Kabanata 35

3 1 0
                                    


“Di-ma-a-no” bungad niya, napalitan na ang salitang hello o hi na kadalasang unang isinasatinig kapag may kausap sa telepono.

“Francisco” hindi siya tumawag kaninang tanghali pero inisip ko nalang na baka marami siyang ginagawa. Bisperas na ng pasko ngayon, siguro ay abala siya sa pagluluto ng mga handa kanina kaya ngayong gabi lang siya nakatawag.

Kapag ganitong oras ay okupado ang mga tao ng maraming bagay. Karamihan ay nasa simbahan ngayon, ang iba ay abala parin sa pagluluto at pag-aasikaso ng kamag-anak na umuwi para lang ipagdiwang ang pasko at may iilan din na gaya ko, nag-iisa.

Kanina pa tumawag ang mga kaibigan ko, batid na hindi na nila magagawa ang kausapin ako mamaya dahil masaya silang kasama ang kanilang pamilya, naiintindihan ko naman iyon at nauunawaan. Ang totoo ay hindi narin sumagi sa akin kung tatawagan ako ni boy tindero dahil tulad ng karamihan ay kasama niya ang pamilya niya ngayon. Tatlo lang silang magkakasama ngayon but that is something he should be thankful for at alam kong ipinagpapasalamat naman talaga niya.

“Bato bato pick”

Mula sa kwarto ay dinig ko ang malakas na pagpapatugtog ng kapitbahay sa isang Christmas song. Kanina pa iyon, sa sobrang lakas ay hindi na ata mabubura sa isip ko ang timbre ng boses ni Jose Marie Chan na isang kilalang mang-aawit.

“Anong sayo? Bato ang sa’kin”

Tiningnan ko ang beer na hawak. Hindi ko na alam kung nakakailang bote na ako ngunit kahit papaano ay alam ko parin naman ang ginagawa ko. Kung sakali naman na malasing ako ay ayos lang, wala akong maaabala, walang makakakita, nandito lang naman ako sa kwarto e.

“Dimaano!” nagitla ako, huli man ay inilayo ko parin ang telepono sa tenga.

“Ano yun?”

May sinabi ba siya?

“Hindi ka nakikinig” hindi nakatakas sa pandinig ko ang himig niya na may halong pagtatampo.

Seems like I spaced-out huh.

Natahimik ako, wala akong maisip na magandang palusot.

“May problema ba?” tanong niya.

Hindi lang nagsalita ay may problema agad?

Napataas ang aking kilay. Nakaupo ako sa sahig ng aking kwarto at kasalukuyang nakasandal sa aking kama. Nagkalat sa paligid ang mga balat ng chitchirya but I’m too drunk to give a damn or maybe empty.

“Wala naman” sambit ko bago tunggain ang beer na hawak. Sobrang dilim na sa labas.

Bobo mo Nika, malamang gabi na e.

“Hindi kita pipilitin magsalita dyan pero nandito lang ako, Aled pogi at your service just call mah name and I will listen. Sayong sayo bente kwatro” ani niya at tumawa nanaman ng malakas. Inilayo ko ulit ang telepono sa tenga, andami niyang sinabi. Nagdadalawang isip ako kung pagngingilabot o pagkatuwa ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya.

Sandali man ay nakalimutan ko ang gumugulo sa akin dahil doon.

“Magpapasko na” panimula ko.

Natahimik siya sa kabilang linya pero kahit ganun ay alam kong nakikinig siya. Nadidinig ko ang mababa niyang paghinga.

Hindi naman siguro masama kung magkukwento ako sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan, marahil ay dahil narin sa alak, ewan.

Nagdadalawang isip parin ako, kahit nga kila Eli ay hindi ako nagkukwento ng ganito. Iniisip nila na ayokong pag-usapan ang bagay na iyon, alam ko. Ngunit ang totoo? Gusto kong huminga, gusto kong magsalita, gusto kong marinig nila ako.

Pagod na akong tumahimik.

“Inalok ako ng ama ko na magdaos ng pasko sa bahay nila”

Kaya siguro malakas ang loob ko na magkwento dahil hindi ko naman kaharap ang kausap ko.

Why is it so hard to open up?

“Gusto kong pumunta pero” tumigil ako upang lunukin ang nakabara sa aking lalamunan at tumungga muli ng alak.

“Alam kong hindi matutuwa ang pamilya niya” sinusog ko ng tingin ang kwarto ko. Kung hindi lang talaga rinig ang ingay sa labas ay hindi mo aakalain na pasko. Gayunpaman, bago mag-inom ay binuhay ko ang mga Christmas lights sa bakuran namin para hindi ito mapag-iwanan. Mukhang masaya ang hitsura ng bahay sa labas pero kapag pumasok na sa loob higit lalo sa kwarto ko ay wala ka manlang makikita o mararamdamang saya, dahil tulad ko ay matagal nang nawalan ng buhay ang bahay na ito hindi man halata sa panlabas na anyo.

“Sino ba namang may gusto sa’kin?” himutok ko.

“Ako, gusto kita” banat niya na ikinatawa ko.

Damn, mag-isa nalang talaga ako.

“Sino ba naman ang may gusto sa anak ng isang kabit?”

Oo, anak ako ng isang kabit.

Pamilyadong tao na ang ama ko nang nagkaroon sila ng relasyon ng aking ina na kalaunan ay namatay dahil sa panganganak sa akin. Si lolo, ang tatay ng byolohiko kung ina ang nag-alaga sa akin.

Habang lumalaki ay alam kong may kulang pero kahit kailan ay hindi ko iyon isinatinig. Ginawa ni lolo ang lahat, siya ang tumayong ina at ama ko, ano nalang ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang hindi ako nakukuntento sa pagmamahal na binibigay niya?

Nagpanggap akong maayos lang ang lahat sa kabila ng mga naririnig ko sa iba.

‘Anak ng kabit’ dinig kong sabi ng isang babae nang minsang lumabas ako para makipaglaro. Hindi ko pa lubos na nauunawaan kung ano ang ibig sabihin niyon, pitong taong gulang palang ako nang una ko iyong marinig. Nalaman ko lang kung ano ba talaga iyon nang minsang may dumalaw na lalaki sa bahay.

Nagpakilala ito sa akin bilang ama ko, tawagin ko raw siyang Daddy, naguguluhan man ay tumango ako.

Akala ko ba ay si lolo ang ama ko?

Kung siya ang ama ko, bakit ngayon lang siya nagpakita?

Pero ayoko, natatakot akong magtanong.

Binilhan niya ako ng maraming damit at laruan. Tuwing linggo kapag bibisita siya ay palagi akong excited.
May mga pagkakataon na ilang buwan siyang mawawala pagkatapos ay bigla nalang susulpot pero ayos lang.

Ganun siguro ang mga ama, palaging wala. Ang mahalaga’y may ama ako at labis ko yung ikinatuwa.

Akala ko dati ay kakaiba ako dahil ang mga kaklase ko ay may nanay at tatay. Bata palang ay sinabi na sa akin ni lolo na wala na akong ina. Wala siyang binabanggit tungkol sa aking ama kaya hindi na ako umasa.

Ngunit heto, bigla siyang dumating.

Hanggang sa…

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon