Kabanata 43

3 0 0
                                    

"Kumusta?" ani Francisco pagkalabas ko ng kwarto na kinaroroonan ni Daddy. Matapos ang titigan namin kanina ay nagpaiwan siya dito ngunit gaya ng ipinangako niya ay hindi siya umalis. Heto nga't maayos na kami ni Daddy at nandito parin siya.

Pagkatapos ng mga pagpapatawad namin sa isa't-isa at mahabang kwentuhan ay sinabihan ko si Daddy na kailangan niyang magpahinga kung talagang gusto niya na sabay-sabay kaming magdaos ng bagong taon. Nakausap ko narin si Kuya Thiago. Ang dami kong nalaman. Naikwento rin ng aking kuya na limang taon na ang nakakalipas nang mawala ang kanilang ina dahil sa isang isang malubhang sakit. Magmula noon ay naging malungkutin na si Daddy. Idagdag pang pilit kong inilalayo ang loob ko sa kaniya. Mabait si Kuya Thiago at sobrang nakakagaan ng loob . Syempre ay hindi rin nawala iyong parte na sinermunan niya ako dahil ngayon lang ako nagpakita sa kanila kung kailan inatake sa puso si Daddy pero kahit ganoon ay naramdaman ko na tanggap niya ako. Aniya pa'y kapag daw bumibisita si Daddy sa akin ay nais nilang sumama ngunit hindi pumapayag si Daddy dahil baka raw magalit ako lalo. Ang nais ni Daddy ay magaan ang loob ko na makilala sila na hindi naman nangyari dahil ang kapatid ko na mismo ang tumawag sa akin na labis kong ipinagpapasalamat dahil kung hindi iyon ginawa ni kuya Thiago ay paniguradong hanggang ngayon ay hindi parin ganito kagaan ang pakiramdam ko at wala akong ideya sa nangyari kay Daddy.

Dagdag pa ng aking kuya ay sa social media nalang nila ako kinikilala o inaalam ang mga tungkol sa akin na hindi rin ganoon kaepektibo dahil madalang nga ako mag-online.

"Ayos lang" sagot ko bago lumapit sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang galos niya sa braso tsaka palang dumaan sa isip ko na muntik na akong masagasaan at iniligtas niya ako. Hindi ko pa nagagawang magpasalamat pero dahil ayos na ako ngayon ay napapansin ko na ang mga maling nagawa ko kanina.

"Gamutin natin iyang galos mo" hindi manlang ako nasugatan kanina dahil prinotektahan niya ako.

"Wala 'to, malayo sa bituka" simple niyang sagot at ginawaran nanaman ako ng ngiti.

"Masaya akong masaya ka" kitang kita ko ang kinang sa mga mata niya nang sinabi niya iyon. Ngumiti rin ako pabalik.

"Salamat pero sa tingin ko ay hindi ka dapat nagpapakita ng sobrang pagmamalasakit sa akin"

Oo nga't sobrang laki ng nagawa niyang tulong sa akin pero hindi ko parin nakakalimutan na may nobya na siya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.

Nakakatawa pero hindi ko manlang magawang magalit sa kanya.

Sumandal muna ako sa bench na kinauupuan namin bago nagpatuloy magsalita.

"Monica Trinidad" banggit ko sa pangalan ng kasintahan niya.

"I'm sure mahal na mahal ka niya at sobrang bagay niyong dalawa ang isa't-isa. Stay strong" dugsong ko bago mapaklang ngumiti.

Seems like I can't have everything I want and I'm fine with it. Okay na kami ni Daddy at siguro ay sapat na iyon.

Sapat? Ang totoo ay niloloko ko lang ang aking sarili. Nakakatawang kung kailan ko napagtanto na malapit na akong mabuo ay tsaka ko malalaman na may ibang nagmamay-ari na sa taong gusto ko sanang pag-alayan ng sarili.

"Salamat narin kasi nang dahil sa iyo nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang mga bagay na kinatatakutan ko dati"

Because of him I was able to make friends with Miles and the others. Isa rin siya sa dahilan kung bakit hindi ko naramdaman na naleleft-out ako sa school.

"Nang dahil sa iyo ay marami akong natutunan. Hindi ko na kailangan isa-isahin ang mga iyon" ani ko at ngumiti bago siya balingan ng tingin.

"Salamat"

"Anong...Anong sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong.

"Itong mga ginagawa mo. Hindi naman talaga ako mahalaga para sa iyo diba? Ginagawa mo lang 'to kasi naaawa ka sa'kin. Siguro ay napansin mong mag-isa lang ako noong unang linggo ng pasukan kaya ka lumapit sa akin pero ayos lang. Hindi ko iyon mamasamain. Sana lang ay bawasan mo ang pagpapakita ng sobrang pagmamalasakit sa akin dahil maaaring iba ang maging interpretasyon ko sa mga kilos mo"

Ngayon ay naiintindihan ko na. Ginawa niya lang lahat 'yun dahil sa awa.

Bahagya siyang natawa sa mga sinabi ko bago nagsalita.

"Kahit kailan talaga ay hindi ka naniwala sa mga sinasabi ko ano?"

Anong hindi naniniwala? Halos paniwalaan ko na nga lahat! Kung hindi ko lang nakita ang comment na iyon ay paniguradong kung ano-ano ng mabulaklak na salita ang nasabi ko sa kanya ngayon.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Mahal kita at kung kailangan na ulit-ulitin ko yun para maniwala ka ay handa akong gawin"

Si Monica? Paano?

Animo'y nababasa ang nasa isip ko ay bigla siyang tumawa. Noong una ay banayad pa ito ngunit makaraan ang ilang segundo ay napalitan ito ng halakhak.

Sinasabi ko na nga ba't wala akong halaga sa kanya. Hindi ko na dapat siya kinausap. Dapat ay umiwas nalang ako. Tumayo ako upang umalis na doon sa nakakahiyang ginawa ko nang hilahin niya ako pabalik.

Tumatawa pa rin siya ng mahina ngunit nang makita ang mukha ko ay nagseryoso na ulit siya.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin pero si Monica, wala kaming relasyon ni Monica. Isa pa'y hindi interesado sa lalaki ang isang iyon" paliwanag niya.

Ano?

Nang mapansin na hindi ko parin naiintindihan ang sinasabi niya ay ipinagpatuloy niya ang ipinapaliwanag.

"Mga babae ang gusto ni Monica. Kung gusto mo ay ipakikilala ko siya sa iyo. Iyon nga lang ay baka pormahan ka ng isang yun. Baka maunahan pa ako sa iyo kaya dehado ako" aniyang nakangisi.

Tomboy si Monica?

Hindi, imposible.

"' Akin lang 'yan, walang aagaw' iyon yung nabasa kong comment. Paanong naging babae ang tipo ni Monica?" kung kanina ay kalmado ako ngayon ay hindi na. Hindi naman niya kailangang magsinungaling sa akin.

Lumayo ako sa kanya at naiinis na umalis pero hinabol niya ako.

"Naks selosa" aniya bago kumapit sa braso ko na parang bata. Ginawa na niya iyon dati e. Imbis nga lang na magturo ng kung ano ay kinalikot niya ang kanyang cellphone. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nagugutom ako kaya hinahanap ko ang hospital canteen.

"O" aniya at inilalapit sa akin ang kanyang cellphone. Nakaharap na itinapat niya ito sa akin bago nagsalita.

"Ganda no? Walang agawan pare a"  itinapat niya ulit sa akin ang cam. Ngayon ay nakikita ko na ang itsura ng kausap niya. Isang babae. Magandang babae!

Pero bakit pare?

"Dimaano si Monica, Monica pare kumalma ka ipinapakilala ko lang huwag mong diskartehan" asik ni Francisco sa kausap. Bago pa lang magsasalita ang nasa kabilang linya ay inilayo na niya agad sa akin ang cellphone. Basta ang narinig ko na lang ay ang halakhak nito kasunod ng katagang "Kalma pare, may girlfriend ako. Loyal na 'to no"

Nahihiya akong napanguso. Sabi ko nga tomboy e.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon