Kabanata 3

8 0 0
                                    

“Alam mo Kuya si ale ang kausap namin kaya huwag kang bastos” Ani naman ni Mavi.

May punto naman siya, nakikiusap kami ng maayos e.

“Alam mo Miss, humuhugot lang itong kaibigan namin. Wala siyang kasalanan na tinamaan ‘yang kaibigan mo.” Sagot naman nang lalaking nakablack.

“E ba’t ka nakikiepal? Ikaw ba kinakausap ko? Huwag sumagot kung hindi kausap okay?”

“E ba’t ka rin nakikiepal? Ikaw ba kinakausap ng kaibigan ko? Huwag sumagot kung hindi kausap okay?” sagot ulit nito pabalik kay Mavi. Ginaya ang huling sinabi.

Walang duda, bastos itong mga to.
Ang problema e hindi ugali ng mga kaibigan ko ang magpatalo. Ayos lang naman kung hindi na available ang mga keychain. Ang hindi ayos ay ang uri ng pagsagot ng mga lalaking ito sa harapan namin.

Nagsasagutan na sila sa harapan ng tindera at hindi lang naman kami ang tao dito.

“ Alis na tayo oy. Awat na, tingin nalang tayo sa iba” pagkasabi ko niyon ay mukha namang napansin narin nila na may iilang kapwa konsyumer ang nanunuod.

I hate conflicts at ayaw na ayaw ko rin  ng atensyon, spotlight kumbaga. Syempre alam ng mga kaibigan ko yun kaya agad silang sumunod pagkatapos humingi ng pasensya sa tindera.

“Seryoso ang bastos ng mga lalaking yun” si Eli habang nakaupo sa couch.

Pagkaalis sa tindahan ng mga keychains kanina ay dumiretso kami agad dito sa apartment. Mukha yatang imbes na maging masaya kami ay nainis lang kami dulot ng paglabas.

“Basta kapag ganun, huwag nalang natin pansinin. Para iwas gulo nalang. Tsaka tandaan niyo mga babae parin tayo.” Pangaral ni Ria.

Nakapose pa ito na parang nanay na nagagalit. Nakatayo habang nakapameywang sa harapan namin kaya mapapatango ka nalang.

“Paanong hindi papansinin e ang babastos” apila ni Mavi.

Mukhang hanggang ngayon ay gigil parin ito.

“Kapag tinatapakan na kayo ng iba pumalag kayo. Oo, magandang habaan mo ang pasensya mo pero may mga tao kasi na mas lalo kang aabusuhin kung hindi mo sasawayin. Palagi niyo yung tatandaan” dagdag pa nito.

“Gigil na gigil Sis a? Hahahahaha kalimutan nalang natin. Mastress lang tayo e.” Ani Eli.

Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura ni Mavi. Nanlilisik ang mata e tapos akala mo handang sumugod sa away anumang oras.

“E nakakainis naman talaga diba? Nakiusap lang naman tayo ng maayos tas biglang gaganon sila. Akala mo kung sino pwe”

Hindi parin tapos si Mavi sa inis niya kaya ang ginawa ko pumalakpak ako. Nung una mahinang palakpak lang hanggang sa sadyain ko ng palakasin. Pagkarinig palang nila nun e nakipalakpak narin sila Eli at Ria.

“And the Palaban of the Barkada award goes toooooo Mavilla Centeno! “ Ani Ria habang umaarte na may inilalagay na korona sa ulo ni Mavi na kasalukuyang nagkukunwaring naschock. Nakatakip pa ang kanang kamay nito sa bibig habang ang kaliwa ay nakahawak sa dibdib. Kaya tawang tawa kami ni Eli.

“ This award will forever be yours Ms. Centeno” dugtong pa ni Ria.

Tapos kami naman ni Eli ay nagbabow sa harapan ni Mavi. Iyong parang may sinasamba. Sa ganung paraan natapos ang araw namin. Hindi ganun kaganda pero masaya parin sa dulo.

“All functions are relation but not all relations are function—”

Math in Modern World ang subject pero heto ako at ang kapal ng mukha antukin. Alas-kwatro na kasi ng hapon. Dalawang linggo na ang lumipas simula nang magpasukan.

Ano bang bago?

Wala naman.

Bukod sa nasasanay na ako sa bagong paligid e wala na. Block section kami pero wala parin akong kaclose o iyong matatawag na ‘college friend’ Pamilyar lang ang mukha nila pero hindi ko sila nakakausap. Nung umpisa palang naman ay hindi ko na inaasahan iyon. Hindi ako magaling sa pakikipagkomunikasyon. Ang mga kaibigan na meron ako ay mabibilang lang sa daliri ng dalawa kong kamay kasama na doon ang mga malapit kong pinsan. Idagdag mo pang nagkakaroon lang ako ng kaclose o kakilala ay dahil sa mga kaibigan ko. Ako ang tinatawag nilang ‘Kaibigan ni ano’ na uri ng tao.

Likas kasi na friendly sila Ria tapos ako naman ay tahimik na talaga simula pagkabata. Maraming pagkakaiba ang mga pamilya namin pero kahit ganoon ay nagkakasundo parin kaming lima. Iyon nga lang ay mukhang sila nalang talaga ang makakasundo ko. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao sa paligid ko.Syempre matutuwa ako kung magkakaroon ako ng iba pang kaibigan ngunit palagi akong walang imik sa mga bagay e. Isa pa’y kung titingnan ay isa akong boring na nilalang na mas pipiliin magkulong sa kwarto sa buong buhay niya kesa magsaya.

Inikot ko ang tingin sa paligid. Nagsasalita parin ang prof sa unahan, karamihan sa mga kaklase ko ay nakikinig, mayroon din namang pinipilit lang ang sarili, inaakala na kapag nagpanggap silang nakikinig ay lubos na maiintindihan ang itinuturo. Agad akong nakaramdam ng hiya nang mapagtantong ako lang ata itong makapal ang mukha na magsight- seeing sa gitna ng klase kaya itinuon ko narin ang atensyon ko sa aming guro pero dagli rin itong nalipat sa isang papel na sinadyang idikit sa unahan, bandang itaas.

“Life is about choices” napataas ang aking kilay matapos basahin ang nakasulat doon.

Normal na may nakadikit na papel sa paligid nitong silid-aralan. Tulad ng papel na nakapukaw ng atensyon ko ay nakapaskil ang mga ito sa itaas na parte ngunit nakapagtatakhang ang lahat ng ito ay naglalaman ng nakalimbag na mukha ng isang inventor bukod sa isa.

Ipinagkibit balikat ko nalang iyon subalit imbis na ibalik ang nawaglit na atensyon sa guro ay mas pinili kong gawan ng kaligrapya sa likod ng aking kwaderno ang katagang nabasa.

‘Life Is About Choices’ basa ko rito.

Abala ako sa pag-iisip kung ano pa ang maaari kong idagdag para mas gumanda ang kaligrapyang ginawa nang may mag-abot sa’kin ng maliit na notebook mula sa likuran.

“Hi!” iyan ang nakasulat sa notebook.

Ano to? Very High School a. Uso parin ba talaga to sa college?

Kahit tahimik ako e ayoko namang masabihan ng snob kaya nagsulat ako ng maliit na question mark sa ilalim nung Hi sabay balik nito sa likuran. Wala pang dalawang minuto e may nag-abot nanaman nung notebook.

Seryosong seryoso ang prof sa pagtuturo kaya mukhang hindi niya napapansin ang pabalik-balik na notebook kaya pinatulan ko na ang kung anong trip ng nasa likod ko.

“I’m Aled”

“Nika”

“Nice name btw mahilig ka sa sweets?”

Sweets?

Maling hindi makinig sa prof kapag nagdidiscuss pero kanina ko pa naman iyon ginagawa, bakit hindi ko na sagarin?

Kasalanan ito ng boses ni Ma’am e, masyadong malamig.

“Oo, bakit?”

“Ayos! Graham balls gusto mo?”

“Talaga?”

Isang minuto.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lim—

Maya maya ay may nag-abot ng isang maliit na bilog na tupperware mula ulit sa likod. Sa pagkagulat ay napalingon ako sa pinanggalingan pero nakatingin kay Ma’am ang lalaki sa likod ko at kunyaring nakikinig kaya tiningnan ko ulit ang tupper. May laman itong sampung graham balls. Sa may takip naman ay may papel na ang nakasulat ay 50. Sigurado akong hindi iyon ang totoong presyo dahil halatang sinusug lang ang numerong 70 at pinagpilitang gawing 50 gamit ang ballpen.

Natapos ang huli kong klase na nakatitig lang ako sa tupper dahil hindi ko sigurado ang gagawin. Masyado kasing mabilis.

Ang alam ko lang ay tinanong ako ng lalaki sa likod ko kung gusto ko ng graham balls pagkatapos ay ibinigay naman niya at may pinagpilitang presyo pa. Anong klaseng business tactic yun?

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon