Kabanata 32

4 0 0
                                    

"Bakit ka huminto?" naguguluhang tanong ni Larel.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila, mula dito ay kitang-kita ang mga bisita na karamihan ay kapitbahay nila.

Napakamot ako sa ulo. Palagi kong kasama sila Eli kung kaya't ang mga simpleng bagay na nararapat kong gawin sa ganitong sitwasyon ay hindi ko nalilimutan pero ngayong nasa malayo sila ay lumalabas ang katotohanan na masyado akong dumepende sa kanila.

Bulok talaga ako sa pakikipagkapwa tao.

"Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Larel.

Tiningnan ko muna ang natatanaw kong mga bisita bago sumagot.

"Wala akong regalo" ngumuso ako nang tumawa ng malakas si Larel. Nakaagaw siya ng atensiyon dahil doon. Nang mapansin na hindi lang ako ang nakatingin sa kanya ay agad siyang tumigil, isang malaking ngisi ang naiwan sa bibig niya.

Lumapit siya sa akin at pinagpilitan nanaman akong isiksik sa kili-kili niya. Palagi niya iyong ginagawa at tulad ng dati ay wala parin akong kawala. Tinampal ko ang braso niya para bitiwan ako pero hindi niya iyon ginawa bagkus ay dinala niya ako sa bahay nila nang ganoon ang pwesto namin.

Mariin akong napapikit dahil doon. Paniguradong nakakuha nanaman kami ng atensyon, bagay na ayaw kong mangyari. Dire-diretso hanggang  makapasok ng bahay ay nakasiksik ako sa kili-kili niya binitiwan niya lang ako nang nasa tapat na kami ng Mommy niya. Noong una ay naguguluhan pa ito sa nangyayari pero nang makita ang mukha ko ay nakataas ang kilay nalang itong umiling bago pinagsabihan ang anak.

"Hindi ganyan ang tamang pagdadala ng babae sa loob ng bahay natin Larel" pangaral ni Tita Lara, Mommy ni Larel.

Ikinibit ni Larel ang balikat at ngumiti. Kapag pinaglapit ang dalawa ay hindi mo maiisip na mag-ina sila lalo pa ngayon na nakasuot ng isang kulay rosas na floral dress si Tita Lara. Malayo ang hitsura nila sa isa't, tanging ang pagiging mestisa lang ni tita ang namana ni Larel. Ang tikas ng katawan at mukha ay masasabi kong namana niya lahat sa ama niya.

Hindi lingid sa barkada ang pagiging mapagkontrol ng ina ni Larel sa kanya, palagi niya iyong inirereklamo sa amin pero kahit ganoon ay mas pinipili parin niyang unawain ang ina at pakisamahan ito ng maayos, tulad nalang ngayon.

"Hindi ba't sinabi ko na samahan mo ang Daddy mong asikasuhin ang mga bisita niya?" asik nito sa anak, binabalewala ang presensya ko. Mababa ang boses nito pero may halong diin. Marahil ay ayaw niyang marinig siya ng ibang bisita. Tanging ang mga kakwentuhan ng kanyang ina na nandito sa loob ng salas at ako ang nakakarinig ng lahat. Ang iba kasi na nasa labas ay inaasikaso ng kasambahay nila.

Hindi nagsalita si Larel.

Tiningnan ko ang aking mga daliri, ayokong tingnan ang reaksyon niya at sigurado rin ako na ayaw niyang makita ko o ng kahit sino ang hitsura niya kapag pinapagalitan siya ng sariling ina.

"Hayaan mo na mare ganyan talaga ang kabataan ngayon mas pipiliin na samahan ang nobya kesa sariling pamilya" sabat ng isang matandang babae bago tumawa. Tumawa rin ang mga nakarinig.

Gusto kong linawin sa kanila na magkaibigan kami ni Larel pero para saan pa? Paniniwalaan ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan.

Limang babae ang kakwentuhan ng ina ni Larel, siguro ay matalik itong kaibigan ng ina niya kung kaya't bukod tanging nandito sa loob gayong nasa labas ang handaan.

"Sana lang iho ay matinong babae ang piliin mo hindi yung—" tumigil ito sa pagsasalita.

Alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito.

Nakayuko man ay alam kong pinasadahan ako ng tingin ng mga naroon.

Hilaw na tumawa ang matanda.

"Hindi yung dadalhin ka sa masama"

Sasagot pa sana si Larel sa matanda pero hinawakan ko siya sa braso.

Huwag.

Alam kong mapapagalitan siya ng Mommy niya kapag ginawa niya iyon and that's the least thing I want to happen. Lumapit ako kay tita Lara, tahimik lang itong nakatingin sa gagawin ko. Wala siyang sinasabi tungkol sa bagay na iyon, maging sa pagkakaibigan namin ng anak niya pero kahit kailan ay hindi niya ako pinagtanggol sa mga taong nagsasalita ng masama tungkol sa akin.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi naman niya ako anak para ipagtanggol.

Nginitian ko siya.

"Happy birthday po" tumango lang ito sa sinabi ko, si Larel naman ay hinila na ako paalis doon. Bago tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang pag-uusap ng dalawa pang naroon.

"Manang mana talaga sa ina, malandi" may halong pag-uyam ang boses nito.

"Ganoon talaga kapag malandi ang ina, malandi rin ang anak" dugsong pa ng isa.

"Pasensya ka na" ani Larel.

Dahil nga maraming tao sa harapan ng bahay nila ay sa may parteng gilid niya ako dinala, medyo malayo sa mga tao pero kahit papaano ay natatanaw parin namin ang nangyayari.

Tiningnan ko siya, halatang naghahanap pa siya ng pwedeng sabihin para mapagaan ang loob ko pero hindi alam kung ano ang mga ito. Mahina akong natawa nang ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa puno para doon ituon ang bigat niya at nakatagilid akong hinarap pero agad ding inalis nang may makapa siyang dagta.

Natawa ako dahil kitang kita ko kung paanong napalitan ang problemado niyang mukha ng pagngiwi.

Tinapik ko ang tabi ng duyan na inuupuan ko.

"Upo ka dito"

Masyado malaki ang duyan para sa akin, sigurado ako na magkakasya kaming dalawa. Umiling siya.

"Hindi na Nika, ayokong busugin ang mata ng mga nanonood" aniya, pinupunasan niya ang kamay niya gamit ang panyo pero sa nagaganap na handaan nakaturo ang nguso.

May ilan na nakatingin sa direksiyon namin, inaalam kung ano ang ginagawa naming dalawa, ginagawa ko.

Kung sa ibang pagkakataon at kasama ko ang iba ko pang kaibigan ay paniguradong hindi nila ako mapapansin.

Lihim akong natawa sa isipin na iyon.

Sino bang niloko ko? Kahit kasama ko ang mga kaibigan ko ay napapansin parin nila ako na parang kasalanan ko pa kung bakit ako pumupukaw sa kanilang atensyon. Ang kaibahan lang ay mas madali nila akong nakikita at mas madami ang matang nakamasid sa akin kapag hindi ko kasama sila Eli.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon