumiti.

“Kasi ito talaga ang pangarap ko”

Natigilan ako pagkatapos ay napangiti. Magkaibang magkaiba talaga kami.

Alam na alam niya kung ano ang gusto niya.

Eh ako?

Ano ba talagang pangarap ko?

“Pang-apat, teka wala pa akong maisip e” tumingala siya at nag-isip.

“May kapatid ka ba? Kung meron ilan?”

“Meron, tatlo” simple kong sagot at sumubo ulit.

“Pang-ilan ka? Tsaka tahimik ba rin sila kagaya mo?” tinitigan ko naman siya. Hindi pa ulit siya nakakatatlong subo pero nagtanong na agad. Mukha namang naintindihan niya ako kaya dali-dali siyang sumubo ng tatlo at sabay na nginuya.

Napangiwi ako.

“Stop na natin ‘tong game” napatingin naman siya. Gustong magreklamo pero hindi magawa kasi punong puno ang bibig.

“Hindi dapat tayo naglalaro sa harap ng pagkain and look at yourself, mabubulunan ka sa ginagawa mo. That is so…” tumigil ako at nahihiyang umiwas ng tingin.

“Gross”

Bahala na kung sabihin niya na ang arte ko.

Pero kasi, ewan, ayoko talaga na pinaglalaruan ang pagkain.

He should know dining etiquette and table manners.

Napalingon naman ako sa kanya ng hampasin niya ang sariling dibdib.

Nabubulunan siya!

Agad akong nagsalin ng tubig at ipinainom sa kaniya.

“HAHAHAHAHA HAHAHAHAHA” halakhak niya.

Naguluhan naman ako.

Sa lahat ng nabulunan ay siya yata ang pinakamasaya!

“Kilala mo ako, kilala kita game” aniya matapos tumawa. Pinupunasan ang luha sa gilid ng mga mata.

Naguguluhan parin ako.

Anong kinalaman ng korning pangalan ng game sa nangyari?

“Talo ka Dimaano”

Walang kumain ng sili sa aming dalawa, bakit ako ang talo?

“Ikaw ‘yung nagpatigil nung game kaya ikaw ang talo” aniya, ineexplain sa akin kung bakit ako natalo.

Wala naman sa rules niya ‘yun kanina.

Napabuntong hininga naman siya nang nagtatanong ko parin siyang tiningnan.

“Tingin mo ba talaga ganun ako kapag nasa harapan ng pagkain?” tanong niya. Inalala ko naman kung papaano siya kumain kanina maging ang pagnguya niya at ikinumpara iyon sa paraan niya ng pagkain kapag kasama namin sila Gigi. Tinitigan ko rin ang hawak niyang mga kubyertos.

Magkaiba nga.

Left-handed siya kaya kaliwa ang ginagamit niya sa paghawak ng kutsara pero ngayon ay kanang kamay ang gamit niya at ang nasa kaliwa ay tinidor.

Naguguluhan parin ako.

Anong connect?

Umiiling akong tumingin sa kanya.

“Tumango ka kanina nung tinanong kita kung masaya ka kahit go with the flow ka nalang palagi pero nung sinimulan ko ng pagtuonan ng pansin yung laro kumpara sa pagkain ay ipinatigil mo agad yung game. Ibig sabihin ay hindi ka go with the flow palagi, kapag hindi ka talaga sang-ayon sa nangyayari ay sinasabi mo agad” mahaba niyang paliwanag pero hindi ko parin naiintindihan.

“Kilala mo ako, kilala kita game” pag-uulit niya sa title nung game.

Napasapo naman siya sa noo nang makita ang reaksyon ko.

“Ganito ‘yun Dimaano okay? Kilala mo akong left-handed, nakasabay mo narin akong kumain pero hindi mo manlang napansin na iba ang paghawak ko ng kubyertos. Kilala rin kita, hindi ko alam kung aware ka dito but I see you as someone that is real. Tahimik ka lang at kadalasang sumusunod sa trip ng iba pero kapag hindi mo talaga gusto ang isang bagay ay sasabihin mo talaga ang nasa isip mo na contradicting nung sumang-ayon ka sa pagiging go with the flow mo”

Ganun ba ako?

“Natalo ka kasi parang hindi mo ako kilala maging ang sarili mo, ipinatigil mo pa agad yung game” dugsong niya at nagpatuloy na sa pagkain. Ngayon ay kaliwang kamay na niya ang may hawak sa kutsara.

Bobo nga ata talaga ako. Hindi ko parin naiintindihan kahit inexplain na niya sa’kin. Nahihiya naman na akong magtanong pa kaya bumalik narin ako sa pagkain.

“Pero diba ang sabi mo kanina matatalo lang kapag mas marami ang kinain na sili?”

Gusto kong sampalin ang sarili dahil nagtanong pa ako, masyado ko naman ata ipinahahalata sa kanyang slow ako kasi hindi ko siya maintindihan.

“Iyon ba? Nabago na yung rules and mechanics nung game e” prente niyang sagot at sumandok ulit ng kanin.

Nabago?

“Kelan nabago?” naguguluhan ako, may sinabi ba siya kanina?

“Kanina lang”

Napayuko ako, tinitigan ang sariling pinggan. Pilit inaalala kung may sinabi ba siya.

“Dimaano” masyadong seryoso ang boses niya kaya nag-angat agad ako ng tingin.

“Bakit?”

Ibinaba niya ang kubyertos at hilaw na ngumiti.

“Yung bagong rules ng game” aniya at lumapit sa akin.

Magkatapat kami kaya humilig siya sa harapan ko. Nanatili lang naman akong nakatingin sa kanya.

Nang magkatapatan na ang mukha namin ay tumigil muna siya at tinitigan ako. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

Mukha kaming maghahalikan sa pwesto namin pero hindi ako naiilang. I’m a hundred percent sure that he won’t kiss me. He won’t kiss a friend. This guy knows how to respect a woman. Malakas lang talaga ang trip niya pero kung sakali man na magkamali ang gunggong na ito ay hindi ako magdadalawang isip na sampalin siya.

Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa may tenga ko.

“Yung rules” bulong niya bago umayos ng upo.

Anong meron sa rules?

Umiwas naman siya ng tingin at ngumuso.

“Hindi ko ata nasabi sa’yo na binago ko yung rules ng game”

“Nasa isip ko lang kasi”

Tinitigan ko siya.

“Kung hindi ka nainform, ako kasi yung developer kaya alam ko kaagad nung may new update na. Nakalimutan ko nga lang sabihin sayo” walang kwenta niyang paliwanag.

Naaasar ako kasi ang isip bata niya pero mas naaasar ako sa sarili dahil nagpapauto parin ako.

Nung umpisa palang ay alam ko ng gawa-gawa niya lang yung game pero sumang-ayon parin ako sa trip niya. Asar e.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon