Kabanata 13

4 0 0
                                    

"Gusto ko sanang sumama kaso may date pa ako e" nakangiwing sabi ni Miles. Umirap naman si Gigi.

"Bukod tanging may date"

"May sinasabi ka bakla?"

"I need to go narin may gagawin pa ako e medyo important lang enjoy nalang kayo" pagpapaalam naman ni Gigi sa'min. Hindi pinapansin si Miles.

"KJ" pagpaparinig pa ni Bryant dun sa dalawa pero hindi siya pinansin ng mga ito. Sa halip ay nagpaunahan pa silang lumapit sa'kin at yumakap.

"Sorry talaga Nika a, mag-aaway kasi kami nung boyfie ko kapag hindi ko siya sinipot" Ani Miles.

"Ako rin, importante lang talaga" paghingi rin ng patawad ni Gigi.

Okay lang naman e.

Ngumiti ako, "Ayos lang naiintindihan ko"

"Ako yung nag-aya diba? Sa'kin kayo magsorry" paghihimutok ulit ni Bryant pero hindi siya pinansin nung dalawa at lumingon kay boy tindero na kanina pa kami pinapanood na apat.

Nakakapanibagong ang tahimik niya.

"Aled my loves di muna ako makakasama a? Bantayan niyong dalawa itong si Nika. Gagapangin ko talaga kayong dalawa ni Bryant kahit umaga kapag may nangyari dito" litanya ni Gigi kaya natawa kami.

Gagapangin kahit umaga? Ibang klase.
But still, concern sila sa'kin. Nakakataba ng puso.

"At ikaw namang Bryant ka! Kapal ng mukha mong iwan kami kanina a!" reklamo ni Miles. Tinutukoy ay yung pang-iiwan sa'min sa gitna ng pagrereview kanina. Napakamot naman sa ulo si Bryant.

"Bakit kapag si Aled pwede tapos kapag ako hindi?" bulong niya pero narinig namin. Inakbayan naman siya ni boy tindero at ngumisi.

"Ganito ang nagagawa naming mga gwapo pre"

Kapal ng mukha.

"Ulol Gago" natatawang sagot ni Bryant.

"Umalis na ang aalis at huwag ng babalik pa" dugsong pa niya, pinaparinggan sila Miles na mabilis namang umalis.

"So saan tayo?" nakangiting tanong ni Bryant sa aming dalawa ni boy tindero.

Pagkaalis namin sa clinic kanina ay dumiretso na kaagad kami nila Miles at Gigi sa room kung saan kami mag-eexam. Nang makadating kami roon ay nandun narin sila Bryant at boy tindero. Dahil nga natapos na namin itong Midterm Exam na ayon kay Bryant ay isang malaking achievement kaya kailangan naming magcelebrate pero hindi pwede si Miles at Gigi dahil may kani-kaniyang lakad kaya naiwan ako sa dalawang ito.

Byernes naman na ngayon kaya ayos lang talagang magpakasaya muna. Wala naman kaming pasok bukas.

"Ikaw nag-aya pre" simpleng sagot ni boy tindero. Busy nanaman sa pagsecellphone. Malamang isa nanaman sa mga customer niya.

"Bar gusto ko"

Sabay kaming napatingin ni boy tindero kay Bryant.

Ano raw?

Bar?

"C'mon guys hindi na tayo bata tsaka ngayon lang naman" pangungumbinsi ni Bryant nang tinitigan lang namin siya.

"Ano Nika payag ka naman diba?" tanong ni Bryant nang wala paring sumagot sa aming dalawa.

Mukhang may problema ang isang ito o baka naman trip niya lang talaga? Ewan.

Tumango nalang ako, nakita ko rin ang pag-iling ni boy tindero pero tumango parin ako kay Bryant. Senyales na pumapayag ako sa gusto niya.

Minsan lang naman.

Matapos magpalit ng damit sibilyan ay dumiretso na kami sa isang bar. Mabilis lang iyon dahil may mga dala ng extrang t-shirt sila Bryant at boy tindero kaya sinamahan lang nila ako sa apartment ko para magbihis. Nagt-shirt na white lang ako, sa baba naman ay ang aking blue high-waisted skinny jeans na pinaresan ko ng isang puting sapatos. Wala akong ideya sa kung anong dapat suotin. Isa pa'y dito ako komportable, sila Bryant nga ay nakaschool pants sa baba at t-shirt lang e. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok sa isang ponytail. Hinayaan ko lang din ang kwintas na palagi kong sinusuot sa leeg ko. Pagkarating ko rin sa apartment ay wala pa sila Eli kaya nagtext nalang ako sa kanila.

Pagkapasok palang ng bar ay nanibago na ako. Hindi ako sanay sa ganitong paligid, masyadong maingay pero tulad nga ng sabi kanina ni Bryant ay hindi na kami bata. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ang mga ganitong bagay. Ngayon lang naman e.

Pagkapwesto palang namin sa isang table ay umorder na agad ng alak si Bryant sinalinan niya muna ang baso namin ni boy tindero bago niya sinimulang uminom.

Nagkatinginan kami ni boy tindero. Napapagitnaan nila akong dalawa. Siya sa kanan at si Bryant sa kaliwa. Kanina pa siya tahimik. Halata rin sa mukha niya na hindi siya sang-ayon sa pag-inom namin. Uminom ako sa baso ko. Yung alak humahagod sa lalamunan. Mukhang nabigla pa siya nang makita akong uminom.

Umiinom ako sa mga family gatherings. Ngayon lang ako iinom sa labas kaya eenjoyin ko ito.

"Umiinom ka?" bulong niya sa'kin para mas marinig ko. Ang lakas kasi ng sounds. Tumango naman ako, obvious naman e. Tiningnan ko nalang si Bryant.

"Mukhang may problema" bigla naman siyang natawa.

"Wala pang kalahati bagsak na 'yan" pang-iinsulto niya pa kay Bryant e siya nga itong hindi umiinom. Hawak niya lang yung baso habang pinapanood si Bryant na nilalasing ang sarili. Hindi narin kami pinapansin dahil nasa alak na talaga ang atensiyon niya.

Mukhang may halong sumpa yung pang-iinsulto ni boy tindero dahil sa pang-anim na baso palang ni Bryant e nakatulog na agad siya. Ang nangyari tuloy ay halos isang oras lang kami sa loob pagkatapos ay umalis na. Nakaisang baso lang din ako ng alak dahil nga pinanood lang namin ni boy tindero si Bryant. Inaya pa niya akong bilangin kung makakailang baso si Bryant kaya talagang nanuod lang kami. Bawat lagok ni Bryant ay naglilista ako ng numero sa isip ko dahil akala ko nga ay makakarami siya.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon