Kabanata 38

3 0 0
                                    

“Naks totoo na ‘yan? Ikaw talaga ‘yan Dimaano? Nasa harapan na talaga kita?” sunod-sunod niyang sambit pagkakita pa lang sa akin.

Agad niya akong nilapitan at mahinang inalog. Napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko?

Kalimitan ay itutulak ko ang kung sino na lumapit sa akin ng ganito pero imbis na pagkagitla ay parang nakaramdam ako ng saya nang makita siya.

“Kamusta?” payak kong tanong sa kabila ng kabang nararamdaman.

Ilang beses kong pinag-isipan kung ano ang sasabihin sa kanya sa oras na magkita ulit kami at nang mapagdesisyonan ko na ngang babanggitin ko ang salitang kamusta ay ilang ulit ko pa iyong pinagpraktisan.

“Gwapo parin, ikaw? Bakit parang excited ka atang pumasok agad? Miss mo na ako? Ibang klase ka naman magmahal Dimaano. Wala pang isang buwan ay miss mo na ako? Bakit? Mas exciting ba ako kesa New Year?” mahaba niyang sabi, hindi pansin ang mga tao sa paligid.

Sapat na ang tangkad niya para makaagaw ng atensyon. Agad ko siyang hinila paupo dahil doon.

Hindi ko alam, kapag kasama ko siya ay palagi nalang may lumilingon, kababaihan man o iyong mga nangangarap maging babae. Dati naman ay wala akong pakialam pero ngayon ay naiinis na ako sa hindi malamang dahilan.

“Boring sa bahay” paliwanag ko bago sumipsip sa shake na inorder.

Nagkita kami sa isang fastfood restaurant. Dalawang araw palang makalipas ang pasko ay napagdesisyonan kong bumalik ng apartment. Hindi ko na kayang labanan ang pagkabagot ko, idagdag pang puro problema lang ata ang naaalala ko kaya ninais kong tumakas.
Eksakto namang tumawag siya kaya niya nalaman na nakabalik na ako.

“Paano New Year mo?” naguguluhan niyang tanong, ikinibit ko ang aking balikat.

“Boring din naman ang New Year”

Napansin kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya itinuloy. Nagpanggap nalang ako na hindi iyon napansin.

Sasabihin naman niya iyon kung gusto talaga niyang sabihin.

Sumandal siya sa upuan at tinitigan ako. Sinalubong ko ang tingin niya. Makalipas ang ilang segundo ay siya na mismo ang umiwas.

“Stroll tayo?” alok niya.

Tiningnan ko ang kahon na nakalagay sa eco bag na dala niya.

“Katatapos ko lang magtinda” sambit niya nang mapansin kung saan ako nakatingin.

Tumango ako.

“Sige, saan mo ba gusto?” ani ko, tinutukoy ang alok niyang pamamasyal. Mahina naman siyang natawa dahil doon.

“Ikaw ang babae kaya ikaw ang magdedecide” paliwanag niya na ikinangiwi ko.

“So kapag lalaki ibig sabihin walang karapatan na magdecide?” nanghahamon kong tanong.

Palagi nalang kasing babae ang napapansin kong nagdedesisyon pagdating sa ganitong bagay.

Kahit sa mga palabas ay ganun din.

Ang cliché lang.

“Gusto ko lang na ikaw ang magdecide” sagot ni boy tindero. Kung kanina ay napangiwi ako sa sinabi niya ngayon naman ay hindi ko maiwasan magtaas ng kilay.

“Bakit hindi ikaw? Bakit kailangang ako?” huli na nang mapansin kong tumaas ang boses ko.

Mabuti nalang at malayo ang pwesto namin sa karamihan.

“Suhestyon ko lang naman yun” sagot niya, nakikita ko sa mata niya ang pagkabigla sa tono ng boses ko ngunit hindi ako natinag.

“Paano naman yung suhestyon ko?”

“Osige, ano bang gusto mo?” sa pagkakataong ito ay mas ramdam ko na ang pag-iingat ng boses niya.

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gusto ko. Wala akong maisasagot sa tanong niya.

At hindi ko rin alam kung bakit biglang naging ganoon ang reaksyon ko. Agad humipo sa akin ang konsensya nang maalalang napagtaasan ko siya ng boses. Napayuko ako sa isiping iyon.

Tae ka Nika, ano bang problema mo?

Ano bang ipinaglalaban mo kanina?

Ang labo mo rin e!

Humugot ako ng hangin. Kung kanina ay malakas ang loob ko na makipagtitigan sa kanya, ngayon ay parang bula iyon na nawala. Sumipsip ulit ako sa shake bago nagsalita.

“Pasensya na, hindi ko sinasadya”

Tumawa siya ng marahan.

“Bakit ka nagsosorry?” dinig kong tanong niya. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa pero nakokonsensya parin ako.

“Napagtaasan kita ng boses” nanatili akong nakayuko.

“O tapos?” nakakaloko niyang tanong, napanguso ako.

Tiningnan ko ang aking mga kamay.

“People should know how to control their emotions. I lost my control awhile ago”

Or else they will lose the people they love dearly… and their self.

“Emotion makes us alive” malumanay niyang sabi.

Naglakas loob akong tingnan siya.

Nakapatong ang mga braso niya sa lamesa at nakapangalumbaba akong tinitingnan.

“Baka nga mas matuwa pa ako kapag nawalan ka ng kontrol dyan sa emosyon mo e. It’s okay to feel Dimaano” kinuha niya ang shake sa harapan ko at sinipsip iyon.

“Patikim nito ha? Kanina pa ako natatakam e” aniya matapos iyon tikman. Nagpaalam pa siya gayong tinikman na niya iyong shake. Napaikot ang mata ko dahil doon.

“Bakit ka ba nagalit?” kuryoso niyang tanong nang napansin na kalmado na ako.

Nahihiya naman akong napakamot.

Bakit nga ba?

“Wala, huwag mo nalang iyon pansinin, hindi naman importante”

Tumigil siya sa pag-ubos ng shake ko at pinitik ako sa noo.

Aba! Nananakit na siya?

“Para sa akin, lahat ng tungkol sayo ay may halaga higit lalo iyang emosyon mo” sermon niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.

Agad kong hinipo ang noo ko matapos niyang pitikin, kinapa ko iyon sa pag-aasam na mawawala ang sakit. Nang mapansing hindi ko inaalis ang aking mga kamay sa noo ko’y dumaloy ang pag-aalala sa mukha niya.

Mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang aking mga kamay para matingnan ang noo ko.

“Masakit? Sorry, hindi ko na uulitin” aniya, ngayon ay ang kanang kamay na niya ang humihipo dito.

Hindi naman gaanong masakit yung pitik niya pero sapat na iyon para mapahawak ako sa noo ko.

“Shit namumula” dugsong niya, hindi ko alam kung ako ang kausap o ang sarili.

Sinubukan niyang hipan iyon.

“Masakit pa? Sorry talaga” rinig na rinig ko ang pagsisisi niya.

Napatingin ako sa mga mata niya pero agad ko rin iyong iniwas kasabay ng pag-iwas ng katawan ko sa katawan niya.

Masyado siyang malapit, nahihirapan akong huminga.

“Okay na, hindi naman gaanong masakit” ani ko matapos lumayo.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilapit iyon sa noo niya.

“Pitikin mo rin ang noo ko” seryoso niyang sabi pagkatapos ay pumikit, naghahanda sa lakas ng pitik na igaganti ko.

Natatawa naman akong umiling kahit hindi niya nakikita.

“Hindi na, mamasyal nalang tayo”

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon