Kabanata 42

3 0 0
                                    

Ilang minuto na ang lumilipas ngunit nandito parin ako sa tapat ng isang pribadong kwarto dito sa ospital. Si Francisco naman ay nanatili sa likod ko. Tahimik lang siya at nakasunod sa akin. Pinanindigan niya talagang sasamahan niya ako.

Ano bang dapat kong gawin?

Dapat bang kumatok muna ako o buksan ko na agad ang pintuan sa aking harap? Kinakabahan ako at kanina pa ako pinagpapawisan. Nalilito na ako kung anong unang dapat gawin.

Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob at mapakalma ang sarili ay iniangat ko na ang aking kanang kamay upang kumatok, hudyat na may tao dito sa labas na kailangan nilang pagbuksan. Gayunpaman, bago pa lumapat ang aking kamay ay naiwan na ito sa ere dulot ng kusang pagbukas ng pinto or should I say, may nagbukas ng pinto mula sa loob.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng lalaking kaharap ko. Nakatingin siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko ng kapatid ko siya. May mga pagkakapareho ang hulma ng aming mukha maging ang aming mga labi.

"Annika?" pasimula niya. Sinusubukang tibagin ang kung ano mang harang sa pagitan namin.

Ngayon ko lang siya nakita. Hindi rin ako nagbalak pang tingnan ang itsura nila sa social media dahil para saan pa? Dalawang bagay lang naman ang posibleng mangyari kapag ginawa ko iyon. Ang una ay maiinggit ako dahil mayroon silang kumpletong pamilya na kahit kailan ay hindi ko makukuha at ang pangalawa ay mas kaaawaan ko lamang ang aking sarili. Isa pa'y wala akong lakas ng loob tingnan ang itsura nila gayong ako ang bunga kung bakit muntik ng masira ang pamilya nila, maliban ngayon.

Imbis na sumagot ay tumango lang ako, hindi dahil ayoko siyang kausap bagkus ay gustong-gusto kong magsalita! Iyon nga lang ay walang lumalabas sa aking bibig. Nanunuyo ang aking lalamunan at nararamdaman ko na kapag pinilit kong magsalita ay pag-agos ng sarili kong luha ang magiging bayad niyon.

Ayokong umiyak! I grew up independently at hindi ako mapapaiyak ng ganitong bagay lang.

"At may kasama ka" aniyang tinutukoy si Francisco sa likod ko. Hindi ko na natingnan pa ang reaksyon ng aking kasama dahil sa kaharap ko lang ako nakatingin.

Isa siya sa dahilan kung bakit ako nagpupursige.

"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Daddy at kanina ko pa rin siya pinipilit magpahinga pero ayaw niya. Baka mapilit mo rin siya na matulog na muna. Hindi tamang nagpapagod siya ng sobra" dugsong ng lalaki sa harap ko bago nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok kami.

"Pasok ka"

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay natigilan ulit ako. Nakapasok na ng tuluyan ang aking kapatid. Bukas narin ang pinto. Tanging paghakbang nalang papasok ang gagawin pero nanghihina parin ako. Pakiramdam ko'y kulang parin ako sa lakas. Handa na ba talaga ako? Hindi malayong hindi lang si Daddy ang madatnan ko sa loob. Hindi ko pa ata kaya.

Imbis na humakbang paharap ay umurong ako at tumalikod. Binabalak kong tumakbo paalis dito pero tumama lang ang ako sa isang bulto ng katawan. Pag-angat ko ng tingin ay ang may katiyakang ngiti ni Francisco ang natagpuan ko. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko siya. Bahagya siyang yumuko upang magpantay ang mga mata namin at hindi ko alam, parang mahika, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na harapin ang bagay na gustong gusto kong takbuhan. Hindi na niya kailangan magsalita dahil sapat na ang ngiti at tingin niya para mawala ang pangamba ko. Muli ay humarap ako sa pintuan at nagsimulang humakbang. Kakayanin ko ito, hindi ako nag-iisa.

"Anak" bati niya nang makita ako.

Hindi ako sanay na nanghihina siya. O baka dahil hindi ko naman talaga siya binigyan ng pansin? Bukod kay Daddy ay ang lalaking nakausap ko lang ang nadatnan ko dito. Nasaan ang asawa niya? Maging ang isa ko pang kapatid?

"Maiwan ko muna kayo dito" ani ng kapatid ko bago tuluyang lumabas. Ako naman ay nanatiling nakatayo.

"Sa amin ka magdaos ng bagong taon anak" pag-umpisa niya nang kami nalang dalawa ang naiwan.

Inatake na siya sa puso pero bagong taon parin ang nasa isip niya.

"Alam kong galit ka sa akin pero maaari bang pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang?" dugsong niya.

Hindi. Hindi ako galit sa kanya. Galit ako sa sarili ko.

"Ang sabi ng doctor ay maaari raw akong lumabas dito bago magbagong taon. Bago rin ang araw na iyon ay eksaktong bababa na ng barko ang iyong kuya Theron. Ikatutuwa ko kung magdadaos ka kasama namin. Tiyak na matutuwa rin ang mga kapatid mo"

So that's explain it. Nasa barko ang isa ko pang kapatid ngunit ang asawa niya? Nasaan?

"Magiging masaya iyon kung idadaos natin na buo kayong magkakapatid" aniya at ngumiti.

Gusto kong itanong kung nasaan ang asawa niya at the same time gusto ko rin tanungin ang sarili ko kung kailan pa ako nagkaroon ng pake sa bagay na iyon.

"Kamusta na ang lagay mo?" gusto kong malaman kung bakit wala dito ang  babaeng inaasahan kong aalagaan siya sa ganitong pagkakataon ngunit mas importanteng malaman ko ang kalagayan niya.

Sa simpleng tanong na binitiwan ko ay naiyak siya kaya naalerto ako. May ginawa nanaman ba akong mali? Bakit siya umiiyak? Lumapit ako sa kanya para aluin siya. Wala akong ideya kung anong mga bawal kapag kagagaling lang ng isang tao sa heart attack ngunit ayokong nakikita siyang umiiyak. Bawal man yun o pwede!

"Alam mo bang—alam mo bang ngayon mo lang ako kinausap ng ganito?" aniya sa pagitan ng paghikbi dahilan kung bakit ako natigilan.

"Salamat anak. Salamat dahil nag-aalala ka para sa iyong ama. Buong akala ko ay wala kang pakialam sa akin"

Should I say it or not?

Shit.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin din siya sa akin at masayang pinupunasan ang sariling luha.

Bakit ko nga ulit pilit na inilalayo ang sarili ko sa kanya? Siya ang Daddy ko!

Kusang gumalaw ang aking mga braso  at niyakap siya. Kasabay din niyon ay ang pag-agos ng luhang ilang taon ko naring pinipigilan.

"Daddy...Daddy sorry po"

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon