Kabanata 44

6 0 0
                                    

Ika-31 ng Disyembre. Nakalabas na si Daddy sa ospital. Kanina lang ay dumating na rin si Kuya Theron. Gaya ni Kuya Thiago ay mabait din siya. Marami kaming napagkwentuhan.

"Bunso, tikman mo 'to o masarap!" dinig kong sigaw ni Kuya Thiago mula sa kusina. Katatapos ko lang kasing makausap ang mga kaibigan ko kaya't nandito ako sa kwarto. Kakatwang may nakahanda ng kwarto para sa'kin dito sa mismong bahay nila na ayon sa kanila ay bahay ko na rin. Bukod doon ay naging instant bunso ako. Hindi nagkulang si Lolo sa pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Gayunpaman ay iba rin ang pagmamahal na natatanggap ko kila Daddy. Wala na ang pakiramdam na parang may kulang. Hindi ako nag-iisa ngayon at aaminin kong walang katumbas na salita ang sayang nararamdaman ko. Nakausap ko na ang lahat ng taong importante para sa'kin. Masasabi kong kompleto na ang lahat. Ang kulang nalang ay ang iniintay kong tawag ng isang tao.

"Bunso tikman mo!" sigaw ulit ni Kuya Thiago. Kung pagkokomparahin sila ni Kuya Theron ay di hamak na madaldal ang nauna. Tiningnan ko muli ang hawak na cellphone, umaasang dumating na ang hinihintay kong tawag ngunit nang makitang wala pa ay isinilid ko narin ito sa bulsa.

Baka marami siyang ginagawa. Panigurado namang tatawag ang isang yun.

"Alin?" tanong ko kay Kuya Thiago pagpasok palang ng kusina.

"Ito o buko salad" ani nito habang pinapapak ang ipinagmamalaki niyang buko salad. Mukhang pareho rin kaming mahilig sa matamis.

"Woy Thiago bagong taon hindi bagong sakit. Magkakadiabetes ka niyan" sermon ni Kuya Theron na ikinatawa ko.

Si Kuya Theron ang panganay sa'min. Medyo strikto siya at hindi happy go lucky tulad ni Kuya Thiago but I understand him. Gaya niya ay hindi rin ako ganun kasing jolly ni Kuya Thiago.

"Says by the man who already ate half of the cake. Walang cake sa barko bro? " asik pabalik ni Kuya Thiago.

Mas matanda sila sa'kin pero kung makisama sila ay parang magkasing edad lang kami.

Kanina pa kami tapos maghanda. Inaayos nalang namin ang mga pagkain. Iyon nga lang ay may bawas na ang karamihan sa mga ito higit lalo ang matatamis na pagkain dahil kinakain nila Kuya pagkatapos ay sisisihin ang isa't-isa. Si Daddy naman ay sinabihan naming magpahinga muna at tatawagin nalang namin kapag malapit ng mag12 midnight. Mahirap na, kagagaling niya lang sa ospital. Mabuti na yung nag-iingat. Kaya naman naming tatlo na mag-ayos dito.

"Tsk bumili nalang tayo ng bagong cake" sagot ni Kuya Theron.

"Huwag na Kuya, malapit ng mag-alas dose e. Okay lang 'yan" ani ko na sinang-ayunan ni Kuya Thiago.

Isa pa'y kararating niya lang kanina. Nagpahinga lang siya saglit pagkatapos ay nakihalubilo at tumulong na sa amin kanina.

Nang mag-aalas dose na ay tinawag na namin si Daddy. Apat lang kami pero ramdam parin namin ang saya. Marami kaming ginawa. Nagkwentuhan, asaran at kung ano-ano pa. Napag-usapan din namin ang aming mga pangarap. Isa ng ganap na Marine Engineer si Kuya Theron gaya ni Daddy kaya't kinukutya siya ni Kuya Thiago na sana naman daw ay sa susunod na pagsakay ni Kuya ng barko ay may ipakilala na siyang babae sa amin pag-uwi dahil kung wala ay huwag nalang daw itong bumalik! Ayun tuloy at nasapok siya ni Kuya Theron ng wala sa oras. Kami naman ni Daddy ay tawa lang ng tawa.

Matapos ng pang-iinis ni Kuya Thiago sa aming panganay ay sa kanya napunta ang usapan. Dalawang taon lang ang pagitan ng dalawa kong kuya.Nakatapos narin ng pag-aaral sa kolehiyo si Kuya Thiago, BS Accountancy ang kinuha niya ngunit hindi gaya ng aming panganay na nagtrabaho agad ay mas gusto raw muna niyang tumambay. Ayaw niya raw mastress at isa pa'y hindi pa naman daw sila naghihirap kaya okay lang iyon dahilan kung kaya't pati si Daddy ay binatukan na siya.

"Dad ba't palaging ako? Sinasabi ko lang naman yung opinyon ko a!" reklamo ni Kuya Thiago.

"Anong ipapakain mo sa nobya mo kapag nagkataon? Puro ka kahambugan dyan. Pinagbibigyan lang kita dahil ang sabi mo ay gusto mo ng pahinga ngunit hindi iyon dahilan para maging tamad ka na! " litanya ni Daddy.

Kung si Kuya Theron ay walang nobya, si Kuya Thiago naman ay meron. Ayon pa sa aking kuya, ito raw ay dahil mas gwapo siya kumpara sa aming panganay. Ipinakilala niya narin ako kanina dito sa pamamagitan ng video call. Nagdaraos kasi ito ng bagong taon kasama ang sariling pamilya.

"Ba't ako lang? Si bunso nga may boyfriend na tapos hindi pa sinasabi sa inyo e!" depensa ni Kuya Thiago kaya nasamid ako bagama't wala naman akong kinakain o iniinom.

Sandaling katahimikan ang namayani bago nagsalita si Daddy at Kuya Theron.

"Sino?" sabay nilang sabi.

Nagpanggap akong  walang naririnig at sinimulang lantakin ang ubeng nasa hapag. Hindi ko alam kung anong meron sa'min ni Francisco. Kami na ba? Siguro? Ang sabi niya ay mahal niya ako at alam kong ganun narin ang nararamdaman ko. Siguro ay lilinawin ko sa kanya kung ano ba talaga kami pagkatapos nitong bagong taon. Mas gusto ko kung personal namin iyong pag-uusapan kasi kung tatanungin niya ako ay pumapayag ako. Gusto kong maging nobya niya. Gustong gusto.

"Bunso, huwag mong itanggi. Iyon yung kasama mo sa ospital noon diba? Umamin ka." giit ni Kuya Thiago. Halatang sinasadya na sa aking ibaling ang atensyon ni Kuya at Daddy dahil nasesermunan na siya kanina.

Binalewala ko ang sinasabi ng aking kuya at nagpatuloy parin sa pagbingi-bingihan. Mahirap umamin kung walang kasiguraduhan subalit alam kong kailangan ko parin magsalita dahil kanina pa ako seryosong tinititigan ng aming panganay at ni Daddy.

Nilunok ko muna ang nginunguya bago nagsalita.

"Importante siya sa'kin" nahihiya kong sabi. Ganito pala iyong pakiramdam. I want to be open to them pero nakakahiya parin palang aminin sa kanila na may nagugustuhan ako. Lalo pa't mukhang naunahan ko pa ang dalawa kong kuya sa ganoong bagay.

"Ganoon talaga, maganda kapatid ko e" nakangising sambit ni Kuya Theron habang tinatapik ang balikat ni Daddy. Maging si Kuya Thiago ay lumapit din kay Daddy at ginaya ang ginagawa ng aming kuya.

"Lahing Dimaano yata 'yan" nagmamalaking sabi niya na nakangisi rin. Wala ng nagawa si Daddy kung hindi ang humugot ng malalim na paghinga bago nagsalita.

"I want to meet him. Dalhin mo siya dito. Gusto kong pormal na makilala" ani Daddy na mas nagpalawak sa ngisi ng aking mga Kuya.

Should I consider that as a problem or what? Hindi ko alam kung papayag si Francisco.

"Bunso" sabay-sabay nilang sabi. Hinihintay ang aking reaksyon.

Bahala na nga.

"Opo" sagot ko kasabay ng pagtango.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon