Kabanata 2

9 0 0
                                    

“Kamusta naman ang first day of school?” Bungad sa akin ni Mavi pagkarating sa apartment na inupahan naming apat na magkakaibigan. Oo nga’t magkabilang bayan lang ang layo ng bahay at paaralan sa kolehiyo pero kung kukwentahin ay mas magastos mag-uwian kaya nag-apartment nalang kami. Isa pa’y mabilis akong mapagod at magkasakit, paniguradong hindi kakayanin ng katawan ko ang araw-araw na pagbyahe. Bagay na alam narin ng aking mga kaibigan kaya nagpapasalamat ako dahil mas pinili parin nila na samahan ako. Wala pa si Ria at Eli marahil may klase pa ang mga ito samantalang si Ruby naman ay itinuloy ang pangarap sa Maynila.

“Ayos lang, wala gaanong tinuro. Ikaw kamusta?” sagot ko naman habang inaayos ang mga gamit.

“Nakakapanibago pero ayos lang din. Masaya na may halong kaba. May pupuntahan ka pa ba mamaya?” tanong niya sa akin na nakapukaw ng atensyon ko.

“Wala naman, bakit?” pagtataka ko kung kaya’t napatingin ako rito.

Kasalukuyan itong nakatayo sa may pinto ng kwarto namin ni Eli. Dalawa kasi ang kwarto dito sa apartment kaya napagkasunduan namin na sila ni Ria dun sa kabila at kami naman ay dito.

Maganda si Mavi, mula sa may pagkakulot nitong buhok, makapal na kilay, mahahabang pilik mata, maliit pero matangos na ilong, labing kagaya ng korte ng pana ni kupido at kutis Pilipinang balat. Idagdag mo narin na sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinakamatangkad alinsunod si Ria kung kaya’t marami talaga ang nahuhumaling sa kaibigan niya. Bagay na mukhang hindi manlang binibigyan ng pansin ni Mavi.

“Gusto ko sanang lumabas kasama kayo. Nasabi ko narin sa dalawa ang plano ko at pumayag naman sila pero syempre kailangan din namin ng opinyon mo” paliwanag nito habang tinutukoy ang dalawa pa nilang kaibigan.

“Sige” payak kong sagot.

Ang totoo’y tinatamad akong lumabas  pero dahil aminado akong sa aming lima ay si Mavi ang madalang mag-aya kaya pumayag ako. Marahil ay iyon din ang dahilan ng dalawa pa niyang kaibigan kaya pumayag ang mga ito.

“Alas-syete tayo mamaya para masigurong nandito narin yung dalawa. Sa labas narin tayo kumain magpahinga ka muna”  sagot nito pagkatapos lumabas ng aking kwarto.

“Iyon! Ang ganda tingnan natin dali” ani Eli na may halong pagturo pa sa mga nakasabit na keychain.

Tapos na kaming kumain pero imbis na umuwi ay mas pinili namin maglakad-lakad muna at magtingin ng kung ano. Ang bayang ito kasi ang pinakasentro dito sa aming probinsya kung kaya’t marami talagang tindahan. Magmula sa palamuti, damit hanggang pagkain.

“Iyong medyo light pink na keychain ang cute” suhestyon naman ni Ria habang nagtitingin din ng mga keychain.

“Guys yung pera natin sakto lang pang-isang buwan” pagpapaalala ko na sinundan naman ng pangaral ni Mavi.

“At kung meron man e kailangan parin natin magtipid. Inaya ko kayong lumabas upang kumain hindi bumili ng kung ano! “ anito na may halo pang pag-irap. Halatang nababagot na sa ginagawa ng dalawa nilang kaibagan.

Lihim akong napangiti. May mga minsanang pagkakataon na lumalabas kaming magkakaibigan at palaging ganito ang nangyayari. Si Eli at Ria na hindi maalis sa pagtingin sa mga bagay at kaming tatlo nila Mavi at Ruby na magpapaalala sa dalawa na kailangan magtipid. Sayang nga lang at hindi namin kasama si Ruby.

“Tig-isa lang naman tayo tsaka ngayon lang naman” palusot ni Eli.

O ba’t pati kami kasali na sa bibili?

“Diba Ria?” at naghanap pa nga ng kakampi.

“Oo nga tsaka mura lang to”

“Woy Nika anong masasabi mo?” Tanong sa akin ni Mavi na may pagtaas pa ng kilay. Alam ko na galawan nito e.

Gusto ko sanang hayaan nalang sila pero alam kong magagalit si Mavi kaya no choice.

“Bilhin nalang natin after 1st sem para kunyari reward sa sarili. Ano sa tingin niyo?” kaswal kong sabi.

Pusta ko may magrereklamo.

“Ba’t naman after 1st sem pa? Antagal nun e. Tsaka para nga magkakatulad tayo ng keychain ayaw niyo nun?” si Ria.

“Para nga tipid. First day palang natin andami na agad gastos. Kaya nga tayo nag-aaral para maging successful diba? Pagkatapos yayaman tayo tas ayun! Tsaka natin bibilhin mga gusto natin” litanya na ni Mavi.

Kahit kelan talaga, ang praktikal nito.

“Nag-aaral tayo para may matutunan” pangontra naman ni Eli.

Ang mga ito talaga.

“Ganun narin iyon” palusot naman ni Mavi.

“Ako nalang magbabayad para walang away. Medyo malaki rin kasi yung paallowance nila Papa e” suhestyon ni Ria.

Palibhasa nag-iisang anak e pero syempre hindi ko tatanggihan yung grasya.

“Yun o! Sige” si Eli na may pagtaas ng kamay.

“Si Ruby din bili natin” si Mavi.

Akala ko ba ayaw ng isang to?

“Blue yung akin a. Basta parehas lang tayo ng design pero iba lang yung kulay” ako. Syempre libre e.

“Green sa’kin “ Ani Mavi.

“Say yes to yellow! “ Eli na ang ngiti e kita pati gilagid. Hindi naman halata na gusto niya talaga yung keychain.

“E yung kay Ruby?” tanong naman ni Ria.

Sabay-sabay kaming nagtitigan.

“Ano pa edi purple”

Simple lang ang itsura nung Keychain. Bilog na parang may mga fur, ewan ba’t ang cute parin.

“Ale yun pong ipinatabi namin?” tanong ng isang lalaki pagkapasok palang ng tindahan.

Katamtaman lang ang tangkad at laki ng katawan nito. Average Pinoy body ika nga ng ilan. May pagkamestiso at matangos ang ilong. Idagdag pang nakasuot ito ng black na T-shirt kaya kitang-kita talaga ang kaputian nito. Sa likod nito ay may dalawa pa siyang kasama. Isang matangkad na morenong lalaki na may suot na cap kaya hindi ko makita ang mukha, nakagray naman itong t-shirt at isang abala sa pagsecellphone na mas matangkad lang ng konti sa nauna. Mestiso rin ito at kasalukuyang nakaputing T-shirt. Hindi ganun kagwapo pero may dating.

Dali-dali namang kinuha ng tindera ang mga keychains sa harap namin. Kasama na ang limang dapat ay bibilhin namin.

“A ale yun pong pink, blue, purple, yellow at green bibilhin po sana namin” apila ni Ria sa tindera dahil parang hindi manlang kami nakita nito.

“Naku mga iha pasensya na, nakareserved na kasi lahat ng ito. Ayan o nakasulat sa may baba” paliwanag naman nito kaya’t pare-parehas kaming napatingin sa bandang baba ng pinagkakalagyan ng mga keychain. Tama yung tindera, may nakasulat nga.

“E ale wala namang nakasulat dyan kanina e” pagpipilit ni Mavi.

“Oo nga po, wala po talaga” paliwanag ko rin.

Hindi talaga namin nakita kanina. O baka masyado kaming nagfocus dun sa mga keychains kaya hindi na namin napansin na may nakasulat pala sa bandang baba ng lalagyan nito.

“Baka naman pwedeng sa’min niyo nalang ibenta yung lima. Marami naman ho ‘yan.” Pakiusap ni Eli. Gustong gusto niya talaga yung keychains.

“Kapag hindi pwede, awat na. Masasaktan ka lang e” biglang sabi nang lalaking nagsecellphone.

Nang-aasar ba to?

“Excuse me?” Ani Eli.

Nakow. Mukhang naasar. May pagkapikonin pa naman ang isang to.

“Bakit Miss? Dadaan ka? Anlawak o” sagot ulit nung lalaki habang nakaturo sa malawak na espasyo ng sahig. Ngiting aso na ito. Mukhang nalipat na ang atensyon kay Eli.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon