Kabanata 4

7 0 0
                                    

“Akin na” saad ng lalaki sa harapan ko.

100 pesos lang ang dinadala ko kada-araw. Sapat lang pambili ng pantanghalian at pambayad ko sa paphotocopy kanina. Oo nga’t may allowance ako na pang-isang buwan pero nakasanayan ko ng iwanan ito sa apartment. Hindi ko naman kailangan mamasahe dahil malapit naman ang tinitirhan namin sa school kaya para saan pa ang pagdadala ng sobra? Isa pa’y iniiwasan ko talagang mapagastos dahil may mga pagkakataon na natutukso akong bumili ng sobra pa sa kailangan ko kapag may nakikita akong pera sa wallet ko.

Tulad ngayon, kung may dala akong pera at nagkataong marami ito ay paniguradong hindi lang isa kundi tatlong tupperware ng tinitinda ng lalaki na kanina ay nasa likod ko ang aking bibilhin.

Tapos na ang klase. Nakaalis narin ang prof at mga kaklase ko pero heto siya at sinisingil ako sa bayad.

Nakalahad pa ang kamay nito kaya inabot ko na naman sa kanya ang tupperware na may lamang graham balls.

“Wala akong pambayad dyan” sagot ko at umalis na sa harapan niya.

Kaming dalawa nalang dito. Oo, kaklase ko siya pero estranghero parin siya sa paningin ko. Isa pa’y ngayon lang kami nagkausap. Mahirap na. Ibang usapan na kapag mga ganitong bagay.

Sayang yung graham balls. Mukha pa namang masarap. May sprinkles kasi.

Sa labing-walong taong ‘tahimik’ na pananatili ko dito sa mundo ay hindi maiiwasan na masabihan akong weirdo. Hindi ako sumasang-ayon sa kanila dahil para sa akin ay natural lang akong tahimik at mapili sa makakausap. Iba yun sa pagiging weirdo pero mukhang sa pagkakataong ito ay nakatagpo ako ng totoong weirdo dahil malapit na ako sa may pinto nang natumba ang lalaking kanina ay kausap ko.

Syempre nabigla ako kaya agaran ko siyang nilapitan na agad ko ring pinagsisihan.

Hindi ko alam kung anong trip niya pero nakahiga siya ngayon sa sahig na akala mo’y nahimatay habang nakafinger heart style ang kanang kamay at nakawacky naman ang kabila. Hindi pa siya nakuntento at sinadya niya pang ilabas ang kanyang dila na parang naghihingalong aso.

Tae.

Mukha siyang tae.

Aalis na sana ako nang hilahin niya ako pabalik. Hindi ko alam kung paano niya yun nagawa pero nakatayo na siya ngayon at hawak ako sa may siko kaya naitulak ko siya bigla malapit sa may bangko kung saan niya pala ipinatong ang tupper na may graham balls.

Hindi siya tuluyang natumba pero natapon ang graham balls sa sahig. Napalakas kasi ang pagkakatulak ko at eksakto namang sa tupper mismo tumama ang bandang pwetan niya. Kaya ang nangyari, nasira yung lalagyan at natapon ang laman nito.

Tang—juice!

Kasalanan ko?

Parehas kaming napatulala.

Sayang yung graham balls!

“Pasensya na, babayaran ko nalang bukas” agad kong sabi nang makabawi sa pagkabigla sabay lakad paalis.

Nakakahiya!

Nika nakakahiya!

Pero may kasalanan din naman siya diba? Kung hindi niya ako hinila hindi ko siya itutulak.

Atsaka lampa ba siya? Hindi ko naman kasalanan na hindi niya kinaya yung pagkakatulak ko diba? Anlaki niya kumpara sa akin pero muntik na siyang matumba sa pagkakatulak ko.

Weak!

Gusto ko sanang ganun nalang ang isipin pero mali na sisihin ko siya sa kasalanan ko.

Ako ang nanulak kaya ako ang may kasalanan.

Teka, bakit ako umalis?

Kasi uwian na!

“O kamusta ka na dyan?” tanong ni Ria sa kausap.

Kasalukuyang nasa kusinang parte ng apartment silang apat.Katulong ko si Eli na magluto ng hapunan habang nakaupo naman sa malapit na lamesa si Mavi na busy sa pagbabasa katabi si Ria. Sa gitna ng mesa ay nakapatong ang isang laptop at ka video call si Ruby na ngayon ay nakahiga na sa kama nito.

“Mahirap pero ganito pala kapag gusto mo yung ginagawa mo no? Pagod na pagod na ako pero masaya parin. Kayo kamusta na? “ sagot naman ng aming kausap.

Bata palang kami ay palagi nang banggit ni Ruby ang pagiging arkitekto. Masaya rin kami para sa kanya.

“Heto stress na, andaming kelangan aralin” sa pagkakataong ito ay si Mavi naman ang sumagot. Napatango naman ako sa sinabi niya.
Seryoso andaming kelangan pag-aralan.

“Pero maganda parin!” dugsong naman ni Eli kaya natawa kaming lima.

“Maganda nga wala namang boyfriend” Ani Ruby sabay hagikhik.

“Woy! May crush na ako sa room!” pagbibida ni Ria.

“Ako rin poooooo” sabi naman ni Eli na parang kinikilig pa.

Ako naman heto, chillax lang sa pagluluto.

“Crush? Ano kayo bata?” panukso ni Ruby kaya nagtawanan ulit.

Maya-maya ay tumahimik kaya napatingin ako sa kanila. Nakatalikod kasi ako, busy sa paghahalo.

“Study first” sabay naming depensa ni Mavi. E paano kung mga makatingin akala mo pati kaluluwa namin tinitingnan e.

“Guys balita ko marami raw gwapo sa Engineering dyan sa school niyo a” sabi ni Ruby na kanina pa nagpipigil ng tawa. Iniikutan kasi ako ni Eli ngayon habang nakahalukipkip at nakatingin ng pagdududa. Ganoon rin ang ginagawa ni Ria kay Mavi na ngayon ay tumigil na sa pagbabasa.

“Tanda niyo yung mga lalaking nakasagutan natin dun sa Keychain? Kaklase ko yung dalawa” pagkasabi palang nun ni Mavi e natahimik na kami. Naikwento narin iyon kay Ruby pero mukhang wala siyang pake kahit na alam niyang naiinis parin si Mavi.

“So sino dun ang crush mo?” pang-asar pa niyang tanong kaya napabuntong hininga nalang si Mavi.

“Uy aminin cute kaya sila” dagdag naman ni Ria.

“Walang cute sa lalaking bastos” sagot pabalik ni Mavi.

Hindi naman halata na hindi niya parin nalilimutan yung nangyari lol.

“Basta ako nakamoved-on na” ani Eli at tiningnan nanaman ako.

“Ikaw Nika? Wala ka bang ikukwento?” pagkatanong palang ni Eli nun e naalala ko nanaman ang nangyari kanina pero syempre hindi ko yun ikukwento. Hindi naman importante e.

“Wala”

“Seryoso wala?” pagdududang tanong ni Ria.

“Wala” paninigurado ko, nakatingin kasi silang lahat sa akin. Nakahinga naman sila ng maluwag. Mali, nagkunyari silang nakahinga ng maluwag pinagtitripan lang pala ako.

“Ako si Rubianne Grace Mislang ay nangangakong magiging open sa inyong lahat kahit nasa Maynila ako at malayo sa inyo” ani Ruby na akala mo e nanunumpa. Nakataas kasi ang kamay nito.

Yung kaliwa nga lang.

“Oy ayusin mo ‘yang kamay mo kanan dapat!” paninita ni Eli.

“Walang magbabago, okay? Walang paglilihim na mangyayari. Open tayo sa isa’t isa” paninigurado ni Ruby na ngayon e kanang kamay na ang nakataas.

Pauso rin to e.

Kaya ayun, nagsitaasan din kami ng kamay at sabay-sabay sinabi ang salitang…

“Pangako!”

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon