Kabanata 22

4 0 0
                                    

“Hindi mo man lang ba ako namiss? Nakakasakit ka ng damdamin”

Humagikhik naman sila Eli.

“Ewan dyan, sumama nalang bigla e” paliwanag ni Ruby.

Kumuha ulit ako ng bagong kutsara at sumandok ng baked mac.

“Sa sofa ako matutulog huwag na huwag kayong magkakamaling gapangin ako” ani Larel pero hindi manlang namin siya pinansin. Tinikman ko yung baked mac.

Hmmm ansarap.

“Ayusin ko lang gamit ko guys bye muna” sambit ni Ruby. Sumunod din si Eli para ipaalala sa iba pa na kailangan naming maggrocery mamaya. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit dito siya sa kusina dumiretso kanina. Para siguro tingnan kung ano ang mga kailangan naming bilhin mamaya. Pagdating sa mga ganung bagay ay responsible talaga si Eli. Maituturing siyang nanay ng barkadahan namin.

“Woy Nika”

Napatingin naman ako sa katabi kong nilalantakan itong baked mac kagaya ko.

“Yung Daddy mo bumisita sa bahay namin last week”

Ipinagpatuloy ko ang pagkain.

“Kinakamusta ka sa’kin”

Tumango lang ako.

“Tumatanda narin si tito Nika. Huwag mo namang hayaan na kainin ka niyang galit mo” seryoso niyang sabi.

His dad and mine are friends. They are both seaman kaya nagkakasundo talaga sila. Nalaman ko lang iyon nang  minsang magpunta kami sa bahay nila Larel para sana doon tumambay. Ipinakilala kami ni Larel sa Mommy at Daddy niya na nagkataong kabababa lang sa barko noon. Kilala raw ako nito dahil palagi raw akong naikukwento ni Daddy sa kanya. Magkasama raw sila simula marine school hanggang magkatrabaho. Natuwa pa si Larel noong malaman na anak pala ako ng ninong niya. Hindi niya raw inaasahan iyon, ako rin naman.

Maraming bagay pa akong hindi alam sa sarili kong ama,ganun kalayo ang loob ko sa kanya.

“Sabihin mo nga kailan kayo huling nagkita?” humarap siya sa’kin at tiningnan ako ng seryoso.

Napayuko ako.

“Nung Christmas”

Binisita niya ako nun, pinuntahan sa bahay.

“Magpapasko na ulit Nika”

Napahugot ako ng hininga.

Alam ko naman e. Alam kong mali ang ginagawa ko. Alam kong hindi ito tama. Palagi siyang nagtetext at tumatawag pero kahit isa doon ay wala akong sinagot.

Pero wala ba akong karapatan na magalit?

Pinabayaan niya ako!

Siya ang dahilan kung bakit sirang-sira ang buhay ko!

Ayoko lang ng dagdag problema.

Umayos ako ng upo at hinarap si Larel.

“Busy ako, pasensya na”

……..

“Larel ambagal mo!”

“Teka lang naman Ria, hindi niyo ako utusan!”

Natawa naman kami.

Kasalukuyan kaming nasa grocery store na anim. Dahil nga ubos na talaga ang mga pagkain namin sa ref ay kailangan na namin ulit bumili.
Syempre si Larel ang tagatulak ng cart at kaming apat naman ang tagadampot. Tapos na kaming bumili ng mga pangunahing pangangailangan mas marami rin ito kumpara sa binibili namin dati dahil nga isang linggo sa’min sila Ruby at Larel.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon