Kabanata 40

5 0 0
                                    

"Sigurado kang ayos ka lang dito?" huminga ako ng malalim.

Pang-ilang beses na ba niyang tanong iyon?

"Oo naman" ani ko at ngumiti. Nasa tapat na kami ng apartment ko, medyo madilim narin. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan kanina. Gaya ng nakagawian ay inihatid niya ako.

"Wala kang kasama ngayon dyan diba?" seryoso niyang tanong, tumango ako.

Lumipas na ang ilang minuto pero wala siyang ibang ginawa kundi ang pabalik-balik na tingnan ang apartment at ako kaya bahagya ko na siyang tinulak.

"Sige na, baka hinahanap ka na sa inyo" ani ko nang mapansing nag-aalinlangan siyang umalis.

"Saan ka nakatira?" medyo naguluhan ako sa tanong niyang iyon pero nagawa ko paring ituro ang apartment na katapat namin.

Nakalimutan niya agad?

Nang makita ang ginawa kong pagturo ay bahagya siyang natawa.

"Ang ibig kong sabihin ay iyong bahay niyo mismo, sabihin mo sa'kin doon kita ihahatid" paglilinaw niya.

"Wala kang kasama dyan sa apartment ngunit kahit papaano ay may kasama ka sa inyo, mas ligtas ka dun"

Oo nga pala, ang alam lang niya ay anak ako sa labas. Paano ko sasabihin sa kanya na wala akong kasama sa bahay? Na tulad lang iyon ng sitwasyon ko sa apartment?

"Okay lang ako dito, mas komportable" ani ko, nakangiti siya habang kinakausap ako kaya sinuklian ko rin iyon ng isa pang ngiti.

Bahagya siyang natigilan pagkatapos ay ngumuso at hinawakan ang pisnge ko. Noong una ay marahan pa ang pagkakahawak niya dito pero ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

"Alam mo, hindi mo kelangan magpilit ng ngiti kapag kasama mo ako" aniya habang hinihila pataas ang aking mga pisnge. Tinampal ko ang mga kamay niya para itigil ang ginagawa ngunit mas nasaktan ko lang ang sarili ko dahil doon. Sa huli ay natatawa niyang binitawan ang aking mukha pagkatapos ay sa balikat ko naman siya humawak. Magrereklamo palang ako nang bigla siyang magsalita.

"Minsan kasi Dimaano mas mabuting pagtuonan nalang natin ang mga positibong bagay para maging masaya"

Ano raw?

"Gusto kong mahalin mo ako pero mas solid kung mamahalin mo muna ang sarili mo" tinitigan niya ako sa mga mata, naguguluhan ako.Ano bang sinasabi niya?

"Pagbigyan mo ang sarili mo, magpatawad ka. May mga bagay na nangyari at hindi mo kasalanan ang lahat ng iyon"

Naalala ko ang lahat ng sinabi ko sa kanya nang makausap ko siya sa telepono habang lasing ako. Hindi ako sigurado kung hanggang saan ang naikwento ko ngunit malinaw sa'kin na wala siyang ibang ginawa kundi makinig hanggang dulo nang sinimulan kong magkwento. Ito na ba yun? Ang sagot niya?

"Hindi masama ang maging masaya Dimaano"

Natahimik ako.

"Sige, pasok ka na dumidilim na rin e" aniya at nagsimula ng tumalikod.

.........

Hindi masama ang maging masaya

Nagtalukbong ako ng kumot nang maalala ang mga nangyari. Magmula kay Daddy hanggang sa sinabi ni boy tindero. Kanina ko pa nga iniisip yung ginawa kong pag-amin tas dinagdagan pa talaga niya.

Pasado alas tres na ng madaling araw at heto ako, gising parin. Agad akong bumangon para kumuha sana ng libro  upang libangin ang sarili pero sa halip na libro ay ang sariling cellphone ko ang aking kinuha. Minsan ko lang itong gamitin, ang totoo'y nitong nakaraan lang napapadalas ang paggamit dahil palagi nga kaming magkausap ni boy tindero.

Hindi ako nausuhan maglagay ng games sa kahit na anong gadget kaya sa social media natuon ang aking pansin. Bahagya akong nabigla nang magsimulang dumating ang mga notifications mula sa aking facebook account matapos kong mag log in. Dahil nga madalang lang ako magbukas niyon kung kaya't marami talagang notifications. Hindi ko narin maalaala kung kailan ko iyon huling binuksan. Nakasanayan ko narin kasing libro ang hawakan palagi at hindi ang aking cellphone.

Pagbukas palang ay sari-saring friend request na ang nakita ko. Ilan na doon ay iyong kila Miles at mga kaklase namin kaya agad ko rin inaaccept. Kapag hindi ko naman kilala ay binubura ko na.

"Aled Francisco" basa ko sa huling friend request na nakita ko.

Matapos pindutin ang confirm ay binisita ko ang timeline niya. Suot niya ang isang simpleng puting t-shirt  sa kanyang profile picture ngunit kahit ganoon lang ay umani parin iyon ng mga papuri. Inaasahan ko naman na iyon sa dami niya ng kakilala. Purong tungkol sa mga paninda niya ang nakapost kaya bumalik nalang ako sa dp niya at nagbasa ng mga comments.

"AR lang malakas"

"Pogi pakiss"

"Engr. Francisco anakan mo ako"

"Boy magkano 'yang t-shirt?"

Sari-saring komento na tiyak kong galing sa mga kaibigan niya.

"Kulang sukli mo sa'kin kanina oy" comment ni Bryant na nagpangiti sa'kin. Halatang nang-aasar lang. Nireplayan iyon ng iba pang mga tao kasama na si boy tindero. Napapailing nalang ako. Ang dami niya talagang kaibigan.

Nanatili akong nakangiti habang nagbabasa ng mga comments sa profile picture niya nang isa sa mga iyon ang pumukaw sa atensyon ko.

"Akin lang 'yan, walang aagaw" komento iyon ng isang babaeng nagngangalang Monica Trinidad at gaya ng kay Bryant ay umani rin iyon ng reply sa iba. Walang sinabi si boy tindero bukod sa isang HAHA emoji. Agad nawala ang ngiti ko. Inupload ang picture na iyon dalawang linggo palang ang nakakaraan.

"Naks online!" basa ko sa mensaheng bigla nalang lumabas. Galing iyon kay boy tindero. Nagdadalawang isip pa ako kung magrereply ako sa kanya. Ilang minuto kong pinagmasdan ang kanyang mensahe.

"Dimaano?" mensahe niya ulit.

Inaantok na ako.

"Good morning,bye"  basa ko sa mensaheng itinype bago pindutin ang send. Sa huli ay napagdesisyunan kong magreply pero sa hindi malaman dahilan ay bigla akong inantok. Naglog-out na ako at inilayo ang hawak na cellphone bago ulit nagtalukbong.

Nakakapagod.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon