Kabanata 31

3 0 0
                                    

Kapag handa niyang gawin ang lahat mapasaya ka lang?

Nagbalik-tanaw ako sa sinabi ni boy tindero kanina noong kausap ko siya sa cellphone.

Gusto kong siguraduhin na masaya ka

Masaya ako kapag masaya ka

Handa akong gawin ang lahat marinig ko lang na tumawa ka

Hindi ko man makita ‘yang ngiti mo, mararamdaman ko naman.

Gusto niya ako? Totoo?

“Huwag mo isipin yun Nika, mararamdaman mo yun” dugsong ni Larel.

Sinimulan ko ng iligpit ang pinagkainan namin.

“Ganun ba iyon?”

Tumango siya.

“Edi ganoon ka pagdating sa taong gusto mo?”

Tama naman diba?

Sinabi niya na gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang taong gusto niya so ibig sabihin na ganoon din siya?

Ginulo niya ang buhok ko at pinilit nanaman akong ipagsiksikan sa kili-kili niya. Dahil nga sinisimulan ko ng hugasan ang mga plato ay basa na ang kamay ko.

Nakaisip ako ng kalokohan.

Habang pinagsisiksikan niya ako sa kili-kili niya ay binasa ko pa lalo ang kamay ko sa tubig na may mga hugasin. Pagkatapos ay hinilamos ko ito sa mukha niya.

Nakita ko kung paanong nabigla siya sa nangyari.

Ang dugyot noong ginawa ko pero natawa ako sa reaksyon niya. Sa huli ay nakitawa narin siya sa’kin at gumanti. Mukha kaming tangang binabasa ang mukha ng bawat isa.

Ang saya.
……….

“Nika kapag ako nagkapimples kasalanan mo”

Pinagmasdan ko lang siya. Agad din akong napaiwas tingin nang hubarin niya ang suot na t-shirt.

Tiningnan ko ang sariling damit, basang basa rin ako. Bago ko pa marinig ang atungal niya ay umakyat na ako sa ikalawang palapag para magbihis. Matapos ayusin ang sarili ay dumiretso muna ako sa kwarto ni lolo para kumuha ng damit para kay Larel. Malaki ang katawan ni Larel kaya’t hindi magkakasya ang mga damit ko. Mabuti na lamang at may ilan pang mga damit si lolo dito. Dali-dali akong bumalik sa kusina para ibigay ang damit. Nakita ko ang pagdaan ng apila sa mata niya pero kalaunan ay tinanggap din.

Hindi iyon akma sa kanya, alam ko, pero wala na siyang choice. Ito na ang pinakamaayos na nakita ko, masyadong pangmatanda ang iba.

Matapos tanggapin ay iniwan ko siya doon para kumuha ng basahan. Tahimik akong napabuntong hininga nang masdan ang buong kusina. Hindi ko natapos ang paghuhugas ng plato, bukod doon ay nagkalat pa ang tubig sa sahig. Basang basa ang paligid. Matapos kasi naming basain ang mukha ng bawat isa ay hindi pa kami nakuntento at parang mga batang naghabulan. Baso ang nagsilbing baril ng bawat isa at tubig ang kumatawan bilang bala nito. Tumigil lang kami nang maramdaman ang lamig dahil basa na ang aming pantaas na damit.

Ano ba kasing iniisip ko?

Bakit ako nakipagbasaan kay Larel?

Ngumuso ako, nasisiraan na ata ako ng ulo, hindi naman ako ganoon dati.

Natatawang lumapit si Larel sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ano nanaman ang nakakatawa? Kinuha niya ang basahan sa akin at nagsimulang linisin ang ginawa naming kalat. Lumapit nalang ako sa lababo para ipagpatuloy ang naudlot na paghuhugas ng plato.

Mukha namang kaya na niya ang magpunas ng sahig.

“Nika” pukaw niya sa atensiyon ko. Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa niya sinusundan iyon kaya lumingon ako.

Ang kaninang suot na damit ay isinampay niya sa isa sa mga bangko, akala mo’y matutuyo iyon. Pinasadahan ko siya ng tingin, tama nga ako, hindi akma sa kanya ang damit ni lolo, gayunpaman ay hindi iyon nakabawas sa natural niyang tikas. Itinigil niya ng bahagya ang pagpupunas bago ako hinarap.

May kakaiba.

Hindi ang damit na suot niya pero may kakaiba.

Punong-puno ng pinaghalong pagdadalawang-isip at determinasyon ang mga mata niya. Kinabahan ako, hindi na bago sa akin ang uri ng pagtingin na iyon, nakita ko na iyon dati, hindi sa kanya pero kay boy tindero.

“Wala” aniya matapos ang mahabang titigan. Tumawa siya ng malakas para pagtakpan ang nakakailang na sitwasyon namin kanina. Wala namang nakakailang pero ganun ang naramdaman ko. Ipinagpatuloy na niya ang pagpupunas at pinagtuonan ko naman ng pansin ang mga hugasin.

Maybe I’m just imagining things.

Tumunog ang cellphone niya, alam kong kanya iyon dahil ibang-iba iyon sa ringtone ko.

“Yes Dad, opo, kasama ko po” aniya sa kausap, iyon lang ang narinig ko bago siya lumayo at nagtungo sa salas. Natuyo na niya ang sahig kaya’t wala ng kaso sa akin kung umalis man siya.

Matapos maghugas ay pumunta narin ako sa salas, doon ko siya naabutan.

“Nika tara muna sa’min” wala na ang pagkailang na namagitan sa amin kanina.

“Bakit?” umupo ako sa sofa. Alas tres palang ng hapon, plano ko sanang tumulala nalang hanggang gumabi pero heto at inaaya niya ako sa kanila.

“Birthday ni Mommy” aniya tunog nagpapaalala. Napangiwi ako doon, I am not really good at remembering things especially an occasion. Palagi akong umaattend sa birthday ng mga kaibigan ko ganun rin kapag sa mga magulang nila pero palagi akong kailangan paalalahanan.

Tiningnan ko si Larel. Birthday ng Mommy niya pero nandito siya sa bahay namin, dapat ay kanina pa niya sinabi. Kung nandito sila Ruby ay paniguradong malakas na pagbatok ang matitikman niya.

“Magbibihis lang ako” tumayo ako.

“Kabibihis mo palang” paalala niya.

Oo nga pala. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili. Isang simpleng short at t-shirt na gray ang suot ko. Kadalasang hindi pormal ang mga birthday party dito sa amin, hindi rin ako sinabihan ni Larel na magsuot ng pormal na damit kaya paniguradong simpleng handaan lang iyon.

Gayunpaman ay dali-dali parin akong umakyat ulit sa ikalawang palapag. Dumiretso ako sa whole body mirror sa loob ng aking kwarto. Tinitigan ko ang sarili, hindi ko na kailangang mag-ayos or more like hindi ako mahilig mag-ayos. Dumampot ako ng suklay at ginamit ito upang maayos kong maipuyod sa isang ponytail ang aking buhok. Tuwid ito at itim na itim kaya’t hindi ako nahirapan. Natural na mapula ang maliit kong labi maging ang aking pisnge, matapos ang ilang segundong pagtitig doon ay bumaba na ako.

Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang hitsura ko kahit pagtali lang ng buhok ang ginawa ko.

Naabutan ko sa dulo ng hagdan si Larel, tinanguan ko siya.

“Tara na”

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon