Kabanata 29

3 0 0
                                    

Itinigil niya saglit ang pagkain pagkatapos ay tinitigan ako.

“May problema ka ba?”

Ako may problema?

Tinamad lang kumain may problema agad?

Nginitian ko siya.

“Wala”

Hindi parin siya kumbinsido sa sagot ko, mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na niya iyon naituloy nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

Nagpaalam muna ako kay Larel bago tumayo. Lumayo muna ako ng konti bago sinagot ang tawag. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang Caller ID. Isang tao lang naman ang kilala kong araw-araw na atang tumatawag sa’kin kapag ganitong oras.

“Di-ma-a-no” aniya sa kabilang.

Hindi ako nagsalita. Alam naman niyang nakikinig ako.

“Kumain ka na? Ako heto katatapos ko lang kumain. Medyo maaga akong natapos sa raket ko ngayon kaya ako rin ang nagluto” pagkukwento niya.

Palaging ganito. Sa aming dalawa ay siya itong mas madaldal. Baliktad ata pero alam ko namang ginagawa niya iyon dahil alam niyang likas na tahimik ako. Pinipilit ko rin naman minsan na sabayan siya sa mga trip niya. Hindi nga lang ako kagaya niya na sobrang unpredictable.

“Bato bato pick” sambit niya. Sinimulan ko namang ibuka ang kanang kamay ko na kumakatawan sa papel ng larong binanggit niya.

Ganitong level ang pagiging unpredictable niya.

“Gunting sa’kin anong sayo?” excited niyang tanong sa kabilang linya. Tiningnan ko ang kamay ko. Kung tutuusin ay pwedeng pwede akong mandaya dahil hindi naman video call ang ginagawa namin kundi simpleng tawag lang pero palagi kong inaalala ang sinabi niya noong unang beses niya akong ayain na makipaglaro sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagtawagan.

Kung sa simpleng laro ay mandadaya ka. Ano nalang ang gagawin mo kapag importanteng bagay na?

“Papel” sagot ko, kahit malayo siya ay sigurado akong malaki nanaman ang ngiti niya ngayon.

“Panalo ako, ikaw ang unang magpapahula”

Inisip ko naman kung ano ang ulam na dala ni Larel.

Dahil natalo ako ay siya ang may karapatan na pumili kung sino ang magpapahula at manghuhula sa aming dalawa. Simple lang naman ang ipapahula, kailangan lang namin idescribe kung ano ang ulam namin ngayong tanghali. Pinili niya na ako ang magpapahula kaya sinimulan ko ng ilarawan ang adobong dinala ni Larel.

“Matamis, reddish brown, may toyo” tumigil ako saglit, inisip ko pa kung ano ang pwede kong idagdag.

“Himala hindi instant food” pagpuna niya. Ilang beses niya narin akong sinabihan tungkol sa mga instant foods ko pero kapag ganun ay tumatahimik nalang ako.

Alam kong tama siya kaya tatahimik nalang ako. Sa huli ay wala siyang ibang magagawa kundi ang magbuntong hininga at sabihin na matigas ang ulo ko.

“Chicken” dagdag ko sa paglalarawan. Natahimik naman siya saglit, nag-iisip.

“Chicken curry?” aniya, mukhang nagdadalawang isip.

May toyo ba ang chicken curry?

“Hindi”

Natahimik siya ulit.

“Chicken inasal?” sa pangalawang pagkakataon ay nagkamali ulit siya ng hula kaya dinagdagan ko ang clue.

“Ground black pepper, bayleaf”

Dinig ko ang pag-uulit niya ng mga sinabi kong clue. Itinatatak sa isip lahat ng sinabi ko.

“Chicken adobo” aniya, mukhang siguradong sigurado.

Tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya nakikita.

“Oo”

Tumawa siya, proud na proud dahil nahulaan niya kung ano ang ulam ko ngayon.

Ganito siya kababaw.

“Alam mo ganiyan din ang ulam namin kagabi. Alam mo ang ibig sabihin nun?” aniya matapos tumawa, seryoso na ngayon ang boses.

Napaisip ako. May ibig sabihin ba kapag ganun?

“Ano?” dahil biglang naging seryoso ang boses niya ay napuno ng kuryusidad ang sistema ko. Mukhang may bago nanaman akong malalaman.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

“Destiny tayo”

Nabingi ako.

“Ang ulam mo ngayon ay ulam ko kagabi kaya ang ibig sabihin nun ay destiny tayo” paliwanag niya, pinipilit na maniwala ako.

“Totoo yun Dimaano” dugsong niya ng hindi ako magsalita.

Bakit nga ba ako umasa na may matututunan ako sa kanya? Palagi niya nalang akong nauuto pero hindi manlang akong natuto.

Ang layo ng chicken adobo sa destiny halatang nag-iimbento lang siya at purong walang kwenta lang ang sinabi niya.

“Francisco” seryoso kong saad.

“Yes, love?” nakakaloko niyang sagot sa kabila. Sigurado akong nakangisi nanaman siya ngayon.

Napangiwi ako.

“Ang korni mo” imbis na masaktan sa sinabi ko ay tumawa lang siya.

Masyado siyang masaya gayong puro walang kwentang bagay lang naman ang pinag-uusapan namin.

“Kasalanan mo” maya’y sabi niya.

Bakit ko naman naging kasalanan?

Hindi lang siya korni, bintangero rin.

“Anong ulam mo?” tanong ko.

Nandito na ako ngayon sa may sala, nakakangalay tumayo.

“Hindi mo manlang ba itatanong sa’kin kung bakit mo naging kasalanan?” aniya, tunog nagtatampo.

Tumingala ako.

Alam ko kasi na maglalahad nanaman siya ng banat niya na sobrang korni kaya sinadya kong hindi nalang iyon pansinin pero ipinagpipilitan niya nanaman.

Hindi ko maintindihan, bigla nalang siya naging ganiyan. Dati naman ay maingay lang siya pero hindi gaya ngayon na lahat nalang ata ng bagay ay sinabi na niya kahit walang kwenta.

“Bakit?” hinanda ko na ang tenga ko dahil paniguradong korning banat nanaman ang sasabihin niya pero natigilan ako.

“Kasalanan mo, hindi ko alam, masyado kasing maganda ‘yang ngiti mo noong una kitang makita kaya kahit nagmumukha na akong tanga dito ay handa akong gawin ang lahat marinig ka lang na tumawa”

Pinakinggan ko lang siya.

“Hindi ko makikita iyang ngiti mo pero ewan, magulo e, basta ang alam ko lang, gusto kong siguraduhin na masaya ka dahil nakakampante ako kapag ganoon. Masaya ako kapag masaya ka. Hindi ko man makita ‘yang ngiti mo, mararamdaman ko naman”

“Woy Dimaano?” sambit niya nang hindi ako magsalita.

“Tae pinatayan ba ako ng tawag?” dinig ko ang mahinang atungal niya.

Siguro ay inalis niya sa tenga ang cellphone para tingnan kung ibinaba ko ang tawag. Nang masigurong nasa kabilang linya parin ako ay binanggit niya ulit ang apelyido ko sa paraan ng pagkanta. Natawa ako ng bahagya. Ang kulit e.

“Anong ulam mo?”

“Sa dami ng sinabi ko ay iyan lang ang sasabihin mo?” reklamo niya.

Napakamot naman ako sa sariling ulo.

Wala akong masabi e.

“Dibale na nga, paksiw ang ulam namin, paksiw na isda”

Paniguradong masarap iyon, siya ang nagluto e.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon