Kabanata 23

4 0 0
                                    

“Bangag na bangag ka ngayon Sis a” ani Miles.

Yumuko ako sa lamesa.

Kasalanan nila Ruby ‘to e.

Isang bote lang daw pero biglang naging lima.

“Ikaw Bryant bangag na bangag din?” dinig kong sabi ni Gigi.

Hindi ko alam kung may ideya sila sa nangyayari kay Bryant. Hindi ko parin siya nakakamusta, palagi siyang mailap. Isa pa’y mukhang ayaw niyang pag-usapan ang nangyari noong nalasing siya kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. Hindi ko rin alam kung bakit kagaya ko ay bangag din siya.

Nandito kami sa room, petiks lang naman. Petiks sa hirap.Wala pa rin ang prof namin sa kasalukuyang subject pero hindi parin ako mapakali kasi ansakit ng ulo ko.

“Guys wala raw si Sir. Mendez” rinig kong announce ng isa sa mga kaklase ko. Dinig ko rin ang ilang hiyaw at apir ng bawat isa.

Ang ingay nila.

Ang sakit sa ulo.

“San tayo?” dinig kong tanong ni Gigi.

“Library? Cafeteria?” suggestion ni Miles.

Iniangat ko na ang ulo ko at tiningnan sila. Busy sa pagreretouch si Gigi. Si Miles naman ay nakatingin din sa maliit niyang salamin. Tinitingnan ang sariling mukha.

“Clinic?” ani ulit ni Miles at tiningnan si Bryant na subsob parin ang ulo sa desk. Nang maramdamang tinititigan namin siya ay iniangat niya ang ulo at hinarap kami.

Kami nalang ang nandito sa room. Nagsialisan na ang iba.

“Caferia tayo, nagugutom ako” ani Bryant at tumayo.

Kitang kita rin namin ang eyebag niya. Pagod na pagod ang mata niya. Halatang may problema. Dire-diretso siyang lumabas.

Nagkatinginan kami nila Miles, nag-uusap ang tingin kung sino ang magtatanong kay Bryant kung ano ang problema niya.

“Tara na, sundan natin yung gago” maya’y sabi ni boy tinde—Francisco at umalis. Nagkatinginan ulit kaming tatlo.

“Tingin niyo ano naman ang problema nung si Aled?” ani Miles. Kanina parin kasi siya tahimik.

“Grabe ang moody ng mga boys natin today ha. Kastress!” reklamo ni Gigi at sinukbit ang bag. Ganun din ang ginawa ni Miles bago kami umalis.

Pagdating namin sa cafeteria ay nandun na nga yung dalawa at kumakain.

Hindi man lang kami hinintay.

Ipinagkibit balikat nalang ito nila Gigi pagkatapos ay bumili ng sarili nilang pagkain. Gatorade lang binili ko.

Wala akong gana kumain e.

“Boys anong problema niyo?” tanong ni Gigi pagkalapit palang namin sa table nila.

Napatigil naman sila sa pagkain.

“Gutom lang ako” sabay pa nilang sabi.

Nagkatinginan nanaman kaming tatlo.

“Ayos ang palusot a. Same na same” ani Miles.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Maging dito sa cafeteria ay maingay.

Napatingin ako sa suot kong relo.

Maagap pa pero ang sakit talaga ng ulo ko. Hindi naman siguro masama kung aabsent ako ngayon. Hihingi nalang ako ng kopya ng notes kila Miles kung sakaling magturo ang susunod na prof.

Tumayo ako dahilan kung bakit naagaw ko ang atensiyon nila.

“Uwi na ako” natawa naman bigla si boy tindero.

Anong nakakatawa dun?

Nagkatitigan kami pero siya ang unang humiwalay ng tingin.

“Hindi ka na papasok?” nagtatakang tanong ni Miles.

First time kung aabsent ngayon. Hindi naman siguro iyon magiging dahilan ng pagbagsak ko. Isa pa’y gusto ko talagang matulog, ansakit ng ulo ko. Ayoko naman sa clinic kaya ang solusyon talaga ay ang umuwi ako sa apartment.

Tumango ako. “Masakit ulo ko e, bye na. Ingat kayo”

Wala rin naman akong maiintindihan kahit makinig. Iyon ang itinatak ko sa isip ko bago umalis sa harapan nila. Dire-diretso lang ako ng lakad nang may sumabay sa’kin at pinayungan ako. Napatingin ako sa kanya.

“Ang taas ng sikat ng araw tapos masakit pa ang ulo mo kaya dapat nagpapayong ka” aniya at ngumiti.

Napaiwas ako ng tingin.

Damn.

His dimples are just too damn cute.

“San punta mo?” tanong ko.

“Kung saan ka pupunta” prente niyang sagot na nakapagpatigil sa’kin.

“May klase ka pa” ngumiti ulit siya sa’kin.

May hangover nga ata talaga ako.

Bakit ako naiilang kapag ngumingiti siya?

Tsaka ano bang problema niya? Bakit siya ngiti ng ngiti? Bad mood siya kanina diba?

Moody amp.

“Wala na raw, may meeting ang mga prof”

Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa palusot niya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Matutulog ako hindi kita maaasikaso” paliwanag ko. Gustohin ko man na makipagkwentuhan sa kanya maghapon ay hindi ko kaya. Kailangan ko talagang itulog ‘tong nararamdaman ko. Lalo pa’t hindi nalang ata ulo ko ang masakit dahil nahihirapan din akong huminga ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

“Tulog ka lang basta patambay sa inyo”

Bahala siya. Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Hanggang sa makarating kami sa apartment.

“Nika agap a!” bungad ni Larel, pagpasok ko palang ay ipinagsiksikan niya nanaman ako kili-kili niya. Eksakto pang sando lang ang suot niya kaya amoy na amoy ko talaga. Palagi niya nalang akong ginaganito. Kinurot ko siya sa tagiliran para bitawan ako.

“Umayos ka nga!” reklamo ko at sinuklay ang magulo ko na ngayong buhok gamit ang kamay.

Tumawa siya ng malakas pero natigilan din nang mapansing may kasama ako.

“Si Ruby?” tanong ko.

Silang dalawa ang naiwan dito dahil sila lang naman itong walang klase.

“Lumabas may pupuntahan lang daw”
Iniwan siya?

Napansin kong nakatingin parin siya sa kasama ko at ganun din ito sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa bago marealize kung ano ang dapat kong gawin.

“ Larel si Francisco, Francisco si Larel” pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Agad namang inilapit ni Larel ang kamay niya kay boy tindero na agad din nitong tinanggap.

“Larel Andrei Mejes pre. You can call me Larel” ani Larel at nginitian ang kasama ko. Mestiso itong si Larel. May makapal na kilay at matangos na ilong. Ang mga labi niya naman ay medyo makapal. Sobrang rough ng facial features niya at maganda rin ang katawan dahil narin siguro sa paggigym kung kaya’t maraming nagkakagusto sa kanyang babae. Hindi rin maglalayo ang tangkad nila boy tindero.

“Aled Rances Francisco, Aled nalang” napataas ang kilay ko.

Akala ko ba ay mas gusto niya kapag Francisco? Ang gulo niya talaga.

Nang matapos nilang magpakilala ay umalis na ako at dumiretso agad sa kwarto.

Kanina ay nag-aalala ako kung anong gagawin ni boy tindero pero dahil nandito naman si Larel ay nakampante na ako.

Matutulog ako, bahala silang magkwentuhan dyan.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon