Kabanata 8

5 0 0
                                    

“Hays” buntong hinga ng katabi kong si Miles habang tinutusok ang pagkain sa harapan niya.

Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria at nanananghalian pero mukhang pare-parehas kaming walang gana maliban kay boy tindero na mukhang sarap na sarap sa sarili niyang packed lunch. Kinabukasan, pagkatapos ko siyang makasamang bumili ng taho ay palagi na niya akong isinasama sa barkadahan nilang apat.

Tanda ko pa ang unang beses na nakasama ko silang kumain dito sa cafeteria. Naninibago ako pero nawala rin agad pagkatapos niyang maglabas ng baunan. Doon ko nalaman na nagbabaon lang pala ng tanghalian si boy tindero. Naisip ko nun, may ganito pa pala sa College? Akala ko nga ay sisitahin siya ng isa sa mga tindera dahil kumakain siya dito ngunit hindi naman bumibili pero mukhang okay lang naman sa kanila. Sa huli ay nakasanayan ko nalang na makasabay ko sila sa pagkain at ang makita siya habang inilalabas ang kulay asul niyang baunan. Bagay na hindi ko dapat pinagtutuunan ng pansin ngayon.

“Sabihin niyo guys, bakit nga ba tayo nag-Engineering?” tanong naman ng maluha-luhang si Gigi. Gaya ni Miles ay tinutusok-tusok lang niya ang pagkain sa sariling plato.

Noong isang linggo pa namin tineyk ang quiz na pinagpustahan sa kubo malapit sa library pero ngayon lang lumabas ang result. Naghintay kami para lang makita ang tumataginting na gintong itlog o zero sa papel maliban kay boy tindero syempre. Bukod tanging iisa lang ang mali niya, highest pa.

“Sabihan niyo nalang ako kung kelan kayo papapitik, gusto ko sa ilong a” pang-aasar pa niya.

“Guys with honors ako nung High School” sambit ni Bryant na nakatulala. Hindi pinapansin ang pang-aasar nung isa.

Ako rin e.

With high honors pa nga.

Hindi ko intensyong gayahin ang ginagawa nila Miles at Gigi pero parang ansarap durugin nung karne sa plato ko.

Paborito ko ang lechon paksiw lalo pa’t masarap ang pagkakatimpla pero nakakawala talaga ng gana.

San ba ako nagkulang? Nagreview naman ako a.

“Sana hindi nalang kayo bumili ng pagkain kung gaganyanin niyo nalang” Ani boy tindero pero walang pumansin.

Masyado kaming stress para kausapin siya.

“Kainin ko nalang ‘yan gusto niyo? Sayang e” maya’y sabi niya ngunit wala paring pumapansin.

Katahimikan.

“Tutor ko kayo kapag free time” saad ni boy tindero kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.

“Talaga Aled?” ani Miles

“Solid niyan pre, salamat!” si Bryant

“Bawal tumanggi fafa Aled okay? Pangako ‘yan” paniniguro naman ni Gigi.

Napakamot naman ng ulo si boy tindero at tumango. Mukhang napasubo siya pero sana huwag magbago isip niya. Gusto ko rin magpatutor e.

“Oo, basta after class kapag ubos na mga paninda ko”

Hanggang ngayon kasi ay kung ano-ano ang itinitinda niya. Nung minsan nga ay nagdala pa siya ng suman sa room at doon itininda. Hindi na nahiya dahil pati mga prof ay pinagbebentahan.

“Ako na uubos ng paninda mo. Basta turuan mo lang kami okay?” tuwang sabi ni Gigi.

“Papitik muna” pang-aasar nung isa kaya bigla siyang binatukan ni Miles. Na sinita naman agad ni Bryant para sabihing rare lang daw ang utak sa loob ng ulo ni boy tindero kaya dapat naming ingatan at hindi basta sinasaktan. Sumang-ayon naman si Gigi. Akala ko’y kasama ko si Miles na hindi naniniwala sa sinabi ni Bryant pero sa huli ay nagsorry pa ito at sinabing tama si Bryant.

Kung kanina ay walang buhay ang grupo namin ngayon naman ay bumalik na ulit sa dating ingay. Nakakabuhay naman talaga ang alok na tutor ni boy tindero. Tahimik akong napangiti at tinuon ang pansin sa pagkain.

Sabi na masarap talaga ang lechon paksiw e.

Pangatlong subo ko na sana nang mapansing nakatingin sa’kin si boy tindero. Agad niya rin namang inalis nang mapansin ko. Problema niya?

“So kelan start ng tutor mo Aled?” tanong ni Miles.

“Siguro next week, busy pa ako this week e” aniyang nakatuon ang atensyon sa pinto ng cafeteria. Maya’t maya ngumingiti.

Boy tindero featuring Mayor.

Mahihiya mga pulitiko sa kanya e.

“Busy kamo tayo lahat. Kastress ang plates ghorl. Lakas makasira ng glow” si Gigi na nanggigil ulit sa pagkain.

Bigla ko tuloy naalala yung akin. May kaonti na akong nasimulan, kailangan ko lang bumili ng panibagong techpen. Aksidente kong naihulog ang 0.5 ko nung isang araw. Next week pa naman ang deadline nun, medyo mahaba ang palugit.

“Ba’t ka tumigil?” ani boy tindero matapos kong tumigil sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

Tapos na ang klase at gaya ng nakagawian ay kasabay ko siyang umuwi. Simula nang maging parte ako ng grupo nila ay palaging ganito. Si Miles at Bryant na magkasabay tapos kaming dalawa. Palagi namang naiiwan si Gigi, sabi nila’y may kinikita pa raw itong panibagong boylet kaya busy. Hindi naman itinatanggi ni bakla at minsan ay nagkukwento pa na kinikilig. Kung minsan naman ay nakasabay ito kila Miles. Sobrang dalang nga lang.

“May problema ba?” tanong ko sa kanya pabalik. Kanina pa kasi kakaiba ang kinikilos niya. Kanina pa siya tingin ng tingin e. Mula cafeteria hanggang sa room. Chineck ko narin kung may dumi ako sa mukha, wala naman.

“Ano? Wala ah!” depensa naman niya. Kumakamot sa ulo sabay tingin sa eco bag na dala niya kaya tinitigan ko lang siya hanggang siya na mismo mahiya sa ginagawa niya.

May kuto ba siya? Kanina pa kamot ng kamot e.

“May imemeet kasi akong customer pwede mo akong samahan?”

Napatingin naman ako sa dala niya. Chicken wings ang mga yun. Buffalo chicken wings to be exact, madami iyon. Mukhang may pumakyaw sa paninda niya.

“Saan?” nang marinig iyon ay bigla namang lumiwanag ang mukha niya.

Sobrang transparent. Para talaga siyang babae. Nahiya ako bigla.

“Doon sa mismong bayan, isang sakay lang ng jeep!”

Pamilyar naman na ako sa lugar na sinasabi niya. Naalala ko rin na kailangan kong bumili ng bagong techpen kaya pumayag nalang ako. Saktong sakto.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon