Kabanata 18

4 0 0
                                    

”Spinach, string beans, kamatis, taro at okra” sambit niya habang tinitingnan isa-isa ang mga nabili namin.

Ako ang tagadampot. Siya naman ang may hawak ng grocery basket. Konti lang naman ang bibilhin namin kaya hindi na kailangan pang magcart.

“Condiments ba?”

Inalala ko naman ang laman ng kusina namin.

“Meron na”

“Sinigang mix?”

Iyon ang wala pa kaya naglakad ako para hanapin iyon.

Sumunod naman siya pagkatapos ay dumiretso na kami sa meat section.
Kaunting dampot ng mga chichirya bago siya magbayad. Sabi ko nga ay ako na pero umapila na siya.

“Alam kong makapal na talaga ang mukha ko pero huwag mo pasobrahan, ako na ang magbabayad” ngisi niya.

Andami niyang sinabi. Gusto ko sanang umapila dahil alam kong marami siyang pinagkakagastusan. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Sa huli ay hinayaan kong siya ang magbayad.

Pagkalabas ay nag-intay ulit kami ng dadaang tricycle. May mga nadaan kaso ay may mga pasahero na.

Tulala lang ako samantalang siya ay nakamasid sa mga nadaang sasakyan.

Ganito siguro kapag gutom na, mapapatahimik ka nalang ng wala sa oras.

Nang hindi nakatiis ay lumapit siya sa nagtitinda ng isaw malapit sa amin pagkatapos ay bumalik din agad sa tabi ko. Inalok niya ako pero tinanggihan ko.

Gusto ko ng umuwi.

May dumating na trike pero may matandang babaeng kasabay namin na nag-iintay kaya pinauna nalang muna namin.

“Ang init” reklamo ng katabi ko at hinipan ang pagkain. Ang dami niyang binili. Ang takaw e.

“Ayaw mo talaga?” umiling ako.

“Kaya ang payat mo e, kumain ka kaya ng kumain para naman magkalaman ka” hindi ko siya pinakinggan.

Hindi ako payat, hindi rin mataba, sakto lang.

Inilapit niya sa’kin ang isang stick ng inihaw na hotdog.

“Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka kumakain dyan” sambit niya.

Tiningnan ko ang hotdog.

Iyan din ang ulam namin kaninang umaga. Hindi ata siya nagsasawa.

“Isusubo mo ‘to tapos ngunguyain para mabusog ka. Huwag mong titigan” Ani niya, akala mo naman ay hindi ko alam kung paano kumain.

Mas lumapit pa ako sa kanya at nahihiyang kinuha iyong betamax. Hawak niya sa kaliwa ang baso kung saan nakalagay ang mga binili niya, may sawsawan narin sa loob. Ang kanang kamay naman niya ang may hawak ng hotdog na inaalok sa akin.

Tindahan ng mga isaw ‘yun pero mas madami pa ang hotdog kumpara isaw na binili niya.

Nagkibit lang siya ng balikat at ngumiti dahil sa ginawa ko.

Ayoko nung hotdog pero nahihiya rin akong sabihin iyon kaya yung betamax ang kinuha ko.

Dapat ba sinabi ko?

Dapat ba nagpaalam ako sa kanya?
Basta ko nalang kinuha yung betamax at hindi manlang nagpasalamat!

E ano ngayon?

We’re friends right?

So it’s fine.

I think.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon