Kabanata 5

6 0 0
                                    

“Oy oy”

“Dimaano”

“Di-ma-a-nooo”

“Bakit?” pagkatanong ko niyon ay inilapag agad niya ang singkwenta pesos na buo.

“Hindi mo naman kelangan bayaran, ako may kasalanan” nakangiti niyang saad.

Ano bang problema ng isang to?

Pagkakita ko palang sa kanya kaninang umaga ay iniabot ko na kaagad ang 50 pesos na utang ko ngunit heto at lunch time na pero kinukulit nanaman ako. Sinundan pa talaga ako hanggang school cafeteria e.

Tinitigan ko lang siya.

Don’t mind him Annika. Kumain ka lang.

“Tss suplada” rinig kong angil niya.

Deadma lang.

Kung ayaw niyang tanggapin yung 50 edi huwag.

“O” dagdag pa niya sabay abot ng isang tupperware nanaman pero this time cupcakes naman ang laman nun.

Mukhang masarap.

Nakakatakam.

“Magkano?” tanong ko kaagad sa kanya. May dala na kasi akong extrang pera ngayon.

“Libre na ‘yan, peace offering narin para dun sa kahapon” saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

Makapal na kilay, katamtamang tangos ng ilong at labing ngayon e nakangiti.

Kitang kita ko yung gilagid e.

Ang itim LOL.

“Alam kong gwapo ako. You don’t have to stare” pagkasabi palang niya niyon ay napangiwi na ako.

Nakakawalang gana.

Pero syempre tuloy parin dapat sa pagkain. Sayang pagkain.

“Tsk tahimik ka talaga ano?” maya-maya’y tanong niya.

Ang ingay ng isang to.

May kumakain bang madaldal?

Tsaka ano bang ginagawa niya dito?

“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.
Napansin ko kasing lahat kaming nandito ay kumakain maliban sa kanya.

“Naks naman Dimaano huwag kang ganyan baka mafall ako” saad niya na akala mo’y kinilig talaga sa sinabi ko.

Baliw.

“Nga pala, baka may kakilala ka na mahilig sa mga cupcakes. Sabihin mo bumili sila sa’kin sobrang sulit” dagdag pa niya.

Parang kahapon lang graham balls tinitinda nito a.

Gusto ko sanang itanong ang tungkol dun pero tinamad ako bigla magsalita kaya tinanguan ko nalang siya.

Hindi ko narin inalam kung nakakain na siya. May lakas na nga dumaldal e malamang busog na.

Kalahating oras lang ang lunch time namin kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso na kaagad ako sa assigned room para sa susunod na subject. Tahimik naman siyang nakasunod.

The whole time na kumakain ako ay wala siyang ginagawa kundi makipagtanguan sa kung sino.
Nakaupo kasi siya sa harapan ko kung kaya’t kitang kita ko ang bawat kilos niya. Mukhang marami siyang kakilala, kahit professors ay nginingitian at minsa’y kahigh five pa niya.

Hindi ko alam kung bakit siya lapit ng lapit sa’kin pero hinayaan ko nalang. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay nakasunod siya sa’kin kaya hindi ko maiwasang pansinin ang mga kilos niya.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon