Kabanata 10

5 0 0
                                    

“Oh! Oh! Sige ihampas mo! Kapag ako talaga nasaktan,sinasabi ko sayo Aled malilintikan ka sa’kin” ani Miles.

Natapos na ang klase para sa araw na ito ngunit imbis na umuwi ay inaya kami ni Gigi sa isang Milktea shop para sana magpatutor na kay boy tindero. Noong una ay sa library ang plano pero matapos sabihin ni Gigi na ililibre niya kami ay sila pa itong naunang naglakad paalis ng school.

Sabagay sino ba naman ang may ayaw ng libre.

“Aray!” reklamo ulit ni Miles matapos  ipukpok ni Gigi ang binilog na cartolina sa ulo niya.

“OA girl? OA? Kapag kami nagkamali pwedeng pukpokin tapos kapag ikaw bawal? Gender equality naman o!” sagot pabalik naman nung isa.

Hays.

Ang usapan kasi ay ipupukpok ni Aled sa ulo namin ang binilot niyang cartolina sa tuwing magkakamali kami ng sagot. Ika pa niya’y para raw may thrill at para daw mamotivate kami pero ang totoo ay mukhang gusto niya lang kami pagtripan at wala naman kaming magawa kasi kailangan namin ng tulong niya. Hindi ko rin alam kung saan niya napulot yung cartolina.

“E ang sakit kaya! Mas masakit pa sa pinaramdam ng mga ex mo sa’yo!” Ani Miles na hinihipo ang ulo.
Pinanlakihan naman siya ng mata ni Gigi. Akala mo’y nasaktan sa sinabi nung isa.

Hindi naman masakit ang pagkakapukpok ni Aled, dahil kahit ako’y nagkamali narin ng pagkakasolve kaya naranasan ko narin. Ang problema lamang ay kanina pa namumuro sa mali si Miles kaya tuwang tuwa naman si Gigi.

Si Gigi rin ang unang sumang-ayon sa trip ni boy tindero. Mukhang aware siya na nahihirapan talaga sa solving si Miles.

“Hoy! Hoy babae!”

“Hoy! Hoy bakla!”

Ang ingay nila pero sanay na kami.

“Kalma guys ganito kami magmahalan” tanda ko pang sabi nilang dalawa nang minsang suwayin sila nila Bryant at boy tindero.

Paano ba naman, kakain lang kami sa cafeteria noon pero nagawa pa nilang magsabunotan sa harapan namin. Nashock pa ako kasi first time ko makakita ng ganun.

Ewan sa kanila.

“Kayong dalawa ang ingay niyo, seryoso ako dito o! Mahiya naman kayo sa’min ni Nika” reklamo ni Bryant na tinawanan nila, kahit ako ay napangiti.

Kanina pa ako natapos, kahit papaano naman ay naiintindihan ko na. Tingin ko nga ay mas okay pang magturo si boy tindero kesa sa prof namin.

“Buti pa ang calculus sineseryoso” parinig ni Miles kay Bryant sabay akma ng apir kay Gigi pero nang itinaas na nung isa ang kamay ay iniliko ito at kay boy tindero nakipag-apir. Naiwan tuloy sa ere ang kamay ni Gigi kaya napasimangot nalang siya.

Si Bryant naman ay yumuko nalang at ipinatong ang ulo sa lamesa kaya mas lumakas ang tawanan. Kahit kasi ganun ay nakita namin ang pamumula ng tenga niya. Malamang naaalala ang nangyari nung isang araw.

Vacant time namin nun at gaya ng nakagawian ay dumiretso na kami sa library pero hindi pa kami nangangalahati ng lakad ay bigla nalang may sumampal kay Bryant at pinaratangan na manloloko. Nakaalis nalang ‘yung babae ay naiwan kaming tulala. As in lahat kami. Ang alam kasi namin ay walang girlfriend itong si Bryant kaya nakakabigla talaga ang nangyari. Imbis tuloy na mag-aral ay inusig siya nila Miles ng mga tanong.
Noong una ay nag-aalala pa kami kay Bryant pero nang nanatili siyang tahimik kapag tinatanong namin kung sino yung babae ay napalitan iyon ng saya.

Saya dahil mukhang may lovelife si Bryant o dahil sa nasampal siya ay hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay masayahin ang mga taong nakapaligid sa’kin kaya masaya narin ako.

……..

“Ba’t parang ginagabi ka yata?” mapanuring tanong ni Eli. Nasa pintuan palang ako ay iyon na agad ang bungad.

“Mavi! Mavi! Andito na si Nika!” sigaw naman ni Ria pagkakita palang sa’kin. Lumabas naman si Mavi mula sa kusina at may dalang laptop, nakavideocall kay Ruby.

Tinitigan ko silang tatlo at tinitigan naman nila ako ng may pag-aakusa. Napatingin ako sa sariling relo, alas-otso na, kaya naman pala.

“Nagreview lang kami” paliwanag ko pero tinaasan lang nila ako ng kilay. Narinig ko rin ang hagikhik ni Ruby mula sa laptop.

“Sana lahat ng nagrereview ginagabi” pagpaparinig ni Eli.

Galit ba siya?

“Ang usapan natin ay magtetext tayo o magchachat kapag malelate ng uwi diba?” dagdag naman ni Mavi.

“Pasensya na, nakalimutan ko. Hindi ko rin kasi aakalain na gagabihin kami e”

Totoo naman, hindi na ako nagtext sa kanila dahil akala ko ay saglit lang ang pagrereview namin. Hindi ko narin naman napansin ang oras dahil hinihila ng binabasa ko ang atensyon ko, isama narin ang ingay nila Miles kanina at ang tawanan namin.

“Pinag-alala mo kami” sabi naman ni Ria.

“At dahil dyan ikaw ang maghuhugas ng plato mamaya!” sabi naman ni Ruby sabay tawa. Napangiti ako, akala mo talaga makakasama namin siyang kumain ngayon e.

“Magbihis ka na pagkatapos ay dumiretso sa kusina, kakain na tayo” seryosong sabi ni Eli. Mukha ngang galit.

Busog pa ako at hindi ko rin inaasahan na iintayin nila ako bago kumain pero hindi na ako nagreklamo at dali-daling nagbihis. Ayokong magtampo sila, aminado naman akong kasalanan ko e.

“Happy birthday! Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Nika” kanta nila. Pagkapasok ko palang ng kusina ay nakaabang na sila at nakaharap sa’kin.

“Blow the candle na! Ano pang hinihintay mo?” tumatawang tanong ni Ria nang makalapit sila sa akin.

Birthday ko? Ano na bang petsa ngayon?

“Pustahan tayo nakalimutan nanaman niya!” sabi ni Ruby. Nakavideocall parin siya habang hawak parin ni Mavi ang laptop na nakaharap sa’kin.

“Gaga birthday mo ngayon!” sabi ni Eli at mas inilapit sa mukha ko ang hawak niyang cake.

“Kung hindi ka parin naiinform, today’s September 4 kaya legit Sis birthday mo talaga” dagdag pa niya.

‘Maligayang pagborn Nika namin!’

Tinawanan nila ako nang mapansing nakatingin ako sa cake. Mga siraulo.

“Ganda ng nakasulat no? Nagbrainstorming kami para dyan” proud pang sabi ni Mavi kaya mas lalo silang tumawa napatawa narin tuloy ako.

“Blow the candle!” sabay-sabay nilang sabi.

Napatingin ako sa kanila, kanina lang ay galit sila sa akin dahil pinag-alala ko sila pero hindi parin nila ako natiis. Sila rin ang nakaalala ng birthday ko gayong ako mismo ang nakalimot nito. Pumikit ako at hinipan ang kandila.

Itong mga taong ‘to, they are for keeps. Sana walang magbago.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon