Kabanata 16

4 0 0
                                    

“Bakit hindi ka ba masaya?” seryoso kong tanong. Ngumisi naman siya at tumingin sa langit.

“Anong masasabi mo sa mga bituin?” tumingala din ako.

Maliwanag ngayon ang kalangitan. Ang daming bituin na nagniningning.

“Hindi mo naman sinagot ‘yung tanong ko” nilingon ko siya, nakatingin parin sa langit pero ngayon ay seryoso na. Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang mukha niya higit lalo ang matangos niyang ilong.

Napangiti ako.

Grabe

Ang pangit niya.

Paano ba naman ay nakakadistract yung ayos niya!

“Masaya ako” Ani niya at lumingon sa akin. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa langit.

“Ang ganda ano?” maya’y sabi niya ulit. Tumango naman ako habang nakatingin parin sa kalangitan. Itinaas ko ang kamay ko at itinapat sa langit sabay kuyom. Akala mo’y naabot ko ang mga bituin.

Naalala ko ang mga sinabi ni Lola Nene kanina. Ang totoo’y hindi naman sila nawala sa isip ko.

Wala ang mga magulang niya sa tabi niya.

Siya narin ang bumubuhay sa Lola at kapatid niya sa ina.

Alam kong takot maiwan mag-isa ang batang iyon, kahit hindi niya sabihin.

“Magningning ka lang, magpatuloy, madilim man ang paligid. Alam kong kaya mo, kakayanin mo.” Seryoso kong sabi at nilingon narin siya.

Nagkatitigan kami.

“Hindi ka nag-iisa”

Ang cute nung hairclip sa ulo niya.

“Iyon ang masasabi ko sa mga bituin”

Iyon ang gusto kong sabihin sa’yo.

Nahinto lang kami sa pagtititigan nang may jeep na dumating. Pinauna niya akong makasampa, pumwesto ako sa kaliwang dulo. Dahil nga punuan ay sa kanang dulo siya umupo. Katapatan ko siya pero matapos bumaba ng isang pasahero sa hanay namin ay pinausog niya ang katabi kong lalaki at ipinagsiksikan ang sarili sa tabi ko.

May ilang nagreklamo pero hindi niya manlang pinansin. Wala rin siyang sinabi sa’kin, ngumiti lang siya at tumingin nalang sa labas.

“Paalam na, huwag kang mag-alala ako na ang bahala kay Bryant” Ani niya at nginitian ako.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng apartment ko. Alas onse narin ng gabi.

“Baka gusto mo munang magkape?” alok ko pambawi narin sana sa pahapunan.

“Hindi na, sa susunod nalang siguro” tanggi niya na tinanguan ko naman.

Ayoko naman mamilit.

“Sige, goodnight. Ingat pag-uwi”

“Goodnight Dimaano” ani niya at umalis na. Pumasok narin ako sa apartment at dumiretso sa kwarto. Naglinis ng katawan at nagdamit pantulog bago humiga. Inalala ko ang mga ginawa ko ngayong araw.

“Ang daming nangyari” sambit ko sa sarili bago hilahin ng antok.

……..

“Saan mga kasama mo?” nakangiti niyang tanong at pinagmasdan ang loob nitong apartment. Masama ko naman siyang tiningnan.

Hindi ako natutuwa.

“Umagang umaga ganyan ang hilatsa ng mukha mo” Ani niya at iniabot sa akin ang hawak niyang pandesal.

“Ano na Dimaano? Asan mga kasama mo?” pagpipilit ni boy tindero. Napabuntong hininga ako at kumain nalang ng pandesal.

Hindi lang pala siya kapag umaga nagtitinda, tuwing madaling araw din kapag weekends ay nagtitinda siya ng pandesal. Kanina ko lang nalaman nang walang humpay siyang kumatok sa apartment.

Naistorbo ako sa pagtulog kaya nakakairita. Mag-aalasais palang ng umaga nang magising ako dahil sa ingay na ginagawa niya. Ang plano ko pa naman ay mga alas dyes na ako gigising!

“Huwag mo naman ipahalatang ayaw mong nandito ako. Magpakaplastic ka naman kahit minsan, nakakasakit ka ng damdamin” pag-iinarte pa niya. Lihim akong napairap.

“Pagkatapos mo akong alukin magkape ay ganyan naman ang ipapakita mo. Grabe ka Dimaano”

“Kagabi kita inaya Francisco, hindi ngayon” napangisi naman siya.

Katapatan ko siya ngayon kaya kitang kita ko talaga ang mukha niya. Wala narin ang make-up niya kagabi kaya wala na akong dahilan para matawa.

Nakakaasar.

Mukhang natutuwa pa siya sa itsura ko ngayon. Nakapantulog parin ako at sinuklay lang ang buhok ko gamit ang aking kamay.

Sabado ngayon kaya wala ang mga kaibigan ko. Kahapon, after class pa sila umalis pauwi sa kanilang sariling bahay. Tuwing byernes kami ng gabi umaalis sa apartment at sabay-sabay na umuuwi sa sariling mga bahay pero dahil nga nag-aya si Bryant kahapon ay tinext ko silang umuwi na kahit wala ako. Napagdesisyunan ko ring hindi muna umuwi ngayong linggo, wala rin naman akong makakasama sa bahay. Wala iyong pinagkaiba kapag mag-isa ako dito sa apartment.

“Nice Francisco ang sarap pakinggan” pang-aasar niya pa ulit bago dahan-dahang sumubo ng fried rice at hotdog na pilit niya pang ipinaprito sa’kin kanina. Sinadya niya ring bagalan ang pag-nguya at maarteng tinakpan ang bibig habang nakatingin sa’kin.

“Hmmm hindi siya masarap” ani niya pagkalunok.

Hindi raw masarap pero nakakadalawang plato na.

Napailing nalang ako.

“Si Bryant kamusta?” tanong ko sa kaniya.

Sa kanila natulog ang isang iyon kaya malamang alam niya.

“Ako yung nandito pero iba yung hinahanap grabe ka talaga” pagdadrama nanaman niya.

“Umayos ka nga!”

Si Bryant yung nalasing kaya malamang ay kakamustahin ko talaga yung tao.

“Chill Dimaano okay lang yung gago, mahimbing paring natutulog dun sa kwarto ko” ani niya.

Kung hindi pa pagtataasan ng boses hindi pa sasagot.

“High blood kaagad e” bulong niya pero narinig ko naman.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang.

“May gagawin ka ngayong araw?” maya’y tanong niya.

“Matutulog” ani ko bago ulit sumubo.

Iyon naman talaga e.

“Batugan” pang-iinsulto niya.

Ako batugan? Hindi kaya!

“Puyat ako”

“Ako rin”

Ibinaba ko ang hawak na kubyertos at nakipagtitigan sa kaniya, ganun din siya. Mga limang minuto kaming nagmukhang tanga dun na nagpapaligsahan ng tingin bago niya itinaas ang dalawang kamay, senyales na sumusuko na.

“Gusto mong lumabas?”

Tapos na kaming kumain kaya hinuhugasan ko na ang mga platong ginamit nang tanungin niya ako.

“Ikaw nalang muna naghuhugas pa ako ng plato e” seryoso kong sabi na tinawanan niya pero hindi ko nalang pinansin.

Araw-araw naman ata siyang masaya. Kahit walang nakakatawa ay tumatawa.

“Andun ‘yung pinto palabas o” hininto ko pa saglit ang paghuhugas para ituro sa kaniya ang pinto palabas. Nasa kusina kami ngayon kaya baka nakalimutan niya kung saan siya pumasok kanina. Minsan kasi ay ganun din ako, bulok pagdating sa direksiyon. Nakakalimutan ko kaagad kung saan ako dumaan papunta sa hindi pamilyar na lugar kaya nahihirapan ako kapag pabalik na.

“Ang ibig kong sabihin ay kung gusto mong gumala” natatawa parin niyang sabi. Napakamot naman ako sa ulo nang maintindihan ang sinasabi niya.

Nahihiya akong tumango.

Kulang nga ako sa tulog.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon