Kabanata 21

4 0 0
                                    

Ikatlong linggo ngayon ng Nobyembre at wala pa ang mga kasamahan ko dito. Mamayang hapon pa sila darating. Wala ring dumating na unexpected visitor kaya tanghali na ako nagising. Tulad ng nakagawian ay nagpaiwan nalang ako dito sa apartment. Narealize ko kasi na nagsasayang lang ako ng pera pauwi gayung wala rin naman akong makakasama pag-uwi ko. Might as well stay here. Ilang beses din nasundan ang panggugulo ni boy tindero sa akin. Ilang weekends din akong maagang nagigising dahil sa pambubulabog niya maliban ngayong araw.

Baka busy.

Nakapagluto na ako, nakakain at naglinis ng apartment tapos narin akong maglaba. Bored na bored na ako. Ayoko namang mag-advance study, tinatamad ako. Dalawang linggo nalang at Christmas break na namin diretso na iyon hanggang New Year pero hindi tulad ng iba ay hindi manlang ako makaramdam ng tuwa.

Wala naman akong gagawin sa bahay e, mas mabuti pang mag-aral kesa umuwi.

Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Ang tahimik.

Niyakap ko ang mga paa ko na parang isang fetus at gumilong. Alam kong mukha akong tanga pero wala talaga akong magawa. Wala rin namang nakakakita kaya ayos lang.

Tumigil lang ako nang mahulog ako at mapasubsob ang mukha sa sahig. Napahawak ako dito, pati ang noo at balakang ko ay masakit din. Ilang minuto rin ang lumipas bago humupa ang sakit pagkatapos ay humiga ulit ako at inisip na ang kamang hinihigaan ko ay isang orasan at ako ang mga kamay nito kaya clockwise akong nagpaikot-ikot sa kama.

Ayoko ng gumilong. Baka mahulog ulit ako. Masakit.

Huminto lang ako nang mapagod. Napatingin ako sa bintana. Baliktad na ang pwesto ng pagkakahiga ko ngayon kung kaya’t ang bintana na nasa ulunan ng kama ko ay kitang kita ko ngayon. Maging ang dream catcher na regalo niya, ni boy tindero.

No, he has a name and his name is Aled.

Inalala ko naman ang mga ginawa namin. Magmula ng una niyang pagpunta dito hanggang sa mga sumunod. Sobrang unpredictable ng mga nangyari. Lahat ng ginagawa namin ay palagi nalang wala sa plano o napag-usapan.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hinawakan ko ang dream catcher.

Pati ang regalong ito ay sobrang unexpected.

Manang mana sa nagbigay.

Binitawan ko ito nang marinig ang pagtunog ng sarili kong cellphone. Senyales na may tumatawag. Nakapatong ito sa isang side table kaya agad akong lumapit dito para lang matigilan. Sa tabi ng side table ay may salamin. Tinitigan ko ang sarili.

Nakangiti ako.

Totoong ngiti.

Ilang segundo na ang lumipas pero nakatingin parin ako sa salamin.

Masaya ka ba?

Bakit ka masaya?

Namatay na ang tawag kaya natauhan agad ako at dinampot ang cellphone. Tumunog ulit ito, lumabas sa caller ID si Ria kaya sinagot ko agad ang tawag. Malamang ay siya rin ang tumatawag kanina.

“Kamusta ka na dyan?” pambungad niya.

“Okay lang naman ako, ikaw? Uhhh kayo?”

Malamang ay magkakasama sila ngayon.

“Nika malelate kami ng uwi!” dinig kong sigaw ni Eli sa background.

Bumalik ako sa may kama at humiga.

“Okay, sige ingat kayo”

Baka may gagawin pa silang importante.

“May order ako online ngayon dadating pwede ikaw muna magbayad?” boses naman ngayon ni Mavi ang narinig ko.

“Sige” ani ko at tumayo. Eksakto kasing may kumakatok sa labas.

“Andito na ata, magkano ba yun?”

Kinuha ko muna ang wallet ko bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa may salas dahil nandoon ang pinto palabas.

“Surprise!”

“HAHAHAHAHA”

“Anong itsura ‘yan?”

“Magsalita ka nga” 

Ibinaba ko ang sariling cellphone dahil nandito naman pala ang kausap ko.

“Hindi mo manlang ba kami namiss?” may halong pagtatampong sambit ni Ruby.

Ngumiti ako at niyakap siya. Kasama niya rin si Larel, ang kaibigan naming lalaki. Lumapit ako sa kanya at nakipag-apir.

“Kamusta? Mukhang hiyang ka dito a? Lalo kang gumaganda” ani niya at ipinagsiksikan ang mukha ko sa kili-kili niya. Tinampal ko naman siya dahil doon.

Noong high school namin nakilala itong si Larel. Transferee siya nung grade 8 at dahil nga likas na mahilig makipagkaibigan itong sila Eli ay agad  nila itong nilapitan. Hindi naman kami ganito kalapit sa isa’t isa noong una. Kilala ko lang siya bilang kaklase at isa sa mga kaibigan ng mga kaibigan ko. Palagi ko siyang nakikita o nakakasalubong sa school kasama ang iba pa niyang kaibigan maliban kila Eli pero tinitingnan ko lang siya. Kapag nginitian niya ako ay nginitian ko rin siya pabalik. Hanggang sa dumalas na ang paminsan-minsan niyang pagsama sa barkadahan namin kaya napalapit narin ako sa kanya.

“Ang baho mo” reklamo ko nang makawala sa kanya. Tumakbo rin ako palapit sa kusina para kausapin si Ruby. Nakita ko kasing doon siya pumunta at tama nga ako dahil naabutan ko silang dalawa ni Eli na nag-uusap doon. Malamang ay nasa kabilang kwarto pa si Ria at Mavi, inaayos siguro ang mga dala nilang gamit.

Napalingon naman silang dalawa nang pumasok ako.

“Wala ka ng pasok? Buti ka pa” ani ko kay Ruby at kumuha ng kutsara. May nakita akong baked macaroni sa lamesa na paniguradong pasalubong nila. Titikman ko lang, hindi naman sila magagalit.

“Oo, kaya dito muna ako ng 1 week para magkakasama tayo” aniya tumango naman ako at binuksan ang tupperware na naglalaman ng baked macaroni.

“Bakit 1 week lang? 2 weeks pa pasok namin e. Pwede ka naman dito kung hanggang kelan mo gusto para sabay narin tayong umuwi”

Mas nauna silang nagpasukan kaya mas nauna rin ang umpisa ng Christmas break nila Ruby at mas mahaba rin kumpara sa Christmas break namin. Halos two weeks at one month ang sa kanila samantalang isang buwan lang ang sa amin.

“Sinabi ko narin sa kanya ‘yan Nika pero hindi niya ata pinakinggan” ani Eli.

Tiningnan ko si Ruby at umiling naman siya.

“Aalis narin ako after a week pagkatapos kasi niyon ay babalik din ako agad ng Maynila kasama sila Mama. Doon daw muna kami sa tita ko, namimiss narin daw kasi kaming mga pamangkin niya. Doon daw kami magpapasko”

Taga-Maynila kasi talaga ang mama ni Ruby pero dahil ang naging asawa ay taga-probinsiya kaya sa probinsiya narin sila tumira.

“Okay” ani ko at ibinalik ang tingin sa baked mac. Bago palang ako susubo pero inagaw ni Larel sa akin ang kutsara at isinubo iyon. Sinundan pala ako ng isang ito.

“Sinabi mong mabaho ako kahit hindi naman kaya huwag kang kakain nito” aniya matapos lunukin ang inaasam kong baked mac.

Alam naman niyang biro lang nung sinabi ko iyon. Halatang inaasar lang ako. Hindi ko siya pinansin at nilingon si Ruby.

“Bakit kailangang kasama mo pa ang isang ‘to?” parehas silang sa Maynila nag-aaral magkaiba nga lang ng eskwelahan dahil sa isang Marine School pumapasok itong si Larel kaya sigurado akong magkasabay silang umuwi.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon