Kabanata 12

6 0 0
                                    


“Pota ayoko na” reklamo ni Miles at ipinatong ang ulo sa mesa.

Ayoko narin.

“Same Sis, same” mangiyak-ngiyak na sabi ni Gigi.

Napayuko rin ako sa lamesa habang hawak ang mga reviewers ko.

Palagi nalang ganito. Palagi nalang mahirap.

Hell week ngayon midterm na kasi. Kaming tatlo lang ang nandito sa library at subsob sa pag-aaral. Yung dalawang lalaki ay hindi ko alam. Bigla nalang kasi nag-paalam si Bryant kanina at nagmamadali kaya hindi na namin natanong. Si boy tindero naman ay nagtitinda ulit. Solid nga e, ice candy with different flavors. Dumaan lang kami sa may cafeteria kanina pagkatapos ay may dala na siyang ice bucket.

“Magshift na kaya ako?” tanong ni Miles.

“Pero ayokong magshift” sagot ulit ni Miles sa sariling tanong. Natawa tuloy kami ni Gigi.

Last day na namin ngayon pero may dalawang subject pa kaming itetake mamaya kaya hindi parin pwedeng magpabaya. Oo nga’t minors nalang iyon pero pampataas din yun ng GWA.

“Pero palagi nalang akong puyat” dinig ko pang sagot ulit ni Miles sa sarili which is totoo naman. Swerte na nga kung may limang oras ang tulog namin.

“So unhealthy” reklamo rin ni Gigi.

“Pero ginusto natin ‘to” ani Miles ulit.

“Pero nakakastress na!” sagot ulit ni Gigi.

“Sobrang nakakapanget na mga Sis. Andami ko ng pimples” dagdag pa ni Gigi habang tinitingnan na ngayon ang sarili sa maliit niyang salamin. Nakitingin naman si Miles.

“Gago Sis pimple na tinubuan ng mukha”

“Woy Miles Perillo para sabihin ko sayo kahit ganito ang mukha ko e di hamak naman na mas lamang ako sayo ng sampung paligo!”

At nagbangayan nanaman sila.  Napabuntong hininga nalang ako. Mamaya lang ay paniguradong palalabasin nanaman kami ng librarian.

“Nika!” sabay nilang tawag. Tiningnan ko naman sila.

“Sino ang mas maganda sa’min?”

Hays heto nanaman tayo. Kitang kita ko rin ang panlalaki ng mata ni Gigi sa akin at ang talim ng tingin ni Miles. Parehas may gusto patunayan.

“Ako” simple kong sagot at dali-daling iniligpit ang mga gamit ko sa mesa. Magrereklamo pa sana sila pero nung nakita ang tinitingnan ko ay dali-dali rin sila naglipit.

“Miles naman ang lampa ha!” angil ni Gigi nang matapakan siya sa paa. Imbis na pansinin ay hinila ako ni Miles palabas at tumakbo.

“HAHAHAHAHAHAHAHA” tawa ni Miles. Nandito na kami sa may tapat ng clinic pero sa labas palang ng library ay ganiyan na siya.

Napatingin naman ako kay Gigi.

Pffffttt HAHAHAHAHA

“Gago ka Miles! Gago ka!” mangiyak-ngiyak na si Gigi.

“Woy Nika huwag kang mapagpanggap dyan alam kong natatawa ka rin HAHAHAHA” tukoy naman sa’kin ni Miles. Hindi pinapansin si Gigi. Natawa narin tuloy ako.

“Gago! Mga gago kayo!” angil ni Gigi at hinila ang buhok naming dalawa.

Dali-dali kaming nagligpit ng mga gamit namin kanina dahil nakita kong papalapit na si Mrs. Escote, ang matandang librarian na sobrang taray. Paborito niyang punahin ang grupo namin pagkatapos ay sesermunan pa kami. Hobby niya rin ata talaga ang magpalabas ng estudyante kaya kapag nakikita naming papalapit na siya ay kami na ang kusang umaalis. Normally, pagkatapos naming magligpit ay sasalubungin namin si Mrs. Escote at babatiin kahit pa pinagtataasan niya lang kami ng kilay. Si Bryant ang nagturo nun para raw kahit maingay kami kung minsan ay welcome parin kami sa library. Mukha namang effective dahil hanggang ngayon ay pinapapasok parin kami ng bukal sa loob ng mga staff.

Kaso nga lang ay hinila pa ako ni Miles at nagtatakbo kanina kaya nataranta si Gigi at nagmamadaling humabol. Nasa 2nd floor kami nun, sa pagmamadali niya ay nagkamali siya ng tapak sa huling baitang kaya instant exhibition ang nangyari. Dahil nga nauuna kami ni Miles ay kitang kita namin kung paanong napahawak siya sa kasalubong niyang tourism student na papunta sana sa 2nd floor. Slow motion silang nahulog. Pati narin ang mga nagbabasa sa first floor ay napatingin sa kanila. Napangiwi nalang din kami nang sabay silang tumili nung babae.

“Ikaw ha mahilig ka pala sa—” hindi na natapos ni Miles ang sasabihin ng sabunutan  ulit siya ni Gigi.

“Hindi ko nga sinasadya! Straight girl ako no” pagtanggi ni Gigi.

“Alin girl? Hindi mo sinasadyang mahila siya o hindi mo sinasadyang mahawakan ang boobs niya? Ikaw ha, kaya pala ayaw mo sa’min ni Nika kasi yung kulay gatas ang gusto mo HAHAHAHHA”

Napangisi ako. Nang mahulog kasi yung tourism student at si Gigi ay nagtilian pa silang dalawa dun. Si Gigi dahil nakahawak siya sa dyoga nung babae at yung babae dahil sa gulat.

“Gosh my virgin hands” pag-iinarte ni Gigi binatukan naman siya ni Miles.

“Gago nagsorry ka na ba?”

“Duh!”

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok sa loob ng clinic. Sampung minuto nalang at magstart na ulit ang exam namin kaya ichecheck ko muna yung nabangga ni Gigi. Sumunod naman silang dalawa sa akin.

Pagpasok palang ay nakita ko na sa isa  sa mga higaan doon ang hinahanap ko. Maputi rin naman si Miles pero walang wala ang kulay ng balat niya sa babaeng ito, kulay gatas e. Maganda ito at matangkad din. Napatingin ako sa lace ng ID niya. Walang duda tourism student nga. Bukod kasi sa ito ang tumanggap sa bigat ni Gigi kanina nung nahulog sila ay nagkasprain din ang paa niya. Nakokonsensya ako kasi hindi naman maaaksidente si Gigi kung hindi namin siya tinakbuhan ni Miles kanina. Kahit si Miles na nasa likuran ko na ngayon ay halatang nakokonsensya din.

“Pasensya na Miss a, tatanga-tanga kasi itong kaibigan namin ayan tuloy” pagpapaumanhin ni Miles, aapila pa sana si Gigi pero hindi narin natuloy nung kinurot siya nung isa. Nanatili namang nakataas lang ang kilay sa’min nung babae.

“Hindi playground ang library. I hope you know that” mataray nitong sabi.

“Attitude ka Sis—Aray!” reklamo ulit ni Gigi ng kurutin na namin siya ng sabay ni Miles.

Plano pa ata makipag-away e. Kami naman kasi talaga ang may kasalanan.

“Pasensya talaga” sabi ko nang tumahimik na si Gigi.

“Yeah pasensya na talaga, hindi naman niya sinasadya e. Uhhhm we need to go narin may exam pa kasi kami pero eto number ko, you can contact me kapag may problema ka pa dyan sa paa mo” mabait na wika ni Miles habang isinusulat ang cellphone number niya sa maliit na papel.

Nakakapanibago nga e.

“I don’t need that, you can go narin” mataray na sagot nung babae.

“E di ‘wag!” asik din ni Gigi at hinila na kami ni Miles. Wala na kaming nagawa. Ang lakas ni Gigi e.

Hays.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon