Kabanata 11

5 0 0
                                    

"Miles teka—" Lunes ngayon at hindi ko alam kung anong problema!

"Gigi may—" tulad ni Miles ay hindi niya rin ako pinansin at dali-daling umalis.

Kanina pa nila akong apat hindi pinapansin. Pagpasok palang ay lumapit na ako sa kanila gaya ng nakagawian pero para akong hangin na hindi nila nakikita.

Sinubukan kong lumapit Kay Bryant at boy tindero na nag-uusap pero mabilis silang lumayo. Akala mo ay may sakit akong nakakahawa.

Ano bang problema?

May ginawa ba akong masama?

Marahil ay sawa na sila sa ugali ko sabagay, sino nga ba naman ang makakaunawa sa'kin bukod kila Eli.

Hanggang sa matapos ang klase ay ganoon. Mag-isa rin akong kumain sa cafeteria.

I thought we're friends.

Hindi pala.

Gaya ng ginagawa ko nung 1st day of class ay agad kong inayos ang mga gamit ko sa bag at umalis na.

Aaminin kong parang may kulang pero ano bang magagawa ko? Sila ang umiiwas e.

O baka naman ako ang may mali?

"Pffft HAHAHAHA" rinig kong tawa ni boy tindero. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla nalang siyang umultaw sa harapan ko. Nabunggo tuloy ako.

"Mukhang sobrang lalim ng iniisip mo a, care to share?" aniya at inalok ang kanang kamay para tulungan akong tumayo.

Hindi ko iyon tinanggap. Pagkatapos niya akong pagtawanan, tss. Kaya kong tumayo na mag-isa. Nang makitang nakatayo na ako ay agad niyang ipinuwesto ang iniaalok na kamay sa sariling batok sabay iwas ng tingin. Nagpapanggap na hindi napahiya. Natawa ako nang makita ang pagnguso niya kaya lumingon ulit siya sa akin at ngumiti.

"O eto Dimaano a, hahawakan kita sa braso chill ka lang" saad niya at idinikit ang sariling kamay sa braso ko.

Mukhang naalala niya na ayokong bigla nalang hinahawakan o baka takot narin siya na biglaan kong maitulak pero bakit kailangang nakahawak pa sa braso?

"Bakit?"

"May pupuntahan tayo" sagot niya at dahan akong hinila kaya napasunod narin ako sa kanya.

Para namang tatakas ako.

Itatanong ko sana kung bakit hindi nila ako pinapansin simula kaninang umaga pero masyado siyang seryoso. Isa pa'y nakakahiya baka isipin niya ay gusto kong palagi nila akong pinapansin.

Teka hindi ba?

Pero nakakabigla naman talaga ang pag-iwas nila sa akin.

"Teka lang" ani boy tindero nang makarating kami sa may tapat ng isang kubo. May tumatawag kasi sa kanya.

"Oo eto nga malapit na" bulong niya pa sa kausap pero narinig ko naman. Lumayo ako nang mapansing ayaw niyang iparinig ang usapan nila ng kung sino man.

Napatingin ako sa paligid. Nasa loob parin naman kami ng campus pero wala akong nakikitang mga estudyante. Saang parte ba ito? North, South, East o West Wing? Gusto kong sampalin sarili dahil nagpahila ako sa kanya nang hindi tinitingnan ang dinaraanan. Masyado akong lutang.

Sa harapan ng kubo ay may mga puno ng mangga kaya hindi tumatagos ang sikat ng araw. Kitang kita rin ang mga nagkalat na natuyong dahon ng puno sa paligid. Halatang hindi na naaalagaan pero kahit papaano ay mukha parin namang malinis. Siguro ay dahil wala namang nagkalat na plastic, purong dahon at maliliit na natuyong sanga lamang ang nasa lupa. Hindi ko alam na may ganitong parte pala ang eskwelahan na ito. Pagkababa niya ng tawag ay hinila ulit ako ni boy tindero sa kung saan. Sa pagkakataong ito ay nakatingin na ako sa paligid. Sobrang peaceful. Kasalukuyan akong nakatingala nang marinig ko ang pagkanta nila Miles kaya agad akong napalingon sa direksiyon nila.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" pagkanta nila habang lumalapit kami. Maging ang lalaking nasa likod ko ay nakikikanta rin.

Paano nila nalaman?

"Bakla ka! Birthday mo pala nung byernes hindi mo manlang sinabi" reklamo ni Gigi matapos kong magblow nung kandila.

Hindi ko rin naman kasi naalala. Isa pa'y nakakahiya naman kung bigla ko nalang sasabihin sa kanila na birthday ko like 'Uy guys birthday ko ngayon kaya batiin niyo ako'

Nakakaasiwa.

"Ekis ka dun Sis a! Magkakasama tayo nun e dapat sinabi mo kung hindi pa sinabi sa'min nitong si Aled hindi pa namin malalaman" ani naman ni Miles habang hinahati ang cake na binili nila.Tumango-tango naman si Bryant, pahiwatig na sumasang-ayon siya sa sinabi ng dalawa kaya napatingin ako kay boy tindero para sana tanungin. Picnic style ang ginawa nila kaya magkakalapit talaga kami at dinig ang sinasabi ng bawat isa kaso nahiya na akong magtanong sa kaniya nang magsimula na sila ni Bryant kainin ang fried chicken na nasa harapan. Siguro mamaya nalang.

Nagpatuloy kaming ganoon, nagkukwentuhan, asaran, ipinaliwanag narin nila na hindi nila ako pinapansin kasi una raw ay nagtatampo sila, pangalawa ay gusto nila akong isurpresa. Humingi narin naman ako ng paumanhin dahil doon.

"Ang tawag dun tampresa, tampong surpresa" naalala ko pang sabi ni Bryant sa kalagitanaan ng pagkukwentuhan namin. Agad naman siyang binato nung tatlo ng piattos na kinakain.

"Korni pre parang awa mo na" reklamo ni boy tindero at pinagsalikop pa ang dalawang kamay sabay yuko sa harapan ni Bryant. Ginaya rin namin siya nila Miles at Gigi kaya kitang kita nanaman namin ang pagpula ng tenga ni Bryant. Mukhang narealize na niyang nakakahiya yung joke niya, kung joke man iyong matatawag.

........

"Nakita ko dun sa post nung kaibigan mo sa Facebook, iyong lumangoy sa sahig" paliwanag ni boy tindero matapos ko siyang tanungin kung saan niya nalamang birthday ko.
Naalala ko si Eli, siya lang naman ang nakita kong nadapa nung kasama ko ang isang to. Gusto ko tuloy ulit matawa. Tanda ko ring naggroupie kami nung sinurpresa nila ako kaya baka nga ipinost nila iyon. Hindi rin malayong friends na sila sa social platform na yun dahil knowing Eli kahit nagmamadali siya nun malamang ay napansin niyang kasama ko itong si boy tindero na katulad niya ay plano atang tumakbo sa pagiging Mayor sa sobrang dami ng kakilala. Hindi naman ako active sa social media kaya inassume ko nalang.

"So ayun happy birthday ulit, bye" saad niya nang makarating na kami sa tapat ng apartment ko. Nang lumubog ang araw ay napagdesisyunan na naming lima na umuwi at kagaya nang nakagawian ay sabay ulit kaming naglakad ni boy tindero at nakahiwalay yung tatlo.

"Salamat" sagot ko at nginitian siya.

Masaya ako ngayon.

Totoong masaya.

"Teka sandali" pigil niya pagkatalikod ko palang kaya napaharap ulit ako sa kaniya.

"Dito ko lang nilagay yun e" rinig ko pang sabi niya habang hinahalungkat ang sariling bag. Nagtaka naman ako.

"Ayun!" sigaw niya ng makita ang hinahanap. Isa iyong box na kasing laki ng lagayan ng mga tablet na tinatalian ng puting ribbon. Iniabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman.

May regalo siya? Bakit? Sapat na iyong ginawa nila kanina, hindi na kailangan ng regalo. Ang totoo'y kahit pagbati ay sapat na para sa akin.

Nanatili namang nakatitig sa magiging reaksyon ko si boy tindero. Hinila ko ang ribbon para mabuksan ang kahon at bumungad sa akin ang isang kulay puting dream catcher na katamtaman lang ang laki. Sa tali nito ay may maliit na kahoy kung saan nakaukit ang apelyido ko. Ang mga feathers naman ay kulay puti na hinaluan ng kaunting kulay karamelo gayun din ang mga beads.

Ang ganda.

"Pasensya na, iyan lang nakayanan ko e. Hindi mo ba nagustuhan? " rinig kong tanong niya nang mapansing nakatitig lang ako sa regalo niya.

Hindi ko nagustuhan? Ang ganda ganda nito.

"Ang ganda, salamat!" nakangiti kong sabi. Mukha namang nakahinga na siya nang maluwag matapos marinig 'yun.

"Pero alam mo mas maganda ka lalo na kapag nakangiti" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Ano raw?

"A alis na ako, bye!" pagpapaalam niya agad. Naiwan naman akong tulala habang hawak ang regalo niya.

Impossible.

Baka nabingi lang ako.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon