Kabanata 28

3 0 0
                                    

“Wala ka talagang ibang plano?”

Nilingon ko siya saglit.

“Wala”

Bumuntong hininga siya.

“Labas tayo?”

Umiling ako.
Busy ako sa pagdedecorate nitong Christmas tree.

“Kinukulong mo ang sarili mo dito sa bahay Nika”

Dinampot ko ang Christmas ball na kulay pula.

Hindi naman sa ikinukulong ko ang sarili ko. Kahit naman lumabas ako ay wala parin akong gagawin, sasakit lang ang paa ko.

“Tara sa ilog” pamimilit niya sa kabila ng hindi ko pagpansin, tinutukoy ang malapit na ilog dito sa amin na ilang lakaran lang ang layo. Palagi namin iyong pinupuntahan nila Ria noon tuwing sabado higit lalo kapag tag-init.

Humarang siya sa harapan ko.

“May ginagawa ako Larel” ani ko, bahagya siyang itinulak.

Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko kanina habang abala ako dito sa Christmas tree. Kung bakit ngayon lang siya nagparamdam ay hindi ko alam.

“Makakapaghintay naman ‘yan” tiningnan ko siya.

Ganyan siya e, basta may gusto siyang gawin ay ipipilit niya talaga. Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga Christmas balls. Ilang minuto lang ang lumipas ay mukhang narealize na niyang walang mangyayari sa pamimilit niya. Akala ko ay aalis na siya pero imbis na dumiretso sa may pinto ay lumapit siya sa isang box na naglalaman ng mga mini angels. Kinuha niya ito at lumapit sa akin. Tiningnan ko siya, nginitian niya naman ako pabalik.

“Ako na dito” aniya at sinimulang isabit ang mga mini angels sa Christmas tree.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa. Wala si Ruby maging si Eli, Mavi at Ria kaya malamang ay ako talaga ang kukulitin niya. Marahil ay bored na siya sa bahay nila kaya dito siya pumunta.

Tiningnan ko siya ulit. Seryosong seryoso sa ginagawa.

“Bakit dito ka nanggugulo?”

Kumpara sa’kin ay di hamak naman na mas marami siyang kaibigan na pwede niyang puntahan anumang oras.

“Tinutulungan kita Nika hindi ginugulo” pagtatama niya, hindi niya ako tiningnan pero kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

Hindi siya dapat nagtitiis sa’kin.

“Kung gusto mo talaga magpunta sa ilog ay pwede mo naman ayain sila Miel”

Ang tinutukoy ko ay ang lalaking kaklase namin dati na alam kong naging kaibigan din ni Larel. Hindi kami close pero nakikita ko siyang kasama ni Larel madalas. Dito rin siya nakatira sa lugar namin.

“Aayain ko sila Miel tapos sasama ka?” umiling naman ako sa sinabi niyang iyon.

Ayoko nga, panigurado ay purong lalaki ang makakasama ko. Hindi sa wala akong tiwala, wala namang problema iyon dahil kasama ko naman si Larel, hindi ko lang talaga sila kaclose paniguradong maoOP lang ako.

“Edi dito lang ako”  sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin. Aalis naman siya kung kelan niya gusto. Mahilig sa mga thrilling na bagay si Larel at sigurado akong mamaya lang ay maiinip na siya sa ginagawa niya.

It’s not his thing to begin with.

Tama nga ang hinala ko. Hindi pa man niya nailalagay lahat ng mini angels sa Christmas tree ay umalis na siya. Hindi siya nagpaalam at hindi niya rin sinabi kung saan siya pupunta. Hindi narin ako nag-abala na sundan siya ng tingin. Sa umpisa palang naman ay alam ko ng hindi siya mag-eenjoy sa pagdedecorate.

Siguro ay sinunod niya ang sinabi ko na puntahan si Miel at iyon ang ayain na magpunta sa ilog.

Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko hanggang sa matapos. Nilinis ko muna ang mga nagkalat na box na nagsilbing tabihan ng mga ginamit kong palamuti bago pinagmasdan ang ginawa kong Christmas tree.

Hindi narin masama.

Diba Lolo?

“Baka naman matunaw iyan dahil sa titig mo” napalingon ako sa nagsalita, si Larel.

Umalis siya pero bumalik ulit. Dumiretso siya sa kusina dala ang isang medyo malaking plastic kaya sumunod ako. Naabutan ko siyang naglalagay ng plato sa lamesa.

“Kain na tayo” pag-aya niya habang inilalabas ang dalawang may katamtaman na laking tupperware mula sa plastic.

Ang isa ay kanin ang laman at ang isa naman ay ulam. Napakunot ang noo ko.

Umalis siya para kumuha ng pagkain?

Hindi marunong magluto si Larel kaya sigurado ako na kinuha niya pa ang mga pagkain sa bahay nila. Imposible naman na binili niya iyon dahil sa tupper ito nakalagay.

Tiningnan ko siya.

Pwede namang sa kanila na siya kumain. Ano nalang ang mararamdaman ng mga magulang niya kapag nalaman nilang mas pinili ng anak nila na kumain sa bahay ng kaibigan kesa sarili nilang bahay?

Idagdag mo pang medyo malayo ang bahay nila sa bahay namin.

“Upo ka na Nika. Kain na tayo” alok niya matapos ayusin ang mga pagkain. Lumapit ako at umupo sa tapat niya.

Nagsimula na siyang magsandok ng pagkain. Nanatili naman sa kanya ang tingin ko.

“May sarili kang bahay bakit dito ka kumakain?” nilingon niya ako saglit.

“Trip ko lang” walang buhay ko siyang tiningnan.

“Baka magalit mga magulang mo” pahayag ko. Natawa naman siya.

“Bakit naman sila magagalit?” nakangisi niyang tanong.

Bakit?

“Nagdala ka ng pagkain sa ibang bahay. Pagkain na dapat ay kinakain mo ngayon kasama sila” paliwanag ko.

Dinala lang naman niya ang pananghalian nila dito. Base sa nakikita ko ngayon ay mukhang lahat ng dapat kakainin nila ngayon ay nandito. May nakita rin akong Leche flan sa mga dala niya.

Napangiwi ako.

Ano nalang ang kakainin ng mga kasama niya sa bahay?

“Pinaluto ko talaga ‘to para sayo” sambit niya, uminom muna siya ng tubig bago ulit nagsalita.

“Kapag nandito ka ay palagi mong napapabayaan ang sarili mo Nika. Hindi ko alam, wala ka namang mabigat na pinagkakaabalahan pero nakakalimutan mong alagaan ang sarili mo kapag nandito ka sa bahay niyo”

Sumubo narin ako.

Ganun ba iyon?

Hindi ko naman napapansin.

Basta ang gusto ko lang ay palagi akong may ginagawa kapag nandito ako.

“Sabihin mo nga, nag-almusal ka manlang ba bago mo sinimulang asikasuhin iyong Christmas tree?” alam na niya ang sagot sa tanong na iyon pero umiling parin ako.

Hindi.

Tinatamad akong kumain kapag umaga, kapag tanghali naman ay kalimitang instant food lang ang kinakain ko. Hindi ko gaanong binibigyan ng pansin iyon dahil bumabawi naman ako ng kain kapag gabi.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon